May malalim na responsibilidad ang Airbnb na paglingkuran ang komunidad nito, kabilang ang mga host, bisita, partner, at iba pang gumagamit o naaapektuhan ng platform at mga serbisyo namin. Bahagi ng paglilingkod sa komunidad ang pagprotekta sa mga trademark at brand namin. Ayaw naming malito ang komunidad o sinuman kung ineendorso, hinahawakan, pinapangasiwaan, o pinapahintulutan namin ang isang bagay. Binuo ang Mga Panuntunang ito para protektahan ang brand namin at para matulungan ka ring responsableng makapagbahagi tungkol sa Airbnb.
Bahagi ng Mga Tuntunin ng Serbisyo namin ang Mga Panuntunang ito. Sa pamamagitan ng paggamit sa anumang serbisyo ng Airbnb, kinukumpirma mong tinatanggap mo ang Mga Panuntunang ito, Mga Tuntunin ng Serbisyo namin, at iba pa naming patakaran.
Kasama sa mga trademark ng Airbnb ang pangalan ng Airbnb, logo ng Airbnb, logo ng Bélo, badge ng Superhost, at AirCover, pati na ang lahat ng salita, slogan, icon, logo, larawan, disenyo, at iba pang palatandaang tumutukoy sa Airbnb, mga kaugnay na entidad, o mga serbisyo o produkto nito. Nagsikap kami para masigurong de‑kalidad ang lahat ng ibinibigay namin sa iyo, at sinisimbolo ng mga brand namin ang mga pagsisikap na iyon. Kaya naman pinoprotektahan namin nang husto ang mga brand namin sa pamamagitan ng pagpaparehistro ng aming mga trademark at trade dress sa US at sa iba't ibang panig ng mundo.
HINDI mo maaaring gamitin ang logo ng Airbnb, logo ng Bélo, o anumang trademark, logo, o icon ng Airbnb maliban na lang kung may pormal na nakasulat na pahintulot ka mula sa naaangkop na pangnegosyo o legal na team ng Airbnb, Inc. Tanging pagbubukod dito ang mga paggamit ng “Airbnb” nang may limitasyon na nakadetalye sa Ika‑2 Seksyon sa ibaba.
Dapat gawin
HINDI dapat gawin
Mga halimbawa
Ayos! | Huwag ganito… |
Pinakamagandang Matutuluyan sa Isla na hatid ni Bob | Airbnbike |
Paglilinis sa Matutuluyan na hatid ni Red | Sunbnb o Sun Bnb |
Bakasyunan sa Isla na hatid ni Anna | Guro sa BNB |
rentmyskihaus.com | Bikebandb o Bikeb&b |
Mga Magagamit na Bisikleta at Matutuluyan | nicebnb.com |
STR Management Co | airmansion |
Maaari mong banggitin ang Airbnb (ang kompanya) o gamitin ang “Airbnb” para makatotohanang ilarawan ang iniaalok mo. Kung ganito ka, palaging sundin ang mga panuntunang ito:
Dapat gawin
HINDI dapat gawin
Dapat gawin
HINDI dapat gawin
Mga halimbawa
Tama: Makatotohanan at naglalarawan | Mali: Nakakalito at mapanlinlang |
Isa kaming kompanyang nangangasiwa ng mga property na eksperto sa pamamahala ng mga listing sa Airbnb | Isa kaming Kompanyang Tagapangasiwa ng Airbnb |
Nagbibigay kami ng mga propesyonal na serbisyo sa paglilinis para sa mga property sa Airbnb | Mga propesyonal na serbisyo sa paglilinis ng Airbnb |
Mga tip ko para sa gustong maging Airbnb host | Programa ng Paggabay ng Airbnb |
Nasasabik na akong maging Airbnb host | Ie-Airbnb namin ang bahay namin |
Nag‑apply ako sa trabaho sa Airbnb | In‑Airbnb namin ang magandang bahay na ito |
Grupo sa social media para sa mga Airbnb host | Grupo ng mga host sa [lungsod/bansa] ng Airbnb |
Kung gusto mong i‑advertise ang iyong kompanyang nangangasiwa ng mga panandaliang matutuluyan, nalalapat din sa iyo ang mga panuntunan sa itaas. Tandaan ding hindi mo dapat tawaging “Kompanyang Tagapangasiwa ng Airbnb” ang kompanya mo o ipahayag na may “eksklusibong relasyon” ito sa Airbnb. Malamang na malito ang mga user at maisip nilang affiliated ka sa Airbnb. Puwede mong banggiting nangangasiwa o nagseserbisyo ka ng mga tuluyan na naka‑list sa Airbnb, pero hindi dapat Airbnb ang sentro ng website mo o ng iba mo pang pang‑advertise na materyal.
Kung may website ka, dapat kang maglagay roon ng madaling mapansing pahayag na gaya ng “Ang [pangalan ng kompanya mo] ay isang independiyenteng third party. Hindi ito ineendorso ng o nauugnay sa Airbnb, Inc. o mga affiliate nito.” Kung may pangkalkula ng kita, form sa pakikipag‑ugnayan, o anupamang nakuhang datos ng user sa website mo, ilagay nang madaling mapapansin ang pagtatatuwa sa ilalim ng CTA button.
Kailangan ng mga partner ng nakasulat na pahintulot na gamitin ang mga trademark namin. Kung may pahintulot kang gamitin ang mga trademark namin, kailangan mong sumunod sa mga pinakabagong panuntunan ng brand na mula sa taong kausap mo sa Airbnb na makakasagot sa anumang tanong tungkol sa mga ito o sa mga karagdagang panuntunan.