
Superhost: Kinikilala ang pinakamahusay sa hospitalidad
Ipinagdiriwang at ginagantimpalaan ng programang Superhost ang mga nangunguna at pinakabihasang host ng Airbnb.
Suriin ang progreso mo
Mga kagandahan ng pagiging Superhost
Bilang Superhost, mas mapapansin ka, lalaki ang puwede mong kitain, at makakatanggap ka ng mga eksklusibong reward. Ito ang aming paraan ng pagpapasalamat sa iyong bukod‑tanging hospitalidad.

Tumanggap ng mas maraming bisita
Dahil sa atensyong nanggagaling sa mga bisita, puwedeng mas dumami ang mga booking para sa mga Superhost—at mas lumaki ang kikitain nila.

Makatanggap ng espesyal na pagkilala
Inaasahan ng mga bisita na pinakamagaling sa lahat ang mga Superhost. Lalo pa silang namumukod‑tangi sa tulong ng mga pampromosyong email namin at badge ng Superhost.

Makakuha ng mga eksklusibong reward
Nakakakuha ang mga Superhost ng $100 na kupon ng Airbnb sa bawat taon na napapanatili nila ang kanilang katayuan. At kapag nag‑refer sila ng bagong host para mag‑sign up, makakakuha ang mga Superhost ng dagdag na 20% bukod pa sa karaniwang referral bonus.
Para maging Superhost
Kada 3 buwan, inaalam namin kung natutugunan mo ang mga sumusunod na pamantayan para sa nakalipas na taon.* Kung natutugunan mo ang mga ito, magiging o mananatili kang Superhost.

4.8+ na kabuuang rating
May 4.8 o mas mataas na average na kabuuang rating ang mga Superhost batay sa mga review mula sa mga naging bisita nila sa Airbnb sa nakalipas na taon. Alam ng mga bisita na makakaasa sila sa bukod‑tanging hospitalidad mula sa mga host na ito.

10+ pamamalagi
Nakapag‑host ang mga Superhost ng kahit man lang 10 reserbasyon sa nakalipas na taon, o 100 gabi sa loob ng kahit man lang 3 natapos na reserbasyon. Makakampante ang mga bisita dahil nakikituloy sila sa bihasang host.

<1% rate sa pagkansela
Wala pa sa 1% ng mga reserbasyon ang kinakansela ng mga Superhost maliban sa mga hindi inaasahang pangyayari. Ibig sabihin, walang kinansela ang mga host na nakakuha ng mas kaunti sa 100 reserbasyon sa isang taon. Napapanatag ang isip ng mga bisita sa bihirang pagkansela.

90% rate sa pagtugon
Tumutugon ang mga Superhost sa 90% ng mga bagong mensahe sa loob ng 24 na oras. Kapag may bisitang nagtanong sa iyo, makakaasa siyang isang mensahe lang ang kailangan para agad siyang matugunan.
Sagot sa mga tanong mo
Paano kung kailangan kong magkansela dahil sa isang emergency?
Kung kailangan mong magkansela ng reserbasyon dahil sa emergency o hindi maiiwasang sitwasyon, alamin kung saklaw bilang hindi inaasahang pangyayari ang dahilan mo. Kung saklaw iyon, makakapagkansela ka nang walang penalty at nang walang epekto kung puwede kang magpatuloy o maging Superhost. Alamin ang patakaran sa mga hindi inaasahang pangyayari ng Airbnb.
Tiyaking makipag‑ugnayan sa Airbnb para maghain ng paghahabol sa loob ng 14 na araw pagkatapos mong kanselahin ang reserbasyon (o bago dumating ang sunod mong bisita). Maaaring kailanganin mong magsumite ng mga dokumento na susuriin ng Airbnb.Kailangan bang isang taon mahigit na akong nagho‑host para maging Superhost?
Walang minimum na panahon ng pagho‑host para maging Superhost. Hangga't nakakatugon ka sa lahat ng pamantayan pagsapit ng panahon ng assessment (na nagaganap kada 3 buwan), puwede kang maging Superhost.
Sa tuwing susuriin namin kung nakakatugon ka sa mga pamantayan para maging Superhost, babalikan namin ang performance mo sa pagho‑host sa nakalipas na taon.Kailangan ko bang mag‑apply?
Kung nakakatugon ka sa mga rekisito ng programa pagsapit ng petsa ng assessment, awtomatiko kang magiging Superhost nang hindi kailangang mag‑apply.Matuto pa tungkol sa pagiging Superhost.
Aabisuhan ka namin tungkol sa katayuan mo sa katapusan ng bawat panahon ng assessment. Maaaring abutin nang hanggang 1 linggo bago lumabas sa listing mo ang badge ng Superhost.