Kasama sa Host Card ang mga detalye tungkol sa host ng tuluyan, gaya ng trabaho, mga wika, at mga trivia.
Kumusta ang pamamalagi sa tuluyan niya? Ano ang sinasabi ng iba pang bisita? Alamin sa Host Card.
May kategorya na ng mga pribadong kuwarto kung saan makakagamit din ng mga pinaghahatiang lugar sa property ng lokal na host.
Pinadali namin ang pagpapalipat‑lipat sa iba't ibang uri ng tuluyan. Isinasaad na rin ang average na presyo para madaling makapaghambing.
Alamin kung pinaghahatian, nakakonekta, o pribado ang banyo, kung sino ang maaaring nasa tuluyan, at kung may lock ang pinto ng kuwarto.
Gumawa kami ng mga pagpapahusay sa buong Airbnb, mula sa pag‑sign up hanggang sa pag‑check out.
Suriin ang kabuuang presyo, kasama ang lahat ng bayarin bago dagdagan ng buwis, saanman sa app.
May mga mini-pin na sa mapa para mas madaling mapansin ang mga available na Airbnb sa hinahanapan mo.
Mas malinaw na ang mga wishlist na may inayos na interface kung saan mas malaki ang mga larawan ng mga na‑save mong tuluyan.
Gamit ang bagong dial, mas madali nang makakapaghanap ng mga matutuluyan para sa pamamalaging 1–12 buwan.
Puwedeng magbahagi ang mga host ng mga tagubilin sa pag‑check out sa page ng listing para malaman mo ang dapat asahan bago ka mag‑book.
Gamit ang Klarna, makakapagbayad ka sa 4 na hulugan nang walang interes (US at Canada), o nang buwanan para sa pamamalaging mahigit $500 (US lang).
Mas mabilis nang mag‑refresh kaya mabilis na lalabas ang mga bagong listing habang ginagalaw ang mapa.
Inayos namin ang mga pin sa mapa para hindi magalaw ang mga iyon kapag nag‑zoom at nag‑pan ka sa mapa.
May mas magaganda nang suhestyon, mas tumpak na pangalan ng lugar, at mas kaunting dobleng listing habang naghahanap.
Sa isang tap lang, direktang i‑save ang mga listing sa kasalukuyang wishlist mo mula sa mga resulta ng paghahanap.
May in‑update na kalendaryo na magpapadaling masuri ang availability ng mga tuluyan na nasa wishlist.
Puwede ka nang maglagay ng mga personal na note sa mga tuluyan na nasa mga wishlist mo.
Mas maliit na ang mga bayarin sa serbisyo ng bisita simula sa ikaapat na buwan ng pamamalagi.
Magbayad gamit ang account sa bangko para makatipid sa mga pamamalaging 28 araw o mas matagal pa (US lang).
Para sa buwanang pamamalagi, alamin sa pag‑check out ang babayaran para sa kasalukuyang buwan at mga susunod na buwan.
Makatanggap ng paalala tungkol sa kailangan mong gawin para mag‑check out isang araw bago ang takdang pag‑alis.
Puwede ka nang magbigay ng feedback tungkol sa pag‑check out kapag gumawa ka ng review tungkol sa pamamalagi mo.
Kung magkansela ang host nang malapit na ang pamamalagi, makakatanggap ng credit ang bisita para madaliang makapag-book sa iba.
Nilalayon ng nakatalagang team ng 24/7 na suporta na sagutin ang 90% ng mga tawag sa English sa loob ng 2 minuto.
Naghahanap ka ba ng landmark sa Airbnb? Isasaad sa mga resulta ang distansya mula sa bawat tuluyan.
Kung may kasama kang sanggol, itatampok sa mga resulta ang mga amenidad na gaya ng kuna.
Kung may kasama kang bata, itatampok sa mga resulta ang mga amenidad na gaya ng playroom.
Kung matagal kang mamamalagi, itatampok sa mga resulta ang mga amenidad na gaya ng nakatalagang workspace.
Bago matapos ang Hunyo, kakailanganing magsagawa ng pagpapatunay ng pagkakakilanlan ang lahat ng host ng tuluyan na mabu‑book sa Airbnb.
Pinadali na namin ang paglalagay ng higit pang impormasyon kapag kinakailangan para mapatunayan mo ang pagkakakilanlan mo.
Puwede ka nang mag‑apela ng na-block na booking kung maling natukoy iyon bilang may posibilidad na gamitin para sa party.
Awtomatikong isasaayos ang mga hanay ng presyo kapag ginagamit ang filter ng uri ng tuluyan.
Kapag nagbu‑book ng Mga Kuwarto, puwede ka nang maghanap ng mga pribado at nakakonektang banyo.
Masusuri ng mga host ang kabuuang presyo kada gabi saanman sa app para alam nila lagi kung magkano ang babayaran ng mga bisita.
Puwedeng mag‑swipe ang mga host para pumili ng hanay ng petsa sa kalendaryo at hindi na paisa‑isang mag‑tap ng mga araw.
Makakapili sa nakahanda nang listahan ang mga host para mas mabilis na makagawa ng mga tagubilin sa pag‑check out.
Makakatanggap ang mga bisita at host ng palatandaang nabasa na para malaman nila kapag nabuksan na ang mensahe.
Sa bagong tab, mapapangasiwaan ng mga host ang lahat ng co‑host at ang mga pahintulot at payout nila.
Puwede nang subukan ng mga host ang mga bagong feature at magbahagi ng feedback para mapaganda pa ang mga iyon.
Sa in‑update na detalye ng presyo, isasaad ang babayaran ng mga bisita at ang kikitain ng mga host.
Puwedeng alamin ng mga host ang average na presyo ng mga katulad na listing sa malapit para masigurong sulit ang kanila.
Inayos ang mga tool sa kalendaryo para magamit sa paraang hindi pabago‑bago sa iba't ibang device.
Makakapagtakda ng diskuwento ang mga host gamit ang slider at malalaman din nila ang babayaran ng mga bisita.
Malapit nang masuri ng mga host ang availability nila para sa buong taon at ang presyo para sa bawat buwan sa iisang screen.
Makakapagbigay ang mga host ng malilinaw na tagubilin na partikular sa patuluyan nila para mapadali ang pag‑check out.
Awtomatikong ipapadala sa mga bisita ang mga detalye ng pag‑check out isang araw bago ang takdang pag‑alis nila.
Sa isang tap lang, maaabisuhan na ng mga bisita ang mga host kapag nag‑check out na sila sa patuluyan.
Magagamit ng mga host ang mga inayos na tool sa inbox para madaling maibahagi ang mga tagubilin sa pag‑check out.
Itinatampok na sa mga profile ng host para sa Mga Kuwarto ang mga kapansin-pansing quote tungkol sa host.
Puwedeng maglagay ang mga host sa profile nila ng mga nakakatuwang detalye, gaya ng paborito nilang kanta noong high school.
Puwedeng magbahagi ang mga host ng mga biyahe nila sa Airbnb para mas makilala sila ng mga bisita.
Makakapili ang mga host ng mga hobby sa listahan para malaman ng mga bisita ang pagkakapareho nila ng mga interes.
Puwede nang maglagay ang mga bisita ng higit pang detalye sa profile nila, gaya ng mga interes at nakaraang biyahe.
Mas madali nang makakapag‑imbita ang mga host ng mga co‑host na tutulong na pangasiwaan ang mga listing nila.
Puwedeng magtakda ang mga host ng mga bagong pahintulot: access sa lahat, kalendaryo at inbox, o kalendaryo lang.
Puwedeng magbahagi ang mga host ng payout sa co‑host bilang porsyento o fixed na halaga.
Daraan sa pagpapatunay ng pagkakakilanlan ang lahat ng magbu‑book na bisita nasaan mang panig sila ng mundo.
Available na sa buong mundo ang teknolohiyang tumutulong na paliitin ang posibilidad ng mga party at pinsala.
Iba‑iba depende sa lokasyon ang availability ng feature at kung kailan iyon ilulunsad.