Sa pagho‑host sa Airbnb, kinukumpirma mong susunod ka sa mga tuntunin at patakaran namin, maging sa aming Mga Tuntunin ng Serbisyo, na karapatan naming ipatupad sa sarili naming pagpapasya. Kung sakaling may paulit‑ulit o matinding paglabag, puwede kaming magsuspinde o permanenteng mag‑deactivate ng listing o account ng user. Para maprotektahan ang komunidad natin, ipinagbabawal namin ang mga sumusunod na gawain na nakalista sa ibaba.
Kasama rito ang:
Kasama rito ang:
Sa mga lokasyon kung saan hindi nangongolekta ng buwis ang Airbnb o kung saan kinakailangan ng mga host na direkta itong kolektahin sa mga bisita ayon sa batas, dapat ilahad ng mga host sa paglalarawan ng listing ang mga buwis.
Ipinagbabawal ang paghiling, pagpapadala, o pagtanggap ng mga bayad sa labas ng Airbnb. Kasama rito ang gastos sa reserbasyon at mga bayarin kaugnay ng reserbasyon (hal., opsyonal na bayarin para painitin ang pool).
Kasama rito ang:
Hindi ka puwedeng humingi ng review mula sa mga bisita para sa pamamalagi sa Airbnb sa website na hindi Airbnb o magpasagot ng survey tungkol sa pamamalagi sa Airbnb sa website na hindi Airbnb (gaya ng form na wala sa Airbnb) maliban kung naaprubahan ka na partner na hotel. Naipagkakait ng mga aksyong ito sa komunidad ng Airbnb ang mahalagang impormasyon tungkol sa pamamalagi ng bisita. Gusto naming ibahagi ng mga bisita nang direkta sa Airbnb ang feedback nila para makatulong sa iba pang bisita ang mga saloobin nila.
Kasama rito ang: