Lumaktaw sa nilalaman
Mag-host ng karanasan sa Airbnb
Kumita ng pera sa paggabay sa mga tao sa mga aktibidad na gustong-gusto mo.
Ano ang karanasan?
Isa itong aktibidad na mas malalim kaysa sa karaniwang tour o klase, na siyang idinisenyo at pinangungunahan ng mga lokal mula sa iba't ibang panig ng mundo. Ipagmalaki ang iyong lungsod, sining, layunin, o kultura sa pamamagitan ng pagho-host ng isang karanasan.
Gumawa ng aktibidad sa paraang gusto mo
Food trip nang nagbibisikleta, light photography sa gabi, tapas sa isang bangka, o yoga (na may kasamang mga kambing). Gumawa at mangasiwa ng isang natatanging aktibidad na nais subukan ng mga tao.
Gawin ang gusto mo (at mabayaran)
Maghanap ng street art o mag-surf sa paglubog ng araw, kumita mula sa hilig mo. Kumita ng pera nang parang hindi nagtatrabaho.
Kumuha ng mga suporta para sa iyong layunin
Mag-guide ng hike nang may kasamang mga asong tagasagip, o magturo tungkol sa fashion na may etika. Magpalaganap ng kaalaman tungkol sa iyong adhikain sa bagong paraan.

Ipakita ang alam mo

Lahat ng uri ng karanasan, tulad ng pagluluto, paggawa ng mga gawaing-kamay, pagka-kayak, at marami pang iba. Walang limitasyon sa puwede mong gawin. Tuklasin ang mga itinatampok na kategoryang ito.

Kultura & Kasaysayan
Ibahagi ang kuwento sa likod ng mga sikat na landmark sa iyong lungsod.
Pagkain at Inumin
Mag-host ng isang food trip, klase sa pagluluto, karanasan sa pagkain, at higit pa.
Kalikasan & Outdoor
Pangunahan ang mga hike sa kalikasan, water sports, mga aktibidad sa bundok, at marami pa.

Sumali sa lumalaking komunidad ng mga taong sabik sa kaalaman

Mga chef, artist, DJ, at iba pang eksperto sa kanilang mga larangan ang mga host. Ginagawa nilang magkaroon ng koneksyon ang mga tao sa buong mundo, at nagbibigay ng access sa mga natatanging lugar at mga aktibidad na hindi makikita saanman.

DJ Jigüe
Si DJ Jigüe ay nakatuon sa pagbabahagi ng kanyang pagkahilig sa Afro-Cuban na musika. Ang ilan sa mga bisita na ipinakilala niya sa kumplikadong kasaysayan ng musika ng Cuba ay pumunta sa kaniyang show sa Austin, Texas.
Cici
Naniniwala ang taga-Shanghai at culinary host na si Cici na ang pagluluto ay nakakapagdulot ng kaligayahan. Tinatanggap niya ang mga bisita sa kanyang kusina para matuto kung paano maghanda ng mga nakaugaliang Chinese dumpling sa masayang paraan.

Kami ang bahala sa iyo, sa bawat hakbang

Mga sangguniang tulad ng mga artikulo at insight na nakatuon sa iyong mga pangangailangan sa pagho-host, 24/7 na customer support para sa iyo at sa iyong mga bisita, exposure para sa iyong karanasan, at marami pang iba.

Mga Gawain
Pag-iiskedyul
Mga Pagbabayad
Mga Insight
Mga tool na naayon para sa iyo
Isang dashboard para mabigyan ka ng mga insight, feedback sa kung paano magpahusay pa, visibility sa mga bisita mula sa iba't ibang panig ng mundo sa pamamagitan ng paghahanap at mga filter, walang aberyang pagbabayad, at marami pang iba.
Hanggang sa $1 milyon na saklaw ng insurance para sa karamihan ng mga aktibidad
Panatilihin ang kapanatagan ng pag-iisip
Para sa karamihan ng mga karanasan, may insurance ka na hanggang $1 milyon. Magkakaroon ka rin ng access sa 24/7 na customer support para matutukan mo ang pagsunod ng iyong hilig. Matuto pa
Balita
Mga Perk
Mga Kaganapan
Patnubay para tulungan kang mas lalo pang magtagumpay
Nakatuon ang mga lingguhang newsletter, artikulo, at sanggunian para tulungan kang magtagumpay sa bawat hakbang ng iyong paglalakbay sa pagho-host.

Paano magsimula

Narito ang maikling overview ng proseso, mula umpisa hanggang katapusan.

1
Alamin ang aming mga pamantayan sa kalidad
Tiyaking nakakatugon ang iyong karanasan sa aming sukatan para sa kadalubhasaan, insider access, at koneksyon.
2
Gumawa ng page ng karanasan
Nakikita ka ng mga tao sa pamamagitan ng page mo. Gumawa ng magandang unang impresyon sa pamamagitan ng pagtatampok sa kadalubhasaan mo at pagdaragdag ng mga de-kalidad na litrato.
3
Simulan ang pagho-host ng iyong karanasan
Hangga't nakakatugon ang iyong karanasan sa mga alituntunin, maaari ka nang magdagdag ng mga petsa at magsimulang mag-host.
Mga madalas na itinatanong
Mga madalas na itinatanong
Kailangan ko bang mag-host ng tuluyan upang mag-host ng isang karanasan?
Hindi. Hindi mo kailangang i-host ang mga bisita nang magdamag sa iyong patuluyan o lugar upang maging host ng karanasan.
Ilang oras ang dapat na ilaan?
Maaari kang mag-host gaano kadalas mo man gusto—huwag mag-atubiling isaayos ang iyong mga petsa at oras hanggang sa mahanap mo ang pinakamainam para sa iyo.
Kailangan ko ba ng lisensya sa negosyo?
Depende sa mga nauugnay na aktibidad, maaaring mangailangan ang ilang karanasan ng lisensya sa negosyo. Tiyaking basahin ang mga lokal na batas sa iyong lugar upang matukoy kung aling mga lisensya ang maaaring kailanganin para sa iyong karanasan, lalo na kung may kinalaman sa pagkain, alak, o transportasyon. Alamin pa