
Ang tuluyan mo para sa FIFA World Cup
Saan ka man dalhin ng palaro, may mga pambihirang lugar na matutuluyan at puwedeng gawin.


Maghanap ng magandang matutuluyan
Canada
Mexico
USA
Tuklasin din ang nasa labas ng stadium
Punuin ng mga awtentikong karanasan at lokal na aktibidad ang biyahe mo.
Sagot sa mga tanong mo
Paano ako makakahanap ng lugar na matutuluyan na malapit sa stadium ng World Cup?
Magsimula sa pagpili ng host na lungsod sa page na ito. Dadalhin ka sa mapa ng mga lokasyon ng stadium at kalapit na listing. Binabanggit ng maraming host sa mga detalye ng listing nila kung gaano kalapit lakarin ang mga stadium o ang distansya nila sa mga iyon. Siguraduhing tingnan iyon bago mag-book.
Mainam ba ang Airbnb para sa biyahe kasama ang mga kaibigan o kapamilya?
Oo! Mas marami kayong espasyo ng grupo mo para mag-relax, magluto, at magsama-sama kapag nag-book ng buong property. Puwede kang gumamit ng mga filter para maghanap ng mga listing na may naaangkop na bilang ng kuwarto at banyo. Magagamit din ang filter para makita ang maximum na bilang ng bisita para masiguradong may matutulugan ang lahat.
Paano ko mapipili ang pinakamagandang Airbnb?
Maghanap ng mga listing na minarkahan bilang Paborito ng Bisita. Ito ang mga pinakagustong tuluyan sa Airbnb na pinili dahil sa rating, review, at pagkamaaasahan. Siguraduhing tingnan ang mga review ng bisita, litrato ng listing, at amenidad para mahanap ang tuluyan na pinakaangkop sa mga pangangailangan mo.
Paano kung kailangan kong baguhin o kanselahin ang reserbasyon ko?
Maraming listing ang nag‑aalok ng flexible na pagkansela para madali kang makapag‑book sa iba sakaling magbago ang iskedyul mo. Puwede mong i-filter ang paghahanap para makita lang ang mga listing na may mga flexible na opsyon.
Paano ako makakahingi ng suporta kung kailangan ko ng tulong sa panahon ng pamamalagi ko?
Available nang 24/7 ang support team ng Airbnb, nasaan ka man sa mundo. Puwede kang makipag-ugnayan sa kanila sa app, website, o telepono.





















