Mahalagang isaisip ang kalusugan at kaligtasan ngayong may pandemyang COVID-19. Gumawa kami ng mga mandatoryong kasanayan para sa kaligtasan kaugnay ng COVID-19 para sa mga host at bisita ng mga listing sa Airbnb, batay sa patnubay mula sa Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan (WHO) at sa Mga Sentro para sa Pagkontrol sa Sakit ng US. Bukod pa rito, dapat mong alamin ang mga pangkalahatang tagubilin para sa kalusugan at kaligtasan kaugnay ng COVID-19, patuloy na subaybayan ang naaangkop na mga paghihigpit at babala sa paglalakbay ng gobyerno, at sundin ang lahat ng pambansa at lokal na batas at tagubilin.
Naglabas ang Airbnb ng mga tagubilin at programa para makatulong na tugunan ang mga alalahanin sa kalusugan at kaligtasan, ngunit hindi maaalis ng mga hakbang na ito ang lahat ng panganib. Inirerekomenda naming humingi ng payo sa propesyonal at higit na mag-ingat kapag nagpapasya kang mag-book ng pamamalagi o karanasan sa Airbnb, lalo na kung kasama ka sa kategorya ng mga tao na mas nanganganib (hal.: mga taong mahigit 65 taong gulang o mga taong may mga matagal nang kondisyon sa kalusugan gaya ng diabetes o sakit sa puso). Matuto pa tungkol sa mga tagubilin para sa kalusugan at kaligtasan para sa mga host at bisita ng mga Karanasan sa Airbnb.
Kapag iniaatas ng mga lokal na batas o tagubilin, dapat gawin ng lahat ng host at bisita ang mga sumusunod:
Inaatasan ang lahat ng host at bisita na sundin ang mga kasanayan para sa kaligtasan kaugnay ng COVID-19 na nakasaad sa itaas, kung naaangkop, kabilang ang proseso ng mas masusing paglilinis na binubuo ng 5 hakbang ng Airbnb pagkatapos ng bawat pamamalagi ng bisita. Maaaring patawan ng iba pang penalty ang sinumang host o bisita na paulit-ulit na lalabag sa mga tagubiling ito. Kabilang sa mga penalty ang pagsuspinde ng account o pagtanggal sa komunidad.
Para masiguro ang kalusugan at kaligtasan ng ating komunidad, hindi dapat pumasok sa (mga) listing o makisalamuha sa mga bisita ang mga host (at ang lahat ng taong maaaring nasa listing bago o sa panahon ng pamamalagi). Hindi rin dapat mag-check in sa listing ang mga bisita, kung totoo ang alinman sa mga sumusunod:
Para sa higit pang detalye kung paano bumiyahe nang responsable habang may pandemya ng COVID-19, sumangguni sa aming artikulo tungkol sa mga pamamalagi para sa quarantine at pagbukod ng sarili.
Siguraduhing madalas na maghugas ng kamay, lalo na kung nakikisalamuha ka sa mga taong hindi mo kasama sa reserbasyon at humahawak ka ng mga gamit at kasangkapan sa pinaghahatiang lugar o common area.
Kapag nasa common area o pinaghahatiang lugar ka (bilang host o bisita), sundin ang mga lokal na batas at tagubilin para sa pagsusuot ng mask at pagdistansya sa sinumang hindi kasama sa iyong reserbasyon. Mainam ding mag-alok ang mga host ng pag-check in na walang pakikisalamuha kapag posible.
Tandaan, kung hindi ka komportableng mamalagi sa pribadong kuwarto o pinaghahatiang lugar, pag-isipang mag-book na lang ng buong lugar. Kung hindi ka komportableng mag-host ng pribadong kuwarto o pinaghahatiang lugar, puwede mong i-list ang iyong buong lugar, o ihinto pansamantala ang iyong pagho-host kung hindi mo iyon magagawa.
Dapat ding sundin ng mga host ang mga lokal na tagubilin sa pagho-host ng mga pribadong kuwarto at pinaghahatiang lugar at sa kabuuang bilang ng mga tao na pinapahintulutang magsama-sama sa listing.
Tandaan: Nagpapatupad ang Airbnb ng pandaigdigang pagbabawal sa lahat ng party at event sa mga listing sa Airbnb. Sumangguni sa aming Patakaran sa mga Party at Event para sa higit pang impormasyon.
Dapat ding gawin ng mga host ng mga listing ng pribadong kuwarto o pinaghahatiang lugar ang mga sumusunod:
Maaaring magpatupad ang ilang gobyerno ng mga paghihigpit sa pagho-host ng mga pribado o pinaghahatiang kuwarto o maaari silang magpataw ng mga karagdagang obligasyon o rekisito para sa ganoong mga patuluyan. Siguraduhing suriin at sundin ang anumang karagdagang patnubay para sa kaligtasan at paglilinis na mula sa mga awtoridad sa gobyerno at/o kalusugan sa iyong lokalidad.
Kung nagpositibo ka sa COVID-19 o nagsimula kang makaramdam ng anumang sintomas ng COVID-19 kamakailan, makipag-ugnayan sa propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan. Pag-isipang abisuhan rin ang sinumang posibleng naapektuhan o nalantad, bukod pa sa mga kaukulang lokal na awtoridad.