Ang proseso ng mas masusing paglilinis ng Airbnb na binubuo ng 5 hakbang
Binubuo ang proseso ng paglilinis na may 5 hakbang ng mga kasanayan sa paglilinis na kinakailangang sundin ng lahat ng host bago at matapos ang bawat pamamalagi ng bisita, bukod pa sa mga lokal na batas at tagubilin.
Nakasaad ang mga detalye kung paano pinakamainam na maglinis sa handbook sa paglilinis ng Airbnb, na may kasamang komprehensibong checklist para sa paglilinis.
Mahahanap mo rin ang handbook pati ang mga tip, video, at higit pa kapag pumunta ka sa Mga Insight > Paglilinis sa iyong account sa pagho-host sa web browser.
Ika-1 Hakbang: Ihanda
Sa pamamagitan ng wastong paghahanda, mas mahusay at mas ligtas kayong makakapaglinis ng iyong team. Tiyaking:
- Pahanginan ang lugar hangga't maaari bago maglinis at habang naglilinis
- Gumamit ng mga pandisimpekta na aprubado ng mga lokal na ahensyang tagapagpatupad ng batas na gamitin laban sa COVID-19
- Palaging basahin nang mabuti ang mga direksyon at babala na nakasaad sa mga ginagamit mong produktong panlinis
- Hugasan o disimpektahan ang iyong mga kamay
Ika-2 Hakbang: Linisin
Sa paglilinis, tinatanggal mo ang alikabok at dumi, tulad ng dumi sa sahig at patungan. Tiyaking:
- Walisan, i-vacuum, tanggalan ng alikabok, at/o i-mop ang mga lugar bago i-sanitize
- Hugasan ang mga pinggan at maglaba gamit ang pinakamainit na posibleng setting
- Punasan ang matitigas na bagay gamit ang sabon at tubig
Ika-3 Hakbang: I-sanitize
Sa pag-sanitize, gumagamit ka ng mga kemikal para mabawasan ang mga bakterya sa mga bagay tulad ng mga hawakan ng pinto at remote ng TV. Tiyaking:
- Mag-spray sa mga bahagi na madalas hawakan sa bawat kuwarto gamit ang aprubadong spray na pandisimpekta
- Hayaang mababad sa pandisimpekta ang mga gamit ayon sa tagal na nakasaad sa label ng produkto
- Hayaang matuyo nang kusa
Ika-4 na Hakbang: Suriin
Kapag tapos ka nang mag-sanitize, mainam na suriin nang mabuti ang lahat. Tiyaking:
- Sumangguni sa pinakamahuhusay na kasanayan sa bawat checklist para sa bawat kuwarto sa iyong handbook para matiyak na nalinis mo lahat
- Ibahagi ang pinakamahuhusay na kasanayang ito sa iyong team sa pagho-host at mga propesyonal na tagalinis
Ika-5 Hakbang: Muling Ihanda
Para maiwasang makapitan ng mikrobyo, mahalagang tapusin ang paglilinis at pag-sanitize sa kuwarto bago palitan ang mga item para sa susunod na bisita:
- Maghugas ng mga kamay bago palitan ang mga kagamitan, linen, at kit sa paglilinis para sa bisita
- Ligtas na itapon o hugasan ang mga panlinis at pamproteksyong kagamitan
- Huwag muling pumasok sa kuwarto kapag na-sanitize na ito
- Linisin ang iyong mga kagamitan sa tuwing may aalis at darating na bisita
Kinakailangan para sa lahat ng host
Hindi papayagang mag-host ang mga host na hindi sasang-ayon sa aming mga kasanayan para sa kaligtasan kaugnay ng COVID-19, kabilang ang proseso ng mas masusing paglilinis na binubuo ng 5 hakbang.
Kasama rin sa mga kasanayang ito ang pagsusuot ng mask at pagdistansya sa kapwa kapag iniaatas ng mga lokal na batas o tagubilin.
Maaaring bigyan ng mga babala, suspindehin, at sa ilang sitwasyon, alisin sa platform ng Airbnb ang mga host na paulit-ulit o labis nang lumalabag sa mga pamantayan sa paglilinis.
Mga kaugnay na artikulo
- Bisita
Mga rekisito para sa kalusugan at kaligtasan para sa mga pamamalagi sa Airbnb
Mahalaga para sa amin ang iyong kalusugan at kaligtasan. Maging pamilyar sa mga tip at tagubilin para sa kaligtasan kaugnay ng iyong kalusug… Cataluña / Barcelona
Kung pinag-iisipan mong maging Airbnb host, narito ang ilang impormasyong makakatulong sa iyong maunawaan ang mga batas sa iyong lungsod- Host
Responsableng pagho-host sa Spain
Nag-aalok kami ng tulong para maging pamilyar ang mga Airbnb host sa mga responsibilidad sa pagho-host, at para magbigay ng pangkalahatang b…