Privacy
Sa Airbnb, gusto naming bumuo ng mundo kung saan tanggap ang kahit na sino kahit saan at ang paggawa ng komunidad na bukas, walang kinikilingan, at tiwala ang pundasyon ang unang hakbang para matupad iyon.
Pangunahing bahagi ng pagkuha sa tiwala ang paglilinaw sa kung paano namin ginagamit ang iyong impormasyon at pinoprotektahan ang iyong karapatan sa privacy bilang tao. Alam naming nakakangamba kapag ginagamit ng mga kompanya ang iyong impormasyon, kaya naman nagpatupad kami ng mahihigpit na patakaran at kasanayan na gumagalang sa iyong pisikal at digital na privacy.
Ang aming mga alituntunin sa privacy
Nakasaad ang aming paninindigan sa privacy sa isang pangkat ng mga alituntunin na nagsisilbing gabay namin sa pagpapasya habang patuloy naming sinisikap na makuha ang tiwala mo.
Para sa ikabubuti mo
Gumagamit kami ng datos para mapaganda ang iyong mga karanasan at mapanatili kang ligtas. Hindi namin ibinebenta ang iyong personal na datos kahit kanino.
Pagiging Malinaw
Nililinaw namin kung paano namin kinokolekta at ginagamit ang iyong personal na datos.
Kontrol
Ikaw ang may kontrol sa iyong personal na datos.
Seguridad
Pinoprotektahan namin ang personal na datos na ipinagkakatiwala mo sa amin sa pamamagitan ng mga maigting na hakbang na panseguridad.
Para sa mas detalyadong impormasyon tungkol sa datos na kinokolekta namin, kung paano namin ito ginagamit, at kung paano gamitin ang iyong mga karapatan bilang taong paksa ng datos, suriin ang aming patakaran sa privacy.