Magkano ang sinisingil ng Airbnb sa mga host?
Nakakatulong ang mga bayarin sa serbisyo para masuportahan ng Airbnb ang mga host at masagot ang mga gastos sa mga bagay tulad ng pagpoproseso ng bayad, marketing, at customer service.
Porsyento ng presyo kada gabi ang mga ito at may kasamang anumang bayarin na idinagdag mo, tulad ng bayarin sa paglilinis. Ikinakaltas sa itinakda mong presyo ang mga bayarin sa serbisyo para makalkula ang payout mo. May 2 uri ng estruktura ng bayarin sa Airbnb: ang pinaghahatiang bayarin at isahang bayarin.
Pinaghahatiang bayarin
Nagbabayad ang mga host at bisita ng kanya-kanya nilang mga bayarin sa serbisyo. Ikinakaltas sa itinakda mong presyo ang 3% bayarin ng host para makalkula ang payout mo.* Dagdag pa rito, nagbabayad ang mga bisita ng 14.1% hanggang 16.5% bayarin sa serbisyo bukod pa sa itinakda mong presyo. Ibig sabihin, iba ang itinakda mong presyo sa presyong makikita at babayaran ng mga bisita. Halimbawa, kung USD100 ang itatakda mong presyo, kikita ka ng USD97 at magbabayad ang mga bisita mo ng humigit‑kumulang USD115.
Isahang bayarin
Ikinakaltas sa itinakda mong presyo ang isahang bayarin sa serbisyo para makalkula ang payout mo. Karaniwang 14% hanggang 16% ito.** Ibig sabihin, itatakda mo ang presyong makikita at babayaran ng mga bisita. Halimbawa, sa isahang bayarin na 15.5%, kung itatakda mo ang presyo sa USD115, kikita ka ng USD97.18 at magbabayad ang mga bisita ng USD115.
Kinakailangan ang isahang bayarin para sa mga listing sa tradisyonal na hospitalidad, kabilang ang karamihan sa mga listing na hotel at serviced apartment. Isahang bayarin din ang naaangkop sa karamihan sa mga host na gumagamit ng software sa pangangasiwa ng property o pangangasiwa ng channel.
Bakit naniningil ang Airbnb ng mga bayarin sa serbisyo?
Nakakatulong ang mga bayarin sa serbisyo para mapatakbo nang maayos ang Airbnb at masuportahan ang mga host. Sinasagot ng mga ito ang gastos sa mga bagay tulad ng:
- Pagpoproseso ng mga pagbabayad ng bisita
- Pag-market ng mga listing sa mga bisita
- 24/7 na customer support
Saan ko makikita ang bayarin sa serbisyo?
Magbukas ng anumang booking sa kalendaryo o anumang transaksyon sa dashboard ng kita para tingnan ang mga detalye ng presyo. May hiwalay na linya ang bayarin sa serbisyo.
Matuto pa tungkol sa mga bayarin sa serbisyo sa Help Center na may mga artikulo tungkol sa:
*Mas malaki ang babayaran ng ilan, kabilang ang ilang host na may mga listing sa Italy at Brazil.
** Posibleng mas mataas ang bayarin para sa mga host na may Sobrang Higpit na patakaran sa pagkansela.
Sa ilang bansa at rehiyon, kasama ang mga buwis sa kabuuang presyong ipinapakita. Palaging ipinapakita ang kabuuang presyo kabilang ang mga buwis bago ang pag‑check out.
Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.