Bakit magandang i-list mo ang iyong patuluyan sa Airbnb?

Puwede kang kumita sa pagtanggap ng bisita sa iyong patuluyan, nasaan ka man.
Ni Airbnb noong Ene 3, 2020
6 na minutong video
Na-update noong Nob 16, 2022

Mga Katangi-tanging Feature

  • Magkaroon ng dagdag na kita ayon sa kagustuhan mo

      • Makisalamuha sa mga bisita at ipakilala ang iyong komunidad

          • May suporta at proteksyon sa buong proseso

          Anuman ang target mo, puwede mo iyong makamit sa paraang masaya at flexible sa pamamagitan ng pagho-host sa Airbnb. Puwede kang tumanggap ng mga bisita sa anumang uri ng patuluyan saanman sa mundo, madalang man o madalas, depende sa gusto mo.

          Makakatulong ang kikitain mo, halimbawa, bilang pambayad ng mga bill sa bahay, ipon para sa malaking pangyayari sa buhay, o panggastos para sa susunod mong bakasyon. Hindi lang dagdag na kita ang kagandahan ng pagpapatuloy ng mga bisita. Maaari ka ring magkaroon ng mga oportunidad na makakilala ng mga biyahero mula sa iba't ibang panig ng mundo at suportahan ang iyong lokal na komunidad.

          I-Airbnb ang patuluyan mo sa paraang gusto mo

          Kapag nag-host ka sa Airbnb, ikaw ang pipili kung paano at kailan ka tatanggap ng mga bisita. Puwede kang mag-alok ng pinaghahatian o pribadong tuluyan, naroon ka man sa tuluyan o kahit bumibiyahe ka.

          May mga host na ginagawang negosyo ang pagpapatuloy ng bisita pero may iba namang nagho-host lang paminsan-minsan. Puwede mong subukang mag-host para lang sumabay sa espesyal na event sa iyong lugar o para may mamalagi sa iyong tuluyan habang nagbabakasyon ka.

          “Natutuwa akong nasusunod ko ang sarili ko,” sabi ni Magaly na Superhost sa East Wenatchee, Washington. “Malaya akong nakakakilos. Nababalanse ko ang pag-aalaga sa aking mga anak at paggawa sa lahat ng aking makakaya sa mga trabaho ko.”

          Magkaroon ng dagdag na kita

          Sa kamakailang survey, maraming host ang nagsabi na nag-list sila ng patuluyan sa Airbnb para kumita. Ginagamit nila ang dagdag na kita para mapagaan ang dagok ng tumataas na mga bilihin, bilang pambayad ng mga bill o ekstrang panggastos.

          “Nagsimula akong mag-host noong nagkaroon ako ng sariling tuluyan,” sabi ni Yuan na Superhost sa Singapore. “Nakadagdag sa pantustos ko sa araw-araw ang tuloy-tuloy na kita ko sa pagli-list ng ekstrang kuwarto ko sa Airbnb dahil nag-aaral na ako muli at hindi na ako nagtatrabaho nang full-time.”

          Noong 2021, kumita ang mga bagong host sa iba't ibang panig ng mundo ng mahigit sa $1.8 bilyong USD sa kabuuan. Mas mataas ito nang 30% mula noong 2019. Ang median na kita ng mga host sa US noong 2021 ay $13,800. Mas mataas ito nang 85% mula noong 2019. Patuloy ding dumami sa taong 2022 ang mga oportunidad sa pagho-host, gaya ng mga paminsan-minsang booking sa katapusan ng linggo at mga pamamalagi buong taon.

          “Hindi namin pinagsisihan kailanman na nag-list kami sa Airbnb,” sabi ni Robin na Superhost sa Mount Barker, Australia. “Puno kami ng booking kada buwan at talagang maganda ang aming pamumuhay sa tulong ng mga kinikita namin bilang mga host, na dumaragdag sa pensiyon at iba pa naming pinagkakakitaan.”

          Ipakilala ang iyong komunidad

          Hindi lang kita ang makukuha mo sa pagtanggap ng mga bisita sa iyong tuluyan. Ayon sa mga host, ang iba pang nangungunang perk ay kung paano nila naipagmamalaki ang kanilang mga komunidad at kung paano sila nakakakilala ng mga interesanteng tao na malamang na hindi nila makikilala kung hindi sila nagho-host.

          Binibigyan nina James at Roxanne na mga Superhost sa Holetown, Barbados ang kanilang mga bisita ng mga bagay na gawa ng mga lokal, gaya ng bagong lutong cookies na iniiwan nila sa mesa sa tabi ng kama. Ibinebenta rin nila ang mga gawa ng mga lokal sa maliit na tindahan sa property. “Bumibili kadalasan ang mga bisita ng lokal na Cane Dog Coffee pagkatapos nila itong matikman sa kuwarto nila,” sabi ni James.

          Ayon kay Brian na Superhost sa Hello House Hostel sa Las Palmas de Gran Canaria, Spain, nagsimula siyang mag-host para maranasan niyang bumiyahe nang hindi umaalis ng bahay. “Nakakatuwa ang mga bisitang namalagi sa amin,” sabi niya. “Talagang nag-e-enjoy kami sa mga kuwento nila at muli nilang pagbisita.”

          Mabilis na magsimula

          Halos lahat ng tuluyan, puwedeng maging Airbnb. Anuman ang dahilan mo sa pagdedesisyong mag-host, madali lang magsimula.

          • Tuklasin kung magkano ang puwede mong kitain sa iyong lokasyon o mag-sign up para mag-alok ng lugar na matutuluyan sa mga taong nangangailangan
          • Makatanggap ng iniangkop na patnubay mula sa Superhost, piliing magpatuloy ng bihasang bisita para sa unang reserbasyon, at mabilisang makipag-ugnayan sa dalubhasang team ng mga ahente ng Suporta sa Komunidad sa pamamagitan ng Airbnb Setup
          • Alamin kung paano ka pinoprotektahan ng AirCover para sa mga Host

          Kapag nag-list ka ng patuluyan sa Airbnb, maaari mong maabot ang iyong mga pinansyal na target, makakakilala ka ng mga tao mula sa iba't ibang panig ng mundo, at puwede kang maging negosyante ayon sa kagustuhan mo. Kapag handa ka nang mag-alok sa mga bisita ng lugar na matutuluyan, tutulungan ka namin sa buong proseso.

          Tuklasin ang higit pa sa aming gabay sa pagho-host

          Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na-publish ito.

          Mga Katangi-tanging Feature

          • Magkaroon ng dagdag na kita ayon sa kagustuhan mo

              • Makisalamuha sa mga bisita at ipakilala ang iyong komunidad

                  • May suporta at proteksyon sa buong proseso

                  Airbnb
                  Ene 3, 2020
                  Nakatulong ba ito?