Paano ka kikita sa Airbnb
Sa Airbnb, walang aberya ang sistema ng pagbabayad, mababa ang mga bayarin, at malaya kang magdesisyon kung magkano ang gusto mong singilin.
Sa Airbnb, walang aberya ang sistema ng pagbabayad, mababa ang mga bayarin, at malaya kang magdesisyon kung magkano ang gusto mong singilin.
Simple at walang aberyang pagbabayad
Mabayaran sa paraang gusto mo—halimbawa, sa pamamagitan ng PayPal, direktang deposito, o iba pang paraan depende sa iyong lokasyon.
Mabayaran sa paraang gusto mo—halimbawa, sa pamamagitan ng PayPal, direktang deposito, o iba pang paraan depende sa iyong lokasyon.
I-list ang iyong tuluyan nang libre
Puwede mong i-advertise ang patuluyan mo sa milyon-milyong biyahero nang libre—walang sisingilin sa pag-sign up o sa pagiging miyembro.
Makatanggap ng booking
Sinisingil ng Airbnb ang bawat bisita bago ang kanilang pagdating para masigurong mababayaran ka palagi sa oras kapag nag-host ka. Hindi mo na kailangang direktang humawak ng pera.
Mabayaran pagkatapos ng pag-check in
Karaniwang ibinibigay ng Airbnb ang bayad sa iyo humigit-kumulang 24 na oras pagkalipas ng takdang pagdating ng bisita para masigurong maayos ang magiging pag-check in.
Paano naihahambing ang aming mga bayarin? | Airbnb | Homeaway | Booking.com |
---|---|---|---|
Bayarin sa serbisyo para sa host (bawat booking) | 3-5% | 5% | 15-20% |
Palaging libreng mag-list | |||
Walang bayad sa pagproseso ng credit card | |||
Kasama sa $ 1M na proteksyon para sa pinsala sa ari-arian |
Nagho-host sina JB at Ramona sa Boston para magkaroon ng dagdag na kita para sa pagreretiro.
Nagho-host sina JB at Ramona sa Boston para magkaroon ng dagdag na kita para sa pagreretiro.
Nagho-host sina JB at Ramona sa Boston para magkaroon ng dagdag na kita para sa pagreretiro.
Nagho-host sina JB at Ramona sa Boston para magkaroon ng dagdag na kita para sa pagreretiro.
Mainam na presyo para sa bawat gabi
Pinagkakatiwalaang payo sa pagpepresyo
Ikaw ang bahalang magtakda ng sisingilin mo. Kung gusto mo ng tulong, mayroon kaming mga tool na magtutugma sa mga presyo mo ayon sa demand, kaya masisiguro mong mayroon kang mainam na presyo para sa bawat gabi.
Pinagkakatiwalaang payo sa pagpepresyo
Ikaw ang bahalang magtakda ng sisingilin mo. Kung gusto mo ng tulong, mayroon kaming mga tool na magtutugma sa mga presyo mo ayon sa demand, kaya masisiguro mong mayroon kang mainam na presyo para sa bawat gabi.
Dagdag na kita sa mga serbisyo
Puwede kang maningil ng mga karagdagang bayarin para sa mga bagay na tulad ng mga dagdag na bisita o paglilinis sa tuluyan. At kung gusto mong magbigay ng iba pang serbisyo, gaya ng mga kagamitan o pagbibigay ng tour, puwede kang bayaran ng mga bisita sa pamamagitan ng app para sa mga iyon pagkatapos nilang mag-book.
Naibabagay sa mga pangangailangan mo
Puwede kang magtakda ng mga iniangkop na presyo para sa mga espesipikong panahon, katapusan ng linggo, at anupamang gabi na gusto mong pangasiwaan ang halagang sinisingil mo. Puwede ka ring magbigay ng mga lingguhan at buwanang diskuwento para sa mga taong nais mamalagi nang matagal.
Sagot sa mga tanong mo
Ganap na libreng mag-sign up at mag-list ng iyong tuluyan sa Airbnb. Kapag nakatanggap ka ng reserbasyon, naniningil kami ng bayarin sa serbisyo sa Airbnb para sa mga host, karaniwang 3%, para tulungang mabayaran ang mga gastos sa pagpapatakbo ng negosyo.
Ang payout na matatanggap mo ay ang itinakda mong presyo kada gabi na binawasan ng bayarin sa serbisyo para sa host, na karaniwang 3%. Bukod pa sa halaga ng iyong listing, nagbabayad ng bayarin sa serbisyo sa Airbnb ang mga bisita. Ito ang dahilan kung bakit mas mataas kaysa sa iyong payout ang kabuuang presyo na nakikita ng mga bisita. Narito ang ilang bagay na maaaring makaapekto sa iyong payout: Maaaring na-apply sa reserbasyon ang iyong lingguhang diskuwento o buwanang diskuwento Maaaring na-apply sa reserbasyon ang pagpepresyo sa katapusan ng linggo o iniangkop na pagpepresyo Kapag naaangkop, maaaring magdagdag ng value-added tax (VAT) sa bayarin sa serbisyo ng Airbnb
Sa tool na Smart Pricing ng Airbnb, maitatakda mo ang mga presyo na awtomatikong tumaas o bumaba batay sa mga pagbabago sa demand para sa mga listing na tulad ng iyo.
Ikaw palagi ang bahala sa presyo, kaya makokontrol ang Smart Pricing ng iba pang setting ng pagpepresyo na pipiliin mo, at maaari mong baguhin ang mga presyo kada gabi anumang oras.
Nakabatay ang Smart Pricing sa uri at lokasyon ng iyong listing, panahon, demand, at iba pang salik (tulad ng mga kaganapan sa iyong lugar).
Karaniwang ibinibigay ng Airbnb ang iyong payout humigit-kumulang 24 na oras pagkalipas ng takdang oras ng pag-check in ng iyong bisita. Nakadepende sa paraang pipiliin mo para mabayaran kung gaano katagal bago dumating ang pera sa iyong account. Kung mamamalagi ang iyong bisita nang 28 gabi o mas matagal pa, karaniwang ibibigay ng Airbnb ang payout para sa unang buwan humigit-kumulang 24 na oras pagkalipas ng takdang oras ng pag-check in ng iyong bisita. Buwan-buwang ibibigay ang mga karagdagang payout para sa reserbasyong iyon. Kung bagong host ka, maaari naming i-hold ang iyong mga payout sa loob ng 30 araw pagkatapos makumpirma ang una mong reserbasyon. Kung mahigit sa 30 araw pa ang layo ng una mong reserbasyon, ibibigay ang iyong payout 24 na oras pagkalipas ng nakaiskedyul na pag-check in ng iyong bisita. Ganito ang gagawin sa anumang payout na nakatakdang ibigay sa loob ng 30 araw na iyon.
Ikaw ang bahala sa presyong sisingilin mo para sa iyong listing. Para matulungan kang magpasya, maaari kang maghanap ng mga katulad na listing sa iyong lungsod o kapitbahayan para magkaroon ng ideya tungkol sa mga presyo sa merkado.
Mga Karagdagang Bayarin • Bayarin sa paglilinis: Puwede kang magsama ng bayarin sa paglilinis sa itinakda mong presyo kada gabi o magdagdag ng bayarin sa paglilinis sa mga setting ng pagpepresyo mo. • Iba pang bayarin: Para maningil ng mga dagdag na bayarin na hindi kasama sa mga itinakda mong presyo (tulad ng bayarin sa late na pag-check in o para sa alagang hayop), dapat mo munang ihayag ang mga potensyal na singiling ito sa mga bisita bago sila mag-book at pagkatapos ay gamitin ang Resolution Center para ligtas na humiling ng pagbabayad para sa mga karagdagang bayarin.
Mainam na sumangguni sa iyong lokal na gobyerno kung kailangan bang singilin ng mga buwis o hindi ang mga bisita. Kung mapag-alaman mong kailangan mong mangolekta ng buwis, kadalasan ay maaari mo itong idagdag sa isang Espesyal na Alok kapag nag-book ang mga bisita o puwede mong hilingin sa iyong mga bisita na bayaran ito nang personal. Anuman ang sitwasyon, mahalagang ipaalam sa mga bisita ang eksaktong halaga ng buwis bago sila mag-book. Kung pipiliin mong kolektahin ang buwis nang hindi kasama sa mga presyo ng iyong listing, dapat lang itong singilin pagdating ng mga bisita. Hindi namin magagawang tumulong sa pangongolekta o siguruhin ito. Sa ilang lokasyon, maaaring may magagamit na feature sa pangongolekta at pagpapadala ang mga host ng Airbnb para sa pangangasiwa sa buwis sa panunuluyan. Hindi dapat hiwalay na mangolekta ng mga buwis sa panunuluyan ang mga host para sa mga hurisdiksyong iyon. Mayroon ding maaaring ma-apply na Value Added Tax (VAT) sa ilang lokasyon. Matuto tungkol sa VAT