Kumita bilang host ng Airbnb

Alamin kung magkano ang maaari mong kitain

Kumita bilang host ng Airbnb

Alamin kung magkano ang maaari mong kitain

Mga pakinabang ng pagho-host sa Airbnb

Anumang uri ng tuluyan o kuwarto ang iaalok mo, pinapasimple at sinisigurong ligtas ng Airbnb ang pagho-host ng mga biyahero. Ikaw ang bahala sa iyong availability, mga presyo, mga alituntunin sa tuluyan, at kung paano ka makikisalamuha sa mga bisita.

Kami ang bahala sa iyo

Para masigurong ligtas ka, ang iyong tuluyan, at ang iyong mga ari-arian, saklaw ng $1M USD na proteksyon para sa pinsala sa property at ng $1M USD na insurance para sa mga aksidente ang bawat booking.

Ang pagho-host sa 3 hakbang

I-list ang iyong tuluyan nang libre

Ialok ang anumang lugar nang walang bayarin sa pag-sign up, mula sa pinaghahatiang sala hanggang sa pangalawang tuluyan at lahat ng iba pa.

Magpasya kung paano mo gustong mag-host

Piliin ang sarili mong iskedyul, mga presyo, at mga rekisito para sa mga bisita. Narito kami para tumulong sa buong proseso.

Tanggapin ang una mong bisita

Kapag live na ang iyong listing, maaaring makipag-ugnayan ang mga kwalipikadong bisita. Maaari mo silang padalhan ng mensahe para sa anumang tanong bago ang kanilang pamamalagi.

Nakatulong sa akin ang Garantiya para sa Host na magpasyang sumali sa Airbnb dahil masasandigan ko ito kung magkaroon ng pinsala o mga problema.

Nagho-host si Dennis sa London dahil sa pleksibilidad na naibibigay nito

Alamin kung paano siya nagho-host
Nakatulong sa akin ang Garantiya para sa Host na magpasyang sumali sa Airbnb dahil masasandigan ko ito kung magkaroon ng pinsala o mga problema.

Nagho-host si Dennis sa London dahil sa pleksibilidad na naibibigay nito

Alamin kung paano siya nagho-host

Kami ang bahala sa iyo

Alam naming priyoridad ang pagkakaroon ng tiwala sa mga taong namamalagi sa iyong tuluyan. Sa Airbnb, makakapagtakda ka ng mahihigpit na rekisito sa kung sino ang maaaring mag-book at maaari mong kilalanin ang mga bisita bago ang kanilang pamamalagi. Kung may mangyari man, suportado ka namin. Sa pamamagitan ng aming Garantiya para sa Host na sumasaklaw sa pinsala sa ari-arian at ng aming Insurance para sa Proteksyon ng Host para sa pananagutan, may suporta ka bilang host sa buong proseso.

Kakayahang humiling ng ID na mula sa gobyerno bago makapag-book
Mga Alituntunin sa Tuluyan na dapat tanggapin ng mga bisita
Pagkakataong magbasa ng mga review mula sa mga dating biyahe
Libreng $1M na proteksyon para sa pinsala sa property
Libreng $1M na insurance sa pananagutan
24/7 na pandaigdigang customer support

Pinasimpleng pagbabayad

Singilin kung magkano ang gusto mo

Ikaw palagi ang bahala sa presyo. Kailangan ng tulong? Mayroon kaming mga tool na makakatulong sa iyong umayon sa demand sa iyong lugar.

Magbayad ng mabababang bayarin

Libre ang pag-sign up. Karaniwang naniningil ang Airbnb sa mga host ng flat na 3% kada reserbasyon, at isa ito sa pinakamabababang bayarin sa industriya.

Mabilis na mabayaran

Kapag nag-check in na ang bisita, puwede na naming ipadala ang pera mo sa pamamagitan ng PayPal, direct deposit, o iba pang available na paraan.

Natulungan ako ng pagho-host na magpagawa ng bagong kusina at iba pang upgrade.

Nagho-host si Tessa sa London para magkaroon ng dagdag na kita

Alamin kung paano siya nagho-host
Natulungan ako ng pagho-host na magpagawa ng bagong kusina at iba pang upgrade.

Nagho-host si Tessa sa London para magkaroon ng dagdag na kita

Alamin kung paano siya nagho-host

Tungkol sa Airbnb

Ano ang Airbnb?

Nagbibigay-daan ang Airbnb para makahanap ang mga tao ng mga lugar na matutuluyan at mga puwedeng gawin sa buong mundo. Pinapatakbo ang komunidad ng mga host, na nagbibigay sa kanilang mga bisita ng pambihirang oportunidad na bumiyahe na parang lokal.

Ano ang pagho-host?

Kung mayroon kang hindi ginagamit na kuwarto, buong lugar, o kadalubhasaan, maaari kang kumita sa pamamagitan ng pagbabahagi nito sa kahit na sino sa buong mundo. Maaari kang mag-host ng iyong tuluyan at/o aktibidad. Ikaw ang bahala kung kailan ka magho-host.

Mga madalas itanong

Sino ang puwedeng maging Airbnb host?

Madaling maging Airbnb host sa maraming lugar, at palaging libreng gumawa ng listing. Ang mga buong apartment at bahay, pribadong kuwarto, treehouse, at kastilyo ay ilan lang sa mga property na ipinapagamit ng mga host sa pamamagitan ng Airbnb.

Para sa higit pang detalye tungkol sa inaasahan sa mga host, sumangguni sa pamantayan ng komunidad ng Airbnb, na may impormasyon tungkol sa kaligtasan, seguridad, at kahusayan, at sa mga pamantayan sa hospitalidad ng Airbnb, na tumutulong sa mga host na makatanggap ng magagandang review mula sa mga bisita.

Ano ang hinihiling sa mga bisita bago sila makapag-book?

Humihiling kami sa lahat ng gumagamit ng Airbnb ng ilang impormasyon bago sila makabiyahe sa pamamagitan namin. Kailangang ibigay nang kumpleto ng mga bisita ang impormasyong ito bago sila makapagpareserba. Nakakatulong ang impormasyong ito na matiyak na alam mo kung sino ang aasahan, at kung paano makipag-ugnayan sa bisita.

Kabilang sa mga rekisito ng Airbnb para sa mga bisita ang: • Buong pangalan • Email address • Kumpirmadong numero ng telepono • Mensahe ng pagpapakilala • Pagsang-ayon sa Mga Alituntunin sa Tuluyan mo • Impormasyon sa pagbabayad

Inaasahan, ngunit hindi inaatasan, ang mga bisita na maglagay ng litrato sa profile. Maaari mo ring hilingin sa mga bisita na magbigay ng ID bago mai-book ang iyong tuluyan.

Magkano ang babayaran para makapag-list ng lugar ko?

Ganap na libre ang pag-sign up sa Airbnb at pagli-list ng iyong tuluyan.

Kapag nakatanggap ka na ng reserbasyon, maniningil kami ng bayarin sa serbisyo ng Airbnb para sa mga host na karaniwang 3% para makatulong sa pagbabayad ng gastos sa pagpapatakbo ng negosyo.

Anong proteksyon ang mayroon ako laban sa pinsala sa property?

Ang Garantiya para sa Host ng Airbnb ay nagbibigay ng proteksyon na hanggang $1,000,000 sa host para sa mga pinsala sa saklaw na property sa pambihirang pagkakataon na may masira ang bisita na lampas sa panseguridad na deposito o kung walang panseguridad na deposito.

Hindi saklaw ng programang Garantiya para sa Host ang pera at mga prenda, mga koleksyon, pambihirang obra ng sining, mga alahas, mga alagang hayop, o personal na pananagutan. Inirerekomenda namin sa mga host na proteksyunan o alisin nila ang mahahalagang gamit kapag nagpapatuloy sila sa kanilang lugar. Hindi rin saklaw ng programa ang nawalang kita o pinsala sa property na dahil sa likas na pagkaluma at pagkasira.

Matuto pa tungkol sa Garantiya para sa Host sa http://airbnb.com/guarantee

Paano ko mapipili ang presyo ng listing ko?

Ikaw ang bahala sa presyong sisingilin mo para sa iyong listing. Para matulungan kang magpasya, maaari kang maghanap ng mga katulad na listing sa iyong lungsod o kapitbahayan para magkaroon ng ideya tungkol sa mga presyo sa merkado. Mga Karagdagang Bayarin > - Bayarin sa paglilinis: Maaari kang magsama ng bayarin sa paglilinis sa iyong presyo kada gabi o maaari kang magdagdag ng bayarin sa paglilinis sa iyong mga setting ng pagpepresyo. > - Iba pang bayarin: Para maningil ng mga karagdagang bayarin na hindi kasama sa iyong mga presyo (tulad ng bayarin sa late na pag-check in o bayarin para sa alagang hayop), dapat mo munang ihayag ang mga potensyal na singiling ito sa mga bisita bago sila mag-book, at pagkatapos ay gamitin ang aming Sentro ng Paglutas ng Problema para ligtas na humiling ng pagbabayad ng mga karagdagang bayarin.

Paano ako matutulungan ng Airbnb sa pagtatakda ng mga presyo?

Sa tool na Smart Pricing ng Airbnb, maitatakda mo ang mga presyo na awtomatikong tumaas o bumaba batay sa mga pagbabago sa demand para sa mga listing na tulad ng iyo.

Ikaw palagi ang bahala sa presyo, kaya makokontrol ang Smart Pricing ng iba pang setting ng pagpepresyo na pipiliin mo, at maaari mong baguhin ang mga presyo kada gabi anumang oras.

Nakabatay ang Smart Pricing sa uri at lokasyon ng iyong listing, panahon, demand, at iba pang salik (tulad ng mga kaganapan sa iyong lugar).

Handa ka na bang kumita?