Insurance sa biyahe

Kapanatagan ng isip sa buong pamamalagi mo

Simulan ang susunod mong paglalakbay nang may katiyakang protektado ka sa mga hindi inaasahang pangyayari sa buhay.
May babaeng nakatayo sa outdoor deck ng modernong tuluyan na itinayo sa gilid ng burol. May hawak siyang tasa ng kape malapit sa dibdib niya at nakatingin siya sa isang hindi kilalang tanawin. May mayabong na kagubatan sa gilid ng burol at sa paligid ng tuluyan.
Kumuha ng impormasyon tungkol sa kung saan available ang insurance sa biyahe.

Protektahan ang mga plano mo mula sa mga hindi inaasahang pangyayari

Pagsaklaw para sa biyahe, mga gamit, at kalusugan mo.

Kung naaapektuhan ng mga emergency o pagkaantala ang mga plano mo sa pagbiyahe

Maibabalik ang nagastos para sa mga saklaw na pagkaudlot o pagkansela ng biyahe.

Kapag naantala, nasira, o nawawala ang mga bagahe mo

Gamitin ang pagsaklaw para sa mga kapalit o pagrenta ng kagamitan.

Kung may magkasakit o magtamo ng pinsala sa grupo mo sa biyahe

Makakatulong ang pagsaklaw para makuha mo ang pangangalagang medikal na kailangan mo.
Ginagarantiyahan ng Generali at ibinebenta ng Airbnb Insurance Agency LLC ang produkto.
Pinagkakatiwalaan ng mga biyahero ng Airbnb sa iba't ibang panig ng mundo

Mahigit 10 milyong biyahe ang nasaklawMahigit 30 milyong bisita ang naprotektahan

Kulay abong background

Magdagdag ng insurance sa biyahe mo

Para sa susunod mong pamamalagi

Makikita mo ang insurance sa biyahe at mga serbisyong pantulong sa page ng pag‑check out kung kwalipikado ang pamamalagi mo. Magiging available ang higit pang detalye bago ang pagbili, kabilang ang mga pagsaklaw at halaga.

Kung nakapag-book ka na

Puwede kang magdagdag ng insurance sa biyahe pagkatapos mag‑book kung kwalipikado ang biyahe mo. Hanapin lang ang button na Idagdag sa biyahe mo sa page ng mga detalye ng reserbasyon mo.

Sagot sa mga tanong mo

Mga tampok na pagsaklaw

Kung naaapektuhan ng mga emergency o pagkaantala ang mga plano mo sa pagbiyahe

Pagkansela ng biyaheMagkaroon ng proteksyon para sa gastos mo sa biyahe. Puwedeng maibalik ang hanggang 100% ng halaga ng reserbasyon mo sa Airbnb kung kailangan mong kanselahin ang biyahe mo dahil sa mga saklaw na dahilan tulad ng mga natural na sakuna, sakit, o pinsala. Pagkaantala ng biyaheHindi kailangang masira ang mga plano mo dahil sa matagal na paghihintay. Makakuha ng pagbabalik ng nagastos para sa mga pagkain, tuluyan, at iba pang pangunahing pangangailangan kung naantala ang biyahe mo dahil sa saklaw na dahilan.Pagkaudlot ng biyaheKung kailangan mong paikliin ang biyahe mo dahil sa mga saklaw na dahilan tulad ng pagkakasakit o mga nakanselang flight, puwede kang makakuha ng pagbabalik ng nagastos para sa mga gabing hindi ka puwedeng mamalagi sa listing mo sa Airbnb at mga karagdagang gastos sa transportasyon.

Kapag naantala, nasira, o nawawala ang mga bagahe mo

Pagkaantala o pagkawala ng bagaheKung masira o mawala ang bagahe, maibabalik ang nagastos mo at makakapagpatuloy ka sa pagbiyahe. Saklaw ang mga gamit tulad ng damit at mga gamit sa banyo kapag naantala ang mga bagahe nang isang araw o higit pa, kaya hindi ka maghihintay nang wala ang mga pangunahing kailangan mo.Pagkaantala o pagkawala ng kagamitan sa sportsHindi mo kailangang baguhin ang iskedyul mo kung mawawala ang kagamitan mo. Makakuha ng pagbabalik ng nagastos para sa mga gastos sa pagrenta o kapalit kung nasira, ninakaw, o nawala ang kagamitan mo sa sports.

Kung may magkasakit o magtamo ng pinsala sa grupo mo sa biyahe

MedikalKung magkasakit o magtamo ka ng pinsala sa biyahe, makakatulong ang pagsaklaw para sa mga serbisyong medikal na iniutos ng doktor para makatuon ka sa pangangalagang kailangan mo.Pang-emergency na transportasyonMay pagsaklaw para sa mga dagdag na gastos na may kaugnayan sa pinsala o sakit sa biyahe mo, tulad ng medikal na paglikas, transportasyon papunta sa ospital o bahay, o matutuluyan.Mga serbisyong pantulongMakakuha ng suporta sa paghahanap ng doktor, paghahanap ng botika, o kahit pag-access sa telehealth habang bumibiyahe ka.

Sumangguni sa Help Center para sa mga karagdagang tuntunin, kondisyon, at limitasyon.

Ginagarantiyahan ng Generali US Branch at inihahatid ng Airbnb Insurance Agency LLC na may numero ng lisensya sa California na 6001912 ang mga polisa ng insurance sa biyahe at mga serbisyong pantulong para sa mga bisita ng Airbnb na nakatira sa United States. Higit pang impormasyon