HOSPITALIDAD

Ibinabahagi ng host ang sining at kultura ng Mexico sa pamamagitan ng nakakamanghang Airbnb na itinayo sa loob ng ahas na diyos ng mga Aztec

Para sa host na si Patricia, hindi lang magandang lugar na matutuluyan ang Quetzalcoatl’s Nest—isa itong tulay na nagbubuklod sa mga tao at mga kultura

Umaaliwalas ang mukha ni Patricia habang ikinukuwento niya ang kanyang kabataan, kung saan nakikipaglaro siya sa iba pang bata sa mga burol sa paligid ng Naucalpan de Juarez, isang lugar na matatagpuan sa kanluran lang ng Mexico City na may malagong kagubatan at mga kuweba, hinubog ng mga batis at sabak, at punong-puno ng buhay-ilang. Ngayon, buong galak siyang nagsisilbi bilang tour guide at host sa isang bahagi ng Naucalpan na naalagaan at nagkaroon ng malalim na pagbabago at naging pambihirang komunidad at kahanga-hangang pagkilala sa sining at kultura ng Mexico. “Gustong-gusto kong ibinabahagi ang lugar na ito dahil ipinagmamalaki ko ito,” sabi ni Patricia. “Ayokong ako o ang mga kapitbahay ko lang ang nakakaalam nito. Para sa akin, maganda itong matunghayan, maramdaman at maranasan.” Ang pagbabahagi sa iba ng paboritong lugar sa mundo ay isang motibasyong nagbubuklod sa maraming host ng Airbnb. Gayunpaman, ilan lang ang nakakapagbahagi ng lugar na may nakakamanghang kagandahan gaya ng Quetzalcoatl’s Nest ni Patricia. Ang lugar na ito, na ipinangalan sa isang diyos na kalahating ibon at kalahating ahas na sinamba ng mga Aztec, ay isang kombinasyon ng kakaibang parke at mga tirahan na itinayo sa loob ng isang malaking eskulturang may komplikadong disenyo at matitingkad na kulay na parang nakapulupot na ahas sa lupa. Isa itong obra maestra na idinisenyo ni Javier Senosiain, ang arkitektong Mexican na nagpasimula sa magandang “likas na arkitektura” na estilong ito. Ang tuluyan ni Patricia ay isa sa 10 tirahan dito at ang tanging available sa Airbnb. Isa itong maluwag na flat na may 5 silid-tulugan at mga bilugang bintana, may arkong kisame, at iba pang kakaibang feature sa arkitektura na itinayo sa loob ng katawan ng ahas. Mukhang presko ang lugar dahil sa modernong dekorasyon at mga kasangkapang nakakabit na talagang nababagay sa kalikasang nakapaligid dito.

Ayokong ako o ang mga kapitbahay ko lang ang nakakaalam nito. Para sa akin, maganda itong matunghayan, maramdaman at maranasan.”

Patricia, Quetzalcoatl’s Nest

Ayokong ako o ang mga kapitbahay ko lang ang nakakaalam nito. Para sa akin, maganda itong matunghayan, maramdaman at maranasan.”

Patricia, Quetzalcoatl’s Nest

Naisip ni Patricia na maging full-time na host dahil sa isa sa kanyang mga kapatid, na nag-list dati ng bahay sa Airbnb. At sumakto ito sa pagnanais ni Patricia na iwan ang ingay at gulo ng Mexico City at pumunta sa lugar na napapaligiran ng kalikasan at kapayapaan. Mula 2015, buong loob at sigla na niyang ginagampanan ang kanyang tungkulin. Karaniwang sinasalubong mismo ni Patricia ang mga bisita at sinasamahan niya sila papunta sa kanyang listing sa pagdaan sa isang butas sa gilid ng ahas. Natutuwa siya sa mga pagpapahayag ng pagkamangha ng mga bisita sa iba't ibang wika habang natutunghayan nila ang kapaligiran—mga “wow” at “ooh” at “ooh la la.” “Kahit nakakita na sila ng mga litrato, hindi nila inaasahan ang laki ng gusali at ang kalikasang nakapaligid dito, ang katahimikan, at ang kapayapaang mararamdaman nila,” sabi niya. Nagagalak si Patricia na ilibot sa property ang kanyang mga bisita. At para sa marami, kasama ito sa mga highlight ng kanilang pamamalagi sa Quetzalcoatl’s Nest. Madaling maging 3 hanggang 4 na oras na paglalakbay ang paglilibot kung gusto ito ng mga bisita. Napakaraming puwedeng makita sa halos 40 acre na property na may parteng hinubog at may parteng hindi ginalaw. At sadyang binabagalan ni Patricia ang paglilibot. Ituturo niya ang bunganga ng ahas na ginawa sa paligid ng isang natural na kuweba at hihikayatin niya ang mga bisita na obserbahan ang iba't ibang bulaklak at puno, pansinin ang matitingkad na kulay ng mga dahon, pakinggan ang mga tunog ng kagubatan, at damhin ang iba't ibang texture, na parehong likas at gawang-tao. “Minsan, niyayaya ko silang maglakad nang walang sapin sa paa sa damuhan at damhin ang lugar na ito,” sabi niya.

Sa bawat tour, magkukuwento siya tungkol sa Huichol, ang mga katutubong mula sa kabundukan sa pusod ng Mexico, na kilala sa kanilang makulay na alahas at sining na may mga manik. “Malaki ang impluwensya ng Huichol sa ulo ng ahas,” sabi ni Patricia. Hango sa sining ng Huichol ang makukulay na seramikong bilog na nakakabit sa ulo, mga mata, at mga pangil ng ahas, pati na rin ang maraming iba pang detalye ng nakakamanghang estruktura ni Senosiain. “Ang isa sa mga bagay na gusto naming tumatak sa lugar na ito ay ang kulay ng Mexico,” dagdag ni Patricia. Tinuturuan din ni Patricia ang mga bisita tungkol sa mga halamang gamot sa property at kung paano ginagamit ang mga ito ng Huichol at ng iba pa. Kung sa tingin niya ay ayos lang ito sa mga bisita, maaari niya silang imbitahang samahan siya sa isang meditasyon sa pagtatapos ng tour. Higit sa lahat, ang nagtutulak sa kanya ay ang pagnanais na ibahagi ang sining, kultura, at likas na kagandahan ng Mexico, pati na rin ang makukuha niyang mga karanasan at pakikisalamuha sa mga tao. “Nabatid ko na kahit Chinese, Mexican, Spanish, Australian o anumang iba pa ang mga bisita ko, may mga damdamin tayong lahat, nagmamahal tayong lahat, tao tayong lahat,” sabi niya. Maaaring iba-iba ang hitsura ng mga tao, dagdag niya, “pero talagang magkakatulad tayo sa loob.” Hangad niya na sa pamamagitan ng kanilang karanasan sa kalikasan, kultura ng Mexico, at pamamalagi sa loob ng Quetzalcoatl’s Nest, aalis nang may dalang pagbabago ang kanyang mga bisita. “Ang talagang gusto ko sa pagho-host at pakikisalamuha sa aking mga bisita ay hindi lang sila basta bumiyahe, kundi nagkakaroon sila ng karanasan, at lubhang mahalaga para sa kanila ang karanasang iyon,” sabi niya. “Parang paghinto ang bakasyon, at gusto kong samahan sila sa paghintong iyon para siyasatin ang kanilang mga sarili at alamin kung ano ang gusto nila, kung sino sila.”

Maging host ngayon