Update para sa 2024
Paglaban sa diskriminasyon at pagpapalawig ng access sa pagbiyahe sa lahat
Project Lighthouse
Inilunsad noong 2020 ang Project Lighthouse, isang tool na ginagamit namin sa United States para matuklasan at matugunan ang potensyal na pagkakaiba ng karanasan ng iba't ibang lahi sa Airbnb. Binuo namin ang Project Lighthouse sa tulong ng ilang nangungunang organisasyon sa karapatang sibil at privacy. Matuto pa
Paggamit ng totoong datos
Sinusuri namin kung paano ginagamit ng mga bisita at host ang aming platform. Nakakatulong sa amin ang mga pagsusuri sa stats para makahanap ng mga oportunidad na gawing mas bukas sa lahat ang Airbnb.
Pagprotekta sa privacy
Sinusuri namin ang mga trend nang sabay-sabay at hindi iniuugnay ng Airbnb ang impormasyon tungkol sa inaakalang lahi sa mga partikular na tao o account.
Patuloy ang pagpapabuti
Patuloy na naghahanap ang aming team ng mga bagong paraan para gawing mas bukas at mas marapat ang Airbnb.
Ang aming patuloy na pagsisikap
Pagbibigay ng access sa Madaliang Pag‑book sa mas maraming tao
Ang Madaliang Pag‑book ay isang feature na magagamit ng mga bisita para mag‑book ng listing nang hindi kinakailangang aprubahan ng mga host ang kahilingan sa pagpapareserba. Isa itong mahalagang tool na nakakatulong para mabawasan ang diskriminasyon sa proseso ng pagbu‑book sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga walang kinikilingang pagbu-book. Nakatulong ang mga kamakailang pagbabago na nagbibigay-daan sa mas komprehensibong pagtukoy ng positibong katayuan sa Airbnb para maparami ang bisitang matagumpay na nakakapag‑book ng reserbasyon gamit ang Madaliang Pag‑book.
Pagtulong sa mga host na tumugon sa mga pagpapareserba
Nakapagpataas din ng rate ng matagumpay na pagbu-book ang mga bagong hakbang na tumutulong sa mga host na maagap na makatugon sa mga kahilingan sa booking. Bilang bahagi ng mga pagbabagong ito, ginawang mas kapansin‑pansin sa mga host ang mga nakabinbing kahilingan sa pagpapareserba. Nabawasan nito ang bilang ng kahilingan sa pagpapareserba na dating hindi natutugunan. Nakapagpataas naman ito sa bilang ng bisitang matagumpay na nakakapag‑book ng lugar na matutuluyan.
Pagtulong sa mga bisita na makabuo ng positibong reputasyon sa Airbnb
Mas mataas ang rate ng matagumpay na pagbu-book ng mga bisitang may mga review. Ginawa na naming mas madali para sa mga bisita na magdagdag ng mga kapwa biyahero na may Airbnb account sa reserbasyon nila para makatanggap ng review ang mga kapwa biyahero na iyon kahit hindi sila ang nag‑book sa pamamalagi.
Pagsuporta sa mga host at bisita sa kabuuan ng kanilang pamamalagi
Naglunsad kami ng bagong feature na magagamit ng mga host at bisita para ilahad ang pinili nilang pangalan sa profile nila pagkatapos magkumpirma ng legal na pangalan. Pinapahusay rin namin ang proseso para sa mga host o bisita na nag‑uulat na mali ang ginamit na panghalip para sa kanila sa natanggap nilang review. Kung magpaparating ng ganitong alalahanin ang isang host o bisita, papalitan ng piniling pangalan ng user ang panghalip.
Pagpapatibay sa aming mga patakaran at pamamaraan
Pinahusay namin ang proseso ng pagtanggi sa pagpapareserba ng mga host para mabigyan sila ng impormasyon tungkol sa mga katanggap‑tanggap at hindi katanggap‑tanggap na dahilan ng pagtanggi sa pagpapareserba. In‑update din namin ang aming Patakaran Laban sa Diskriminasyon para gawin itong mas mabisa at magdagdag ng mga bagong proteksyon laban sa diskriminasyon ayon sa caste. At panghuli, magpapatupad kami ng ilang magkakasunod na pagbabago para mapaigting ang pagiging patas kapag nagkakansela ng kasalukuyang reserbasyon ang mga host.
Pagbabahagi ng higit pang impormasyon tungkol sa mga oportunidad na naghahatid ng kakayahang kumita sa Airbnb
Pinapalawak namin ang Airbnb Entrepreneurship Academy na nagbibigay ng panimula sa pagho‑host sa aming platform sa mga taong nagmula sa iba't ibang komunidad na dati nang nasa laylayan ng lipunan sa tulong ng mga organisasyon tulad ng Hispanic Wealth Project, Brotherhood Crusade, at United Spinal Association. Patuloy din kaming nakikilahok sa inisyatibang 1 Million Black Businesses (1MBB) ng Operation HOPE na nagbibigay ng suporta at paggabay sa mga Black na negosyante para masimulan, mapalago, o mapalawak nila ang mga negosyo nila.
Pagpapatuloy ng pangako namin sa mga bisitang may mga pangangailangan para sa mobility
Mas madali nang mahanap at ma‑book ng mga bisita ang mga tuluyang nakakatugon sa kanilang mga pangangailangan dahil sa aming mga filter sa paghahanap ng accessibility feature. Sa pamamagitan ng Pagsusuri sa Accessibility, sinusuri namin ang bawat accessibility feature na isinusumite ng mga host para matiyak na tumpak iyon.
Ang pangako naming labanan ang diskriminasyon
Nakabatay ang pagsisikap na ito sa mga dating aktibidad para labanan ang diskriminasyon kabilang ang isa sa mga unang Pag-audit sa Karapatang Sibil noong 2016, isang karagdagang pag-update noong 2019, ang pag-anunsyo ng Project Lighthouse noong 2020, at ang aming paunang paglabas ng data ng Project Lighthouse noong 2022. Saklaw ng mga update na ito ang iba't ibang umuusbong na inisyatibo at pagsisikap na suportahan ang lahat na maging matagumpay sa Airbnb.
Ang Pangako sa Komunidad ng Airbnb
Simula noong 2016, hiniling namin sa lahat ng gumagamit ng Airbnb na mangakong pakitunguhan ang iba nang may paggalang at walang panghuhusga o pagkiling sa pamamagitan ng pagsang-ayon sa Pangako sa Komunidad ng Airbnb. Tatanggalan ng access at aalisin sa platform namin ang sinumang hindi sumasang-ayon dito.
Papakitunguhan ko ang lahat ng miyembro ng komunidad nang may paggalang at nang walang panghuhusga o pagkiling anuman ang kanilang lahi, relihiyon, bansang pinagmulan, pangkat‑etniko, kulay ng balat, kapansanan, sex, kinikilalang kasarian, seksuwal na oryentasyon, o edad.
Basahin ang ulat para sa 2024
Kasama sa Update sa Project Lighthouse para sa 2024 ang mahahalagang natutunan ng Project Lighthouse, ang kumpletong datos namin, at ang pag‑usad namin simula 2016.
Kilalanin ang aming mga partner
Kumokonsulta at nakikipagtulungan kami sa mga nangungunang grupo para sa karapatang sibil at organisasyon sa privacy, kabilang ang mga partner na nagpayo sa amin para sa Project Lighthouse.