Kung magkaroon ka ng problema o isyu sa panahon ng pamamalagi mo
Idokumento ang isyu at padalhan ng mensahe ang iyong host
Tandaang mayroon kang 72 oras para mag‑ulat ng anumang isyu sa iyong host o sa Airbnb mula sa oras na malaman mo ang tungkol dito.
Narito kung paano maghanda:
- Idokumento ang isyu: Kung posible, kumuha ng mga litrato o video para idokumento ang mga isyu gaya ng kulang o sirang amenidad.
- Magpadala ng mensahe sa iyong host: Sa iyong host pinakamainam na makipag‑ugnayan kung magkakaroon ng anumang isyu sa pamamalagi mo. Malamang na matutulungan ka niyang ayusin ang isyu. Puwede kang direktang magpadala ng mensahe sa iyong host mula sa inbox mo para ipaalam sa kanya kung ano ang nangyayari.
- Humiling ng refund: Kung kailangan mong humiling ng refund dahil sa isyu, may mas mataas na posibilidad na tanggapin ng iyong host ang kahilingan mo kung magkakasundo muna kayo sa halaga. Magpadala ng kahilingan sa iyong host para sa refund sa Resolution Center at ibigay ang mga detalye ng isyu kasama ang mga litrato o video.
Humingi ng tulong sa Airbnb
Bagama't gusto naming direktang ayusin ng mga host at bisita ang mga bagay-bagay kung magagawa nila, alam naming hindi ito palaging posible. Kung hindi malulutas ng iyong host ang isyu, hindi siya tutugon man lang, o tatanggihan niya ang kahilingan mo sa refund, ipaalam lang ito sa amin. I‑click o i‑tap ang Humingi ng Tulong mula sa page ng reserbasyon. Isang miyembro ng aming team ang mamamagitan at tutulong na lutasin ang isyu.
Kung mapag-aalaman naming isa itong isyu na nasasaklawan ng AirCover para sa mga bisita, tutulungan ka naming makahanap ng katulad na lugar, depende kung may available sa kalapit na presyo. Kung walang available na katulad na tuluyan o ayaw mong muling mag‑book, bibigyan ka namin ng buo o bahagyang refund.
Tandaan: Kung may emergency o banta sa iyong kaligtasan, agad na makipag-ugnayan sa lokal na pulisya o sa mga serbisyong pang-emergency. Kung hindi ka pamilyar sa mga numero ng telepono ng mga lokal na serbisyong pang-emergency, mahahanap mo ang mga ito sa Safety Center sa Airbnb app. Para sa mga alalahaning nauugnay sa pagpapagamit ng tuluyan sa iyong komunidad, makipag‑ugnayan sa aming team ng Suporta sa Kapitbahayan. Para sa anupamang isyu sa kaligtasan, maaabot mo kami anumang oras sa pamamagitan ng aming nakatalagang linyang pangkaligtasan na madudulugan anumang oras. Makipag‑ugnayan sa amin sa pamamagitan ng telepono, email, o chat.
Mga kaugnay na artikulo
- Bisita
AirCover para sa mga bisita
May AirCover para sa mga bisita sa bawat booking. Kung may malubhang isyu sa Airbnb mo na hindi maaayos ng host, tutulungan ka naming makaha… - Bisita
Pagkansela sa panahon ng iyong pamamalagi
Makakatulong ang aming Patakaran sa Muling Pagbu-book at Pag-refund kapag hindi naaayon sa inaasahan mo ang listing o mga amenidad. - Bisita
Patakaran sa Muling Pagbu-book at Pag-refund
Basahin ang Patakaran sa Muling Pagbu-book at Pag-refund.