Binubuo ang proseso ng paglilinis na may 5 hakbang ng mga kasanayan sa paglilinis na kinakailangang sundin ng lahat ng host bago at matapos ang bawat pamamalagi ng bisita, bukod pa sa mga lokal na batas at tagubilin.
Nakasaad ang mga detalye kung paano pinakamainam na maglinis sa handbook sa paglilinis ng Airbnb, na may kasamang komprehensibong checklist para sa paglilinis.
Mahahanap mo rin ang handbook pati ang mga tip, video, at higit pa kapag pumunta ka sa Mga Insight > Paglilinis sa iyong account sa pagho-host sa web browser.
Sa pamamagitan ng wastong paghahanda, mas mahusay at mas ligtas kayong makakapaglinis ng iyong team. Tiyaking:
Sa paglilinis, tinatanggal mo ang alikabok at dumi, tulad ng dumi sa sahig at patungan. Tiyaking:
Sa pag-sanitize, gumagamit ka ng mga kemikal para mabawasan ang mga bakterya sa mga bagay tulad ng mga hawakan ng pinto at remote ng TV. Tiyaking:
Kapag tapos ka nang mag-sanitize, mainam na suriin nang mabuti ang lahat. Tiyaking:
Para maiwasang makapitan ng mikrobyo, mahalagang tapusin ang paglilinis at pag-sanitize sa kuwarto bago palitan ang mga item para sa susunod na bisita:
Hindi papayagang mag-host ang mga host na hindi sasang-ayon sa aming mga kasanayan para sa kaligtasan kaugnay ng COVID-19, kabilang ang proseso ng mas masusing paglilinis na binubuo ng 5 hakbang.
Kasama rin sa mga kasanayang ito ang pagsusuot ng mask at pagdistansya sa kapwa kapag iniaatas ng mga lokal na batas o tagubilin.
Maaaring bigyan ng mga babala, suspindehin, at sa ilang sitwasyon, alisin sa platform ng Airbnb ang mga host na paulit-ulit o labis nang lumalabag sa mga pamantayan sa paglilinis.