I‑update ang mga setting ng availability mo
Pinapadali ng mga setting ng availability ng Airbnb ang pagkontrol sa kung kailan at paano binu‑book ng mga bisita ang patuluyan mo. Nasa kalendaryo mo ang mga ito.
Kadalasang magkasamang ginagamit ang mga setting ng availability at tool para sa pagtatakda ng presyo. Kung gusto mong gamitin ang ilang partikular na tool, tulad ng pag‑aalok ng mga buwanang diskuwento, posibleng kailangan mong baguhin ang availability mo, tulad ng pagtanggap ng mas matatagal na pamamalagi.
Pag‑adjust ng pinapayagang tagal ng pamamalagi
Kapag binago mo ang pinapayagang tagal ng pamamalagi, posibleng isama sa mas maraming resulta ng paghahanap ang listing mo. Siguraduhing naaayon sa mga lokal na alituntunin at regulasyon ang minimum at maximum na tagal ng biyahe na itinakda mo.
- Minimum na bilang ng gabi: Kapag mas maikli ang minimum na bilang ng gabi, mahihikayat ang mga bisitang nagbu‑book ng maiikling pamamalagi at posibleng ma‑book ang mga bakanteng gabi sa kalendaryo mo. Puwede mong iangkop ang minimum na tagal ng pamamalagi batay sa araw.
- Maximum na bilang ng gabi: Kapag mas mahaba ang maximum na tagal ng pamamalagi, mahihikayat ang mga bisitang nagbu‑book ng mas matatagal na pamamalagi at mababawasan ang pagpapalit ng bisita. Puwede mo ring payagan ang mga kahilingang mamalagi nang mas matagal sa maximum na itinakda mo. Masusuri at maaaprubahan mo ang mga ganitong kahilingan.
- Iniangkop na pinapayagang tagal ng pamamalagi: Kapag nagtakda ng iniangkop na pinapayagang tagal ng pamamalagi na mas maikli sa minimum na tagal ng pamamalagi sa mga partikular na petsa, posibleng ma‑book ang mga bakanteng gabi sa kalendaryo mo.
Pangangasiwa sa availability mo
Gaano katagal ang kailangan mong abiso mula sa pagbu‑book ng bisita hanggang sa pagdating niya? Gaano kaaga mo gustong payagang makapag‑book ang mga bisita? Itakda ang availability mo para makakuha ng mga booking na mainam para sa iyo. Awtomatikong gagawing available ang mga gabi batay sa mga pipiliin mong setting. Hindi mo kailangang mano‑manong isaayos ang kalendaryo mo.
- Paunang abiso: Piliin ang sa mismong araw, isang araw man lang, dalawang araw man lang, tatlong araw man lang, o pitong araw man lang. Puwede mo ring payagan ang mga kahilingang mag‑book sa mismong araw ng pamamalagi pero kailangan mong suriin at aprubahan ang mga ganitong kahilingan.
- Paunang abiso sa mismong araw: Kung pumapayag kang mag‑book ang mga bisita sa mismong araw ng pamamalagi, puwede mong itakda ang oras ng cut‑off kung kailan hindi na puwedeng makapag‑book. Pumili ng anumang oras mula 6:00 AM hanggang 12:00 AM.
- Panahon ng paghahanda: Piliin kung ilang gabi ang kailangan mong i‑block bago at pagkatapos ng bawat booking. Pumili sa wala, isang gabi bago at pagkatapos ng bawat booking, at dalawang gabi bago at pagkatapos ng bawat booking.
- Palugit ng availability: Kapag pinalawig mo ang availability mo, makakapag‑book nang mas maaga ang mga bisita at lalabas sa mas maraming resulta ng paghahanap ang listing mo. Pumili sa tatlong buwan, anim na buwan, siyam na buwan, 12 buwan, at 24 na buwan mula sa petsa ngayon.
- Higit pang setting ng availability: Puwede mong pagbawalan ang pag‑check in o pag‑check out ng mga bisita sa mga partikular na araw ng linggo. Bina‑block nito ang kalendaryo mo para hindi matapat ang pagdating at pag‑alis ng bisita sa mga partikular na araw na wala ka. Puwede kang pumili ng maraming araw sa isang linggo pero hindi lahat ng araw dahil hindi mabu‑book ng mga bisita ang patuluyan mo kung ganoon.
Pagkokonekta ng mga kalendaryo mo
Kapag na‑sync mo ang lahat ng kalendaryo mo sa pagho‑host, maiiwasang mag‑book sa parehong petsa ang maraming bisita. Awtomatikong naa‑update ang magkabilaang koneksyong ito kapag may na‑book na gabi. Para ikonekta ang mga kalendaryo mo:
- Ilagay ang ibinigay na link ng kalendaryo sa Airbnb sa kabilang website.
- Kumuha ng link na nagtatapos sa .ics sa kabilang website at ilagay ito sa kalendaryo mo sa Airbnb.
Ikaw lagi ang bahala sa presyo at iba pang setting mo. Posibleng maiba ang resulta para sa iyo.
Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.