Hindi pinapahintulutan ang mga host na mangolekta ng anumang bayarin na may kaugnayan sa mga reserbasyon sa Airbnb sa labas ng aming platform, maliban na lang kung malinaw naming pinapahintulutan.
Sa mga limitadong sitwasyon, maaaring pahintulutan ng Airbnb ang mga host na nakakonekta sa software na mangolekta ng ilang partikular na mandatoryong bayarin gamit ang paraan ng pagbabayad sa labas ng Airbnb - hangga 't kasama ang mga ito sa detalye ng presyo ng listing sa pag - check out. Kabilang sa mga halimbawa ng mga bayaring ito ang: mga bayarin sa resort (kabilang ang gastos ng mga amenidad tulad ng pool, gym, o wifi), mga bayarin sa utility, at mga bayarin sa HOA.
Puwede ring maningil ang mga hotel sa labas ng platform ng Airbnb para sa mga opsyonal na bayarin kapag bahagi ito ng mga karaniwang gawain sa negosyo (hal.: paradahan). Dapat singilin ng iba pang host ang mga opsyonal na bayarin gamit ang Resolution Center.
Sa mga lokasyon kung saan hindi nangongolekta ng buwis ang Airbnb o kung saan kinakailangan ng mga host na direkta itong kolektahin sa mga bisita, maaaring mangolekta ang mga host ng mga nailahad na buwis sa labas ng Airbnb.
Hindi puwedeng maningil ng mga panseguridad na deposito ang karamihan sa mga host. Para matugunan ang pinsala o aksidente na mangyayari sa panahon ng pamamalagi, nag‑aalok ang Airbnb ng kumpletong proteksyon sa pamamagitan ng AirCover para sa mga Host.
Para sa maliit na bilang ng mga listing kung saan pinapahintulutan ang mga panseguridad na deposito na kolektahin sa labas ng platform ng Airbnb, dapat ihayag ng mga host ang mga ito sa naaangkop na patlang ng bayarin.
Puwede ring humiling ang mga hotel ng deposito ng credit card o cash sa pag - check in para sa mga insidente bilang bahagi ng kanilang mga karaniwang pamamaraan, pero dapat itong ihayag sa paglalarawan ng listing.