Pagbiyahe muli nang mas ligtas
Alamin ang mga pinakabagong tip para maunawaan kung paano makakabiyahe
sa panahon ng COVID‑19 at pagkalipas nito.
Alamin kung paano ka namin sinusuportahan sa pamamagitan ng mga patuloy na iniaayong programa at patakaran.

Basahin ang mga panuntunan para sa mga host at bisita sa iyong lugar o destinasyon.

Pag‑unawa sa mga opsyon mo sa pagkansela at refund.

Alamin kung paano mag‑filter para makahanap ng mga tuluyan na may flexible na pagkansela.
Nakasalalay sa lahat ang kaligtasan
Hinihiling namin sa komunidad ng Airbnb na sundin ang aming mga kasanayan para sa kalusugan at
kaligtasan kaugnay ng COVID‑19.
Pagsusuot ng mask
Dapat sundin ng mga bisita at host ang mga lokal na batas at panuntunan kaugnay ng pagsusuot ng mask kapag nakikisalamuha sa iba.

Pagdistansya sa kapwa
Kapag iniaatas ng mga lokal na batas o panuntunan, dapat magpanatili ang mga host at bisita ng distansyang anim na talampakan (dalawang metro) sa isa't isa.
Mas masusing paglilinis
Dapat sundin ng mga host ang proseso ng mas masusing paglilinis na binubuo ng limang hakbang at suportado ng mga eksperto.

Mas matataas na pamantayan para sa bawat pamamalagi
Hindi lang simpleng paglilinis ang proseso ng mas masusing paglilinis na binubuo ng limang hakbang. Suportado iyon ng mga eksperto, at isang napakahalagang hakbang iyon na puwedeng gawin ng mga host para makatulong sa pagsisiguro sa kaligtasan ng ating komunidad.

Pribadong tuluyan na malayo sa matataong lugar
Mga pribadong tuluyan. Mga pag‑check in na walang pakikisalamuha. Malalawak na outdoor space. Lugar para makapagrelaks. Maghanap ng mga lugar na matutuluyan na may mga amenidad na pinakamahalaga para sa iyo.

Sagot sa mga tanong mo
Sino ang inaatasang sumunod sa mga bagong panuntunan para sa kaligtasan at paglilinis?
Kinakailangang sundin ng lahat ng host ang aming mga kasanayan para sa kaligtasan at paglilinis kaugnay ng COVID‑19. Matuto pa tungkol sa Mas Masusing Paglilinis ng Airbnb. Kapag iniaatas ng mga lokal na batas o panuntunan, dapat ding magsuot ng mask o takip sa mukha ang lahat ng host at bisita kapag nakikisalamuha sa ibang tao at kailangan nilang magpanatili ng distansyang anim na talampakan (dalawang metro) sa isa't isa. Siyempre, inirerekomenda rin naming huwag mag‑host o bumiyahe kung nalantad ka sa COVID‑19 o nakakaranas ka ng mga sintomas nito. Basahin ang aming mga rekisito para sa kalusugan at kaligtasan sa mga pamamalagi. Puwede kang makipag‑ugnayan sa host sa Airbnb app anumang oras kung may mga partikular na tanong ka tungkol sa mga kasanayan niya para sa kalusugan at kaligtasan.
Ano‑anong patakaran kaugnay ng COVID‑19 ang ginawa para sa mga Karanasan sa Airbnb?
Muli nang nag‑aalok ng mga Karanasan sa Airbnb sa mga bansa kung saan pinapahintulutan ang mga iyon ng mga naaangkop na alituntunin ng pamahalaan. Inaasahang susunod ang mga bisita at host sa mga partikular na kasanayan para sa kaligtasan kaugnay ng mga Karanasang nilalahukan nang personal, kabilang ang pagdistansya sa kapwa at pagsusuot ng mask kapag iniaatas ng mga lokal na batas o panuntunan. Siyempre, dapat ka ring manatili sa bahay kung nalantad ka sa COVID‑19 o hindi mabuti ang iyong pakiramdam. Matuto pa tungkol sa aming mga panuntunan para sa kalusugan at kaligtasan sa mga Karanasan. Kung gusto mong grupo mo lang ang kasama sa Karanasan, pag‑isipang mag‑book ng pribadong time slot. Kung hindi ka komportableng makisalamuha sa maraming tao o kung hindi pa puwedeng muling mag‑alok ng mga Karanasang nilalahukan nang personal sa lugar mo, baka may magustuhan ka sa mga Karanasan Online.
Paano ko mababago o makakansela ang umiiral nang reserbasyon?
Kung kailangan mong baguhin o kanselahin ang iyong reserbasyon, pumunta sa seksyong Mga biyahe sa website o app ng Airbnb para sa higit pang detalye tungkol sa mga kasalukuyan mong opsyon sa pagkansela. Ginawa namin ang sangguniang ito para matulungan ang mga bisita na maunawaan ang mga proseso at patakaran sa pagkansela. Bukod pa rito, kung hindi makakabiyahe ang mga bisita dahil may COVID‑19 sila, maaari silang makapagkansela ng reserbasyon nang may buong refund kapag nakipag‑ugnayan sila sa customer support. Matuto pa tungkol sa aming patakaran sa mga hindi inaasahang pangyayari.
Ano ang mga flexible na opsyon sa pagbu‑book sa Airbnb?
Mga host ang nagtatakda ng mga patakaran sa pagkansela, at iba‑iba ang mga patakaran sa iba't ibang listing. Mahahanap mo ang mga detalye tungkol sa patakaran sa pagkansela ng bawat lugar na matutuluyan sa pangunahing page ng bawat listing. Nagdagdag kami ng bagong filter sa paghahanap para mas madali kang makapaghanap ng mga matutuluyang may flexible na patakaran sa pagkansela. Matuto pa tungkol sa bagong filter.