Magpapakita ng mga suhestyon pagkatapos i-type ang input sa paghahanap. Gamitin ang pataas at pababang arrow para tumingin-tingin. Gamitin ang enter para pumili. Kung parirala ang pinili, isusumite sa paghahanap ang pariralang iyon. Kung link ang suhestyon, pupunta sa page na iyon ang browser.
Patakaran ng komunidad

Patakaran sa mga Malubhang Nakakaudlot na Pangyayari

Ina‑update ang Patakarang ito. Lilitaw ang bagong Patakaran sa itaas ng page na ito at ilalapat ito sa lahat ng reserbasyong magaganap sa o pagkalipas ng Hunyo 6, 2024, maliban kung may ibang inabiso ang Airbnb sa mga user. Lilitaw ang kasalukuyang Patakaran sa ibaba ng page at nalalapat ito sa mga naunang reserbasyon.

Petsa ng pagkakaroon ng bisa: Hunyo 6, 2024

Buod

Sa pangkalahatan, saklaw ng patakaran sa pagkansela ng listing ang mga pagkansela at refund para sa mga reserbasyon sa Airbnb. Sa mga bihirang sitwasyong pinipigilan o legal na ipinagbabawal ng mga malawakang pangyayari ang pagtuloy sa reserbasyon, maaaring mailapat ang Patakaran sa mga Malubhang Nakakaudlot na Pangyayari (ang “Patakaran”). Kapag nalalapat ang Patakarang ito, puwedeng kanselahin ng mga bisita ang kanilang reserbasyon at makatanggap ng refund, credit sa biyahe, at/o iba pang konsiderasyon anuman ang patakaran sa pagkansela ng reserbasyon, at puwedeng magkansela ang mga host nang walang bayarin o iba pang masamang epekto. Pero iba‑block ang kalendaryo ng listing nila para sa mga petsa ng kinanselang reserbasyon.

Nalalapat ang Patakarang ito sa mga reserbasyon para sa mga matutuluyan at Karanasan, at mailalapat ito sa mga reserbasyon sa kasalukuyan o may petsa ng pag‑check in sa petsa ng pagkakaroon ng bisa o pagkalipas nito, maliban kung may ibang inabiso ang Airbnb sa mga user. Hindi patakaran ng insurance ang Patakaran sa mga Malubhang Nakakaudlot na Pangyayari.

Ang mga saklaw na pangyayari

Saklaw ng Patakarang ito ang mga sumusunod na pangyayari kung maapektuhan ng mga iyon ang lokasyon ng reserbasyon mo, mangyari ang mga iyon pagkatapos magpareserba, at pigilan o legal na ipagbawal ng mga iyon ang mga reserbasyon sa kasalukuyan o sa hinaharap (tinutukoy sa Patakarang ito bilang “Mga Pangyayari”):

Mga idineklarang emergency na may kinalaman sa kalusugan ng publiko at mga epidemya. Mga epidemya, pandemya, at emergency na may kinalaman sa kalusugan ng publiko na idineklara ng pamahalaan. Hindi kasama rito ang mga sakit na likas (halimbawa, trangkaso) o karaniwang nauugnay sa isang lugar (halimbawa, malarya sa Thailand). Hindi saklaw ang COVID‑19 ng Patakaran sa mga Malubhang Nakakaudlot na Pangyayari na ito.

Mga paghihigpit ng pamahalaan sa pagbiyahe. Mga mandatoryong paghihigpit sa pagbibiyahe na ipinataw ng isang ahensya ng pamahalaan, gaya ng kautusang lumikas. Hindi kasama rito ang mga hindi ipinag‑uutos na babala sa paglalakbay at katulad na patnubay mula sa pamahalaan.

Mga aksyon ng militar at iba pang labanan. Mga digmaan, labanan, pananalakay, digmaang sibil, terorismo, pagsabog, pagbomba, pag‑aaklas, kaguluhan, at himagsikan.

Malawakang pagkawala ng mga pangunahing utility. Matagalang pagkawala ng mga pangunahing utility, gaya ng heating, tubig, at kuryente, na nakakaapekto sa karamihan ng mga tuluyan sa isang partikular na lokasyon.

Mga likas na sakuna. Mga likas na sakuna at iba pang malubhang pangyayari sa panahon. Saklaw lang ang panahon o ang mga likas na kondisyong karaniwang nangyayari kaya posibleng asahan sa isang partikular na lokasyon (halimbawa, mga buhawing dumarating sa panahon ng buhawi sa Florida) kapag nagresulta ang mga ito sa isa pang Pangyayaring saklaw ng Patakarang ito na pumipigil sa pagtuloy sa reserbasyon, gaya ng mandatoryong kautusang lumikas o malawakang pagkawala ng mga pangunahing utility.

Ano ang mangyayari kung naapektuhan ang reserbasyon ng isang saklaw na Pangyayari

Kapag may malawakang pangyayari, sinusuri namin ang sitwasyon para matukoy kung nalalapat ang Patakaran sa mga Malubhang Nakakaudlot na Pangyayari. Kung nalalapat ito, ia‑activate namin ang Patakaran para sa apektadong lugar at tagal ng panahon kung kailan inaasahan namin na pipigilan o legal na ipagbabawal ng Pangyayari ang pagtuloy sa mga reserbasyon. Maaaring hindi kwalipikado ang mga reserbasyong wala sa tinukoy na lugar at tagal ng panahon, pero maaari pa ring magkansela ang mga host nang walang masamang epekto kung hindi sila makakapag‑host. Patuloy naming sinusubaybayan ang mga sitwasyong ito at inaayos ang pagsaklaw batay sa pangangailangan upang umayon sa mga nagbabagong kondisyon. Kung sa tingin mo ay nalalapat ang Patakarang ito sa reserbasyon mo, makipag‑ugnayan sa amin para magtanong tungkol sa pagiging kwalipikado.

Ang hindi saklaw

Nauunawaan namin na maaaring makagambala sa iyong mga plano ang iba pang sitwasyong hindi mo kontrolado. Sa anumang sitwasyong hindi nakalista sa itaas, mananatiling napapailalim ang reserbasyon mo sa patakaran sa pagkansela ng host para sa listing.

Kabilang sa mga halimbawa ng mga karaniwang pangyayaring hindi saklaw ng patakarang ito ang:

  • Mga pangyayaring nakakaapekto sa bisita o sa kakayahan niyang bumiyahe, pero hindi sa lokasyon ng reserbasyon
  • Hindi inaasahang pinsala o sakit
  • Mga obligasyon sa pamahalaan gaya ng tungkulin bilang hurado o mga pagharap sa korte
  • Mga hindi ipinag‑uutos na babala sa paglalakbay o iba pang patnubay mula sa pamahalaan na hindi katumbas ng pagbabawal o pagpipigil sa paglalakbay
  • Pagkansela o paglipat ng iskedyul ng event na siyang dahilan ng reserbasyon
  • Mga pagkaudlot sa transportasyon na hindi nauugnay sa isang saklaw na Pangyayari, gaya ng pagkalugi ng airline, mga welga sa transportasyon, at pagsasara ng kalsada dahil sa pagmementena

Para sa mga reserbasyong hindi saklaw ng Patakarang ito, hinihikayat namin ang mga bisita at host na maghanap ng katanggap‑tanggap na kaayusan para sa bawat isa, gaya ng buo o bahagyang refund o pagbabago ng mga petsa ng booking. Tandaang nasa pagpapasya ng host ang anumang refund na hindi kasama sa patakaran sa pagkansela ng reserbasyon. Hindi nakikibahagi o ginagarantiyahan ng Airbnb ang mga naturang refund.

Ang epekto ng patakarang ito sa mga host

Kung saklaw ng Patakaran sa mga Malubhang Nakakaudlot na Pangyayari ang reserbasyon, puwedeng magkansela ang mga host nang walang bayarin o iba pang parusa. Kung magkakansela ang host ayon sa patakarang ito, iba‑block ang kalendaryo ng kanyang listing para sa mga petsa ng kinanselang reserbasyon. Kung nakansela ang reserbasyon sa ilalim ng Patakarang ito, hindi makakatanggap ang host ng payout para sa mga nakanselang petsa ng reserbasyon, o, kung nagawa na ang payout, ibabalik ang na‑refund na halaga sa susunod na (mga) payout.

Hindi alintana kung saklaw ng Patakarang ito ang reserbasyon, puwedeng magkansela ang mga host dahil sa ilang partikular na wastong dahilan, gaya ng malaking pinsala sa listing, nang hindi mapapatawan ng multa o iba pang parusa. Obligado ang mga host na magkansela ng reserbasyon kung hindi makakapamalagi sa kanilang listing o hindi tumutugma ang listing sa ipinareserba ng bisita; kapag hindi ito nagawa, maaari itong magresulta sa pagtanggal ng listing, pagkansela ng mga kasalukuyang reserbasyon, at pag‑refund sa mga bisita hanggang maaari nang mamalagi sa listing at tumutugma na ang listing sa paglalarawan ng listing. Kapag hindi ito nagawa, magiging isa rin itong paglabag sa aming Mga pangunahing alituntunin para sa mga host, at puwedeng humantong hanggang sa at kabilang ang pagkakatanggal ng account.

Iba pang bagay na dapat malaman

Hindi nalilimitahan ng Patakarang ito ang mga karapatan mo ayon sa mga lokal na regulasyon, at walang epekto sa mga karapatan mo ayon sa batas ang anumang desisyong gagawin ng Airbnb sa bisa ng Patakarang ito.

Patakaran sa mga Hindi Inaasahang Pangyayari

Petsa ng pagkakaroon ng bisa: Enero 20, 2021

Buod

Ipinapaliwanag ng Patakaran sa mga Hindi Inaasahang Pangyayari na ito kung paano pinapangasiwaan ang mga pagkansela kapag nagkaroon ng mga hindi inaasahang pangyayari na hindi mo kontrolado pagkatapos mag-book, na dahilan kung bakit hindi nararapat o labag sa batas na tumuloy sa iyong reserbasyon. Nalalapat ang Patakarang ito sa mga reserbasyon para sa mga matutuluyan at Karanasan.

Kapag pinapahintulutan ng Patakarang ito ang pagkansela, kinokontrol nito at nangingibabaw ito sa patakaran sa pagkansela ng reserbasyon. Magagawa ng mga bisitang apektado ng pangyayaring saklaw ng Patakarang ito na kanselahin ang kanilang reserbasyon at makatanggap ng refund, credit sa biyahe, at/o iba pang konsiderasyon, depende sa sitwasyon. Magagawa ng mga host na apektado ng pangyayaring saklaw ng Patakarang ito na magkansela nang walang negatibong epekto, pero maaaring ma-block ang mga petsa ng kinanselang reserbasyon sa kanilang mga kalendaryo, depende sa sitwasyon.

Ang mga saklaw na pangyayari

Ginagamit ng Patakarang ito ang salitang “Pangyayari” para tukuyin ang mga sumusunod na sitwasyong nagaganap pagkatapos mag-book, hindi inaasahan sa panahon ng pag‑book, at pumipigil o legal na nagbabawal sa pagtuloy sa reserbasyon.

Mga pagbabago sa mga rekisito ng pamahalaan sa pagbibiyahe. Mga hindi inaasahang pagbabago sa mga rekisito sa visa o pasaporte na ipinataw ng isang ahensya ng pamahalaan at pumipigil sa pagbibiyahe patungo sa destinasyon. Hindi kasama rito ang mga nawala o nag-expire na dokumento sa pagbibiyahe o iba pang personal na sitwasyong nauugnay sa pagpapahintulot na makabiyahe ang bisita.

Mga idineklarang emergency at epidemya. Mga lokal o pambansang emergency, epidemya, pandemya, at emergency na may kinalaman sa kalusugan ng publiko na idineklara ng pamahalaan. Hindi kasama rito ang mga sakit na likas o karaniwang nauugnay sa isang lugar, halimbawa, malarya sa Thailand o dengue sa Hawaii.

Mga paghihigpit ng pamahalaan sa pagbibiyahe. Mga paghihigpit sa pagbibiyahe na ipinataw ng isang ahensya ng pamahalaan na pumipigil o nagbabawal sa pagbibiyahe papunta, pananatili, o pagbalik mula sa lokasyon ng Listing. Hindi kasama rito ang mga hindi ipinag‑uutos na babala sa paglalakbay at katulad na patnubay mula sa pamahalaan.

Mga aksyon ng militar at iba pang labanan. Mga digmaan, labanan, pananalakay, digmaang sibil, terorismo, pagsabog, pagbomba, rebelyon, kaguluhan, himagsikan, kaguluhan ng masa, at pag-aalsa ng masa.

Mga likas na sakuna. Mga likas na sakuna, sakunang dala ng kalikasan, malawakang pagkawala ng mga pangunahing utility, pagsabog ng bulkan, tsunami, at iba pang malubha at hindi karaniwang pangyayaring dulot ng panahon. Hindi kasama rito ang panahon o mga likas na kondisyong karaniwang nangyayari kaya posibleng asahan sa lugar na iyon, halimbawa, mga buhawing dumarating sa panahon ng buhawi sa Florida.

Ang hindi saklaw

Lahat ng iba pa. Pinapahintulutan lang ng Patakarang ito ang pagkansela para sa mga Pangyayaring inilalarawan sa itaas. Hindi saklaw ang lahat ng iba pa. Kabilang sa mga halimbawa ng mga sitwasyong hindi pinapahintulutan ng Patakarang ito ang pagkansela ang: hindi inaasahang pagkakasakit o pagkapinsala ng katawan; mga obligasyon sa pamahalaan gaya ng tungkulin bilang hurado, mga pagharap sa korte, o tungkuling militar; mga babala sa paglalakbay o iba pang patnubay mula sa pamahalaan (na hindi katumbas ng pagbabawal o pagpipigil sa paglalakbay); pagkansela o paglipat ng iskedyul ng event na siyang dahilan ng reserbasyon; at mga pagkaudlot ng transportasyon na hindi nauugnay sa isang saklaw na Pangyayari, gaya ng mga pagsasara ng kalsada, pati mga pagkansela ng biyahe sa eroplano, tren, bus, at barko. Kung magkakansela ka ng reserbasyon sa mga ganitong sitwasyon, tutukuyin ng patakaran sa pagkansela na nalalapat sa reserbasyon ang halagang ire‑refund.

Ang sunod na dapat gawin

Kung aabisuhan ka namin o magpa‑publish kami ng impormasyong nagkukumpirmang nalalapat ang Patakarang ito sa reserbasyon mo, sundin ang mga tagubilin sa pagkansela na ibibigay namin. Kapag naabisuhan ka na namin o nag‑publish na kami ng impormasyon kung paano nalalapat ang Patakarang ito, magagawa mong magkansela ayon sa Patakarang ito sa pamamagitan ng pagpunta sa page mo na Mga Biyahe at pagkansela sa naapektuhang reserbasyon. Kung sa tingin mo ay nalalapat ang Patakarang ito sa reserbasyon mo pero hindi ka namin inabisuhan o hindi kami nag-publish ng impormasyon tungkol sa Pangyayari, makipag‑ugnayan sa amin para kanselahin ang reserbasyon mo. Sa lahat ng sitwasyon, dapat handa kang magbigay ng mga dokumentong nagpapakita kung paano nakaapekto sa iyo o sa reserbasyon mo ang Pangyayari.

Kung may mga tanong ka, makipag‑ugnayan sa amin.

Iba pang bagay na dapat malaman

Nalalapat ang Patakarang ito sa lahat ng reserbasyong may petsa ng pag‑check in sa petsa ng pagkakaroon ng bisa o pagkalipas nito.

Nakatulong ba ang artikulong ito?

Mga kaugnay na artikulo

Magpatulong hinggil sa iyong mga reserbasyon, account, at marami pang iba.
Mag-log in o mag-sign up