Accessibility sa Airbnb
Ganito namin pinapadali ang pagbiyahe gamit ang platform namin.

Mga pinahusay na filter sa paghahanap
Pinasimple namin ang mga filter para sa accessibility para makapagbigay ng mas magandang karanasan sa paghahanap.
Pagsusuri sa accessibility
Sinusuri namin ang bawat accessibility feature na isinusumite ng mga host ng tuluyan para matiyak na tumpak ang mga ito.


Direktang pagpapadala ng mensahe sa mga host
Direktang makipag-chat sa mga host para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga accessibility feature ng patuluyan o experience nila.

Makinig sa pahayag ng Airbnb tungkol sa digital accessibility
Digital accessibility sa Airbnb
Sinisikap ng Airbnb na umangkop sa European Accessibility Act at Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.1 Level AA para sa website at mga mobile application namin.
Paano kami kumikilos
- Pagsasama ng pinakamahuhusay na kasanayan sa digital accessibility sa disenyo at mga proseso namin sa engineering
- Pagbibigay ng tuloy-tuloy na training at sanggunian tungkol sa accessibility sa mga empleyado namin
- Pakikipag-ugnayan sa mga internal at external na quality assurance tester
- Pagpapanatili ng team na may iba't ibang kasanayan na nakatuon sa pagsubaybay at pagtugon sa mga isyu sa digital accessibility sa website at mga application namin
- Pagsasanay sa mga ahente ng customer support tungkol sa mga isyu sa digital accessibility
Feedback
Tinatanggap namin ang feedback mo tungkol sa mga kagawian ng Airbnb sa digital accessibility. Magpadala ng email sa amin sa digital-accessibility@airbnb.com para makipag-ugnayan.
Mga nakatalagang team
May mga team ang Airbnb na nakatuon sa pagbuo ng mga produktong magagamit ng lahat. Nakikipagtulungan ang mga team na ito sa mga engineer, designer, at iba pa sa kompanya para matiyak na binubuo ang mga produkto namin nang may pagsasaalang-alang sa accessbility.
Mga detalye ng digital access sa platform
Nakatuon kami sa pagdidisenyo ng accessible na karanasan sa lahat ng browser at device.
Dali ng paggamit sa mga browser, assistive technology, at mga device
Regular na nagsusuri at nagpapahusay ang Airbnb kaugnay ng mga sumusunod na accessible na karanasan:
Mga screen reader- VoiceOver
- Desktop VoiceOver para sa macOS: pagsusuri sa web gamit ang Safari browser
- Mobile VoiceOver para sa iOS: pagsusuri sa mobile web gamit ang Safari browser
- Mobile VoiceOver para sa iOS: pagsusuri sa native application
- TalkBack
- Mobile TalkBack para sa Android: pagsusuri sa mobile web gamit ang Chrome browser
- Mobile TalkBack para sa Android: pagsusuri sa native application
- JAWS sa Microsoft Edge
- NVDA sa Mozilla Firefox
- Mga command na para lang sa keyboard
- Desktop web sa Windows
- Desktop web sa macOS
- Pagpapalaki ng font: Android mobile OS
- Dynamic type: iOS mobile OS
- Mga naa-adjust na laki ng font: Sinusubok ang mga nako-customize na laki ng font sa web sa Chrome para sa desktop, at sa mobile sa Safari para sa iOS
- iPhone 7 ang pinakalumang iOS phone na sinusubok.
- Kasama sa mga pansubok na device sa Android ang Google at Samsung. Ang Pixel 3 at Galaxy S8 phone ang mga pinakalumang modelong ginagamit para sa pagsubok.
- Kung may bug sa mas lumang device o bersyon ng OS, bineberipika muna namin kung nararanasan ang isyu sa kasalukuyang bersyon ng app, saka ito binibigyan ng priyoridad at nilulutas.
- Kung wala ang isyu sa kasalukuyang bersyon, binibigyan ito ng priyoridad kaysa sa mga mas bagong isyu depende kung gaano kalala ang epekto.
Mga limitasyon at alternatibo
Kahit ginagawa namin ang lahat para masigurong accessible ang Airbnb, may ilan pa ring limitasyon. Inilalarawan sa ibaba ang mga nalalamang limitasyon at posibleng solusyon. Makipag-ugnayan sa amin kung may mapapansin kang isyung hindi nakalista sa ibaba.
Mga nalalamang limitasyon ng Airbnb: Mga litratong in-upload ng customer- Posibleng walang paglalarawan ang mga larawan ng listing, litrato sa profile ng customer, at iba pang na-upload na litrato. Ina‑upload ng mga host ang kani‑kanilang mga larawan ng listing at may opsyon na magbigay ng mga paglalarawan sa desktop web. Hindi ito rekisito ng Airbnb.
- Nag-e‑explore kami ng mga opsyon sa awtomatikong paggawa ng mga paglalarawan ng mga litrato ng listing. Puwedeng ilapat ang solusyong ito sa iba pang na‑upload na larawan kalaunan.
- Posibleng hindi accessible ang content na nasa mga platform ng Airbnb sa pamamagitan ng mga third-party na vendor. Hindi palaging nakakatugon ang mga vendor na ito sa pamantayan namin sa accessibility. Kapag may natutukoy na isyung nauugnay sa accessibility sa pamamagitan ng internal na proseso namin ng QA, nakikipag‑ugnayan kami sa vendor tungkol sa isyu at ipinapaayos namin ito sa kanya.
- Kasama na sa mga kontrata ng bagong vendor ang suporta para sa WCAG 2.1 Level AA, pero hindi ito ilalapat sa mga kontratang ipinapatupad na.
- Hindi sinusubok ng Airbnb kung compatible ang platform namin sa mga tablet. Posibleng magkaroon ng kakaibang pagkahati ng teksto at hindi gaanong magandang karanasan para sa user ng tablet dahil sa kakulangang ito sa pagsubok.
- Hindi sinusubok ng Airbnb ang compatibility ng platform namin sa access sa keyboard sa mga native mobile app o sa Braille display. Posibleng hindi gaanong maganda ang maging karanasan ng mga user na gumagamit ng ganitong kombinasyon ng device sa native application namin dahil sa kakulangang ito sa pagsubok.
- Kasalukuyang walang planong isama ang pagsubok ng access sa keyboard o Braille display sa proseso namin ng Quality Assurance.
- Maa-access ng mga customer sa web ang mga setting ng accessibility pagkatapos nilang mag-log in. Puwedeng ma‑access ng mga customer sa native mobile application ang mga setting ng accessibility naka‑log in man sila o naka‑log out.
Mga accessibility feature
Alam naming nagbabago ang accessibility, pero narito ang ilang paraan kung paano namin pinapahusay ang accessibility ng Airbnb.
Paningin- Suporta sa screen reader
- Mga minimum ng contrast ng kulay
- Umaangkop na web design
- Pagpapalaki ng font, dynamic type, naa-adjust na laki ng font
- Mga open caption para sa video na content
- Mga paglalarawan ng litrato para sa content na ginawa ng Airbnb
- Mga keyboard shortcut sa web
- Mga kontrol sa pag-zoom ng mapa
- Mga kontrol sa pag-pan ng mapa
- Mga setting ng binawasang paggalaw
- Pigilan ang pag-autoplay ng video
- Mag‑load ng iba pang opsyon (kaysa mag‑scroll nang walang katapusan)
- Naka-off ang tunog bilang default
Para masuportahan ang accessibility, nakikipagtulungan kami sa:




Handa kaming tumulong
Pumunta sa Help Center para sa higit pang impormasyon.
Paano gamitin ang mga filter sa paghahanap?
Madaling gamitin ang mga filter sa paghahanap para mga listing lang na may mga accessibility feature na kailangan mo ang lumabas. Matuto pa tungkol sa paghahanap ng mga matutuluyang may mga accessibility feature o paghahanap ng mga experience na may mga accessibility feature.
Paano sinusuri ng Airbnb ang mga accessibility feature?
Kinakailangang magsumite ng mga litrato ng accessibility feature ang mga host ng tuluyan. Kinakailangan namang magbigay ng nakasulat na paglalarawan ang mga host ng experience. Pagkatapos, mano-manong susuriin ang mga ito ng dalubhasang team ng mga ahente ng Airbnb para matiyak na tumpak ang mga litrato at maayos ang ng mga paglalarawan.
Puwede ko bang isama sa experience ang provider ko ng accessibility o ang taong tumutulong sa akin?
Puwedeng payagan ng mga host ng experience ang mga provider ng accessibility na samahan ang mga tinutulungan nilang bisita nang walang dagdag na bayad. Sa Airbnb, itinuturing naming provider ng accessibility ang sinumang mahigit 18 taong gulang na regular na tumutulong sa mga pang-araw-araw na gawain ng taong may kapansanan, sakit sa pag-iisip, o pangmatagalang karamdaman. Matuto pa tungkol sa mga provider namin ng accessibility at mga kaugnay na patakaran sa experience para sa mga bisita at host.
Puwede ko bang isama ang gabay na hayop ko?
Batid naming may mahalagang tungkulin ang mga gabay na hayop sa amo nila. Kaya naman hindi kailangang sabihin ng mga bisita bago sila mag-book na may gabay na hayop sila. Gayunpaman, palagi naming hinihikayat ang malinaw na pakikipag-ugnayan para matiyak na magiging maayos ang karanasan ng lahat. Matuto pa tungkol sa mga patakaran sa mga gabay na hayop para sa mga bisita at host.
Paano masusuportahan ng mga host ang mga bisitang may mga pangangailangan para sa accessibility?
Magkakaiba ang pagiging accessible ng listing depende sa bisita. Kaya naman ginagabayan namin ang mga host kung paano sila makakapagbigay ng malinaw at tumpak na impormasyon tungkol sa mga listing nila, at hinihikayat namin silang makipag-ugnayan sa mga bisita nila. Matuto pa tungkol sa pagho-host ng mga bisitang may mga pangangailangan para sa accessibility. Matuto pa tungkol sa pagpapatuloy ng mga bisitang may mga pangangailangan para sa accessibility.
Paano makakapagdagdag ng mga accessibility feature sa listing ang mga host?
Posibleng mas accessible ang patuluyan ng host kaysa sa inaakala niya. Puwede niyang i-edit ang listing niya ayon sa kuwarto at kumpirmahin ang bawat accessibility feature gamit ang kahit man lang isang malinaw na litrato. Matuto pa tungkol sa paglalagay ng mga accessibility feature sa mga listing ng tuluyan. Matuto pa tungkol sa paglalagay ng mga accessibility feature sa mga listing ng experience.