Para matulungang mapatakbo nang maayos ang Airbnb at mabayaran ang mga serbisyo tulad ng 24/7 na customer support, sumisingil kami ng bayarin sa serbisyo kapag nakumpirma ang isang booking.
May 2 magkaibang uri ng bayarin para sa mga pamamalagi: ang pinaghahatiang bayarin at bayarin na para sa host lang.
Ito ang pinakakaraniwang uri. Pinaghahatian ito ng host at bisita.
Nagbabayad ng 3% bayarin ang karamihan ng mga host pero mas malaki ang binabayaran ng ilan, tulad ng ilang host na may mga listing sa Italy. Kinakalkula ang bayaring ito mula sa subtotal ng booking (kasama sa subtotal ng booking ang presyo kada gabi at anumang karagdagang bayarin na sinisingil ng host pero hindi kasama ang bayarin sa serbisyo ng bisita at buwis) at awtomatiko itong ikinakaltas sa payout ng host.
Mahahanap ang bayarin sa serbisyo ng bisita sa Mga detalye ng presyo bago ka mag‑book ng reserbasyon mo.
Tandaan: Simula noong Abril 1, 2024, sumisingil na kami ng karagdagang halaga sa bayarin sa serbisyo ng bisita para sa mga booking na gagawin sa ibang currency ayon sa mga detalye sa ibaba.
Wala pang 14.2% ng subtotal ng booking ang karamihan ng mga bayarin sa serbisyo ng bisita (kasama sa subtotal ng booking ang presyo kada gabi at anumang karagdagang bayarin na sinisingil ng host pero hindi kasama ang bayarin sa serbisyo ng bisita at buwis). Iba‑iba ang bayarin sa serbisyo ng bisita batay sa ilang salik at posibleng mas mataas o mas mababa ito depende sa reserbasyon. Mas maliit ang bayarin sa serbisyo ng bisita para sa mga pamamalaging 28 gabi o mas matagal pa.
Para sa mga reserbasyon kung saan nagbayad ang bisita gamit ang currency na hindi ang itinakda ng host para sa listing niya, ina‑adjust namin ang mga bayarin para matugunan ang bentaheng naihahatid namin sa mga bisita. Para sa mga ganitong reserbasyon na gumagamit ng ibang currency, may idaragdag na halaga sa bayarin sa serbisyo ng bisita, kaya puwedeng umabot sa 16.5% ng subtotal ng booking ang bayarin sa serbisyo ng bisita.
Sa ganitong uri, ikakaltas sa payout ng host ang buong bayarin. Karaniwang 14–16% ito pero posibleng mas malaki ang kailangang bayaran ng mga host na may Sobrang Higpit na patakaran sa pagkansela at mas maliit ang bayarin para sa mga pamamalaging 28 gabi o mas matagal pa.
Mandatoryo ang bayaring ito para sa mga tradisyonal na listing ng hospitalidad tulad ng mga hotel, serviced apartment, atbp., at mga host na may nakakonektang software (maliban na lang kung nasa USA, Canada, Bahamas, Mexico, Argentina, Taiwan, o Uruguay ang karamihan ng mga listing nila).
Depende sa mga batas sa nasasakupang distrito, posibleng may nalalapat na VAT sa mga bayarin sa itaas. Kasama na ang VAT sa bayarin sa serbisyo kapag naaangkop.
May karapatan kaming baguhin ang aming mga bayarin sa serbisyo kahit kailan, at gagawin ang anumang pagbabago alinsunod sa aming Mga Tuntunin ng Serbisyo.