Ang Airbnb ay para sa lahat

Narito kung paano kami gumagawa ng mas naaangkop na Airbnb

Narito kung paano kami gumagawa ng mas naaangkop na Airbnb

Kung ano ang ginagawa namin

Nais naming gawin na mas inclusive ang pagbibiyahe at naaangkop para sa lahat. Hindi pa tapos ang gawaing ito, pero narito ang nagagawa pa lang namin sa ngayon.

Nais naming gawin na mas inclusive ang pagbibiyahe at naaangkop para sa lahat. Hindi pa tapos ang gawaing ito, pero narito ang nagagawa pa lang namin sa ngayon.

Pinahusay na katumpakan

Umaasa sa mga litrato ang mga bisitang hirap kumilos para masigurong magiging angkop sa kanila ang isang listing. Iyon ang dahilan kung bakit hinihiling namin na magbigay ang mga host ng mga litrato ng bawat accessibility feature na mayroon sila, at ito ang dahilan kung bakit ang mga listing ay may espesyal na seksyon na nakatuon para ipakita ang mga litratong ito.

Mga pamantayan sa digital na pag-access

Nagsisikap kami para magkaroon ng pamantayan sa digital accessibility na inilatag ng [Mga Alituntunin sa Pag-access sa Nilalaman ng Web] (https://www.w3.org/WAI/standards-guidelines/wcag/). Namumuhunan din kami sa mga awtomatikong testing tool para tulungan kaming mahuli ang mas maraming isyu.

Higit pang listing na may mga accessibility feature

Nagsisikap kaming makakuha ng mas marami pang listing na may accessibility feature sa Airbnb, at pinapadali namin ang mga ito sa pamamagitan ng pagpapabuti sa aming mga feature sa paghahanap, kabilang ang mas madaling magamit na mga filter at mas mahusay na mga litrato sa page ng mga resulta ng paghahanap.

Mga naaangkop na karanasan

Paparating na ang mas madaling ma-access na [mga karanasan sa Airbnb] (https://www.airbnb.com/help/article/1581/what-are-experiences) - mga natatanging aktibidad na hino-host ng mga lokal na eksperto.

Mga tip para sa mga bisita

Alam namin na maaaring maging mahirap ang paghahanap ng lugar na matutuluyan o karanasan na puwedeng i-book na nakakatugon sa iyong mga pangangailangan. Narito ang ilang tip para siguraduhin na magiging maayos hangga't maaari ang iyong mga biyahe.

Maghanap ng tamang lugar

Gamitin ang mga filter ng paghahanap para ipakita lamang ang mga lugar o karanasan na nakakatugon sa iyong mga pangangailangan sa accessibility. Kapag nakakita ka na ng ilang listing, tingnan ang seksyong "Mga accessibility feature" ng bawat listing para sa mga litrato at paglalarawan ng mga feature na mahalaga sa iyo.

Makipag-usap sa mga potensyal na host

Kung mayroon kang anumang natatanging alalahanin, siguraduhing magpadala ng mensahe sa host bago ka mag-book para matiyak na maaari ka nilang mapaunlakan. Maaari kang magpadala ng mensahe sa mga potensyal na host mula sa link na "Makipag-ugnayan sa host" na nasa kanilang listing o page ng karanasan.

Tulungan ang iba pang bisita

Anong gusto mong malaman bago ka mag-book? Ipaalam sa mga bisita na may pangangailangan sa mobility kung ano ang aasahan sa pamamagitan ng pagsulat ng isang detalyadong review.

Mga tip para sa mga host

Narito ang ilang paraan na maaari mong suportahan ang mga bisita na may kapansanan

Narito ang ilang paraan na maaari mong suportahan ang mga bisita na may kapansanan

Gawing mas naaangkop ang iyong listing

Maaaring hindi mo alam na mayroon nang mga accessibility feature ang iyong listing—tulad ng malalawak na pintuan o sobrang espasyo sa paligid ng banyo — o maaari kang magdagdag ng ilan sa mga feature na ito nang walang labis na pagsisikap o gastos. [Alamin kung paano mo masusuportahan ang mga bisita na may pangangailangan sa mobility] (https://www.airbnb.com/help/article/1962/how-can-i-support-guests-with-disabilities).

Magdagdag ng mga litrato ng accessibility

Magdagdag ka ng mga litrato ng iyong mga accessibility feature para ipakita ang iyong tuluyan sa 70,000+ bisita na may mga pangangailangan para madaling makakilos na naghahanap sa Airbnb bawat buwan. Para magsimula, pumunta sa [Pangasiwaan ang Iyong Tuluyan] (/hosting/listing) para sa listing na gusto mong dagdagan ng accessibility feature. Siguraduhing sumulat ng mga caption para sa bawat litrato at suriin ang [aming mga tip sa litrato] (https://community.withairbnb.com/t5/Airbnb-Updates/Photography-tips-showcase-accessibility-features-and-stand-out/ba-p/870832).

Alamin ang tungkol sa mga gabay na hayop

Ang mga gabay na hayop ay tumutulong sa mga taong may iba't ibang uri ng kapansanan, at ang Airbnb ay may mga patakaran na pinahihintulutan sila sa karamihan ng mga sitwasyon. [Alamin kung paano suportahan ang mga bisita na may mga gabay na hayop] (https://www.airbnb.com/help/article/1869).

Accessibility sa Airbnb

Mga nakatuon na team

Ang Airbnb ay may mga team na nakatuon sa pagtulong sa pagbuo ng mga produktong magagamit ng lahat. Ang mga inhinyero at taga-disenyo sa mga team na ito ay nagtatrabaho para mapagbuti ang mga sistema ng disenyo ng Airbnb at turuan ang kanilang mga miyembro habang natututo kami mula sa aming komunidad.

Kasalukuyang pananaliksik

Nagsasagawa kami ng pananaliksik sa mga taong may mga kapansanan at regular na nakikipagtulungan sa mga eksperto sa komunidad ng accessibility para matulungan kaming buuin ang Airbnb na may pagsasaalang-alang sa accessibility.

Maging bahagi

Narito kung paano ka makakatulong na gawing mas naaangkop na platform ang Airbnb

Narito kung paano ka makakatulong na gawing mas naaangkop na platform ang Airbnb

Makilahok sa pananaliksik

Palagi kaming naghahanap ng feedback sa aming mga produkto at serbisyo. Mag-sign up parag maisama sa aming listahan ng contact sa pananaliksik sa accessibility.

Maging host

Kung mayroon kang tuluyan o lugar na may mga accessibility feature, ikalulugod naming maging host ka sa Airbnb.

Kumuha ng libreng pagpapalitrato ng listing

Nag-aalok kami ng libreng propesyonal na photography para sa mga naangkop na listing sa London, Los Angeles, Miami, Orlando, Paris, at Sydney. Kung ang iyong listing ay nasa isa sa mga lungsod na ito at may mga accessibility feature, magpadala ng email sa amin para sa karagdagang impormasyon.

Mga madalas itanong

Paano ko gagamitin ang mga filter sa paghahanap?

Gumamit ng mga filter ng paghahanap para paliitin ang iyong mga pagpipilian kapag naghahanap ng lugar na matutuluyan. Maaari mong gamitin ang mga filter na ito para ipakita lang ang mga listing na may ilang accessibility feature. [Matuto pa] (https://www.airbnb.com/help/article/479/how-do-i-use-search-filters)

Paano magdagdag ng mga accessibility feature sa aking listing?

Ang pagdaragdag ng mga accessibility feature sa iyong listing ay tumutulong sa mga bisita na magpasya kung maaari silang ligtas at kumportableng kumilos sa iyong tuluyan. [Matuto pa] (https://www.airbnb.com/help/article/1961/how-do-i-add-accessibility-features-to-my-listing)

Paano ko susuportahan ang mga bisitang may mga kapansanan?

Maaaring higit na angkop ang iyong tuluyan kaysa sa iyong iniisip. Simulan sa pamamagitan ng pagre-review sa aming listahan ng mga accessibility feature na maidaragdag mo sa iyong listing. [Matuto pa] (https://www.airbnb.com/help/article/1962/how-can-i-support-guests-with-disabilities)