Kilalanin ang Airbnb

Maligayang pagdating sa komunidad ng pagbibiyahe ng Airbnb. Saan ka man pumunta, mayroon kaming lugar para sa iyo.

Isang lugar na matutuluyan para sa bawat biyahe

Naghahanap ka man ng isang bahay sa puno para sa katapusan ng linggo o isang buong tuluyan para sa buong pamilya, naghihintay ang isang mainit na pagtanggap. Sa likod ng bawat pamamalagi ay isang tunay na tao na nakakapagbigay sa iyo ng mga detalyeng kailangan mo para mag-check in at maging palagay ang loob sa tinutuluyan.

Tuklasin ang mga paraan sa pamamalagi

Mga pambihirang karanasan

Ang mga Karanasan sa Airbnb ay hindi ang iyong pangkaraniwang tour. Nasa biyahe ka man, tinutuklas ang iyong sariling lungsod, o nananatili sa bahay, matuto ng isang bagong bagay mula sa isang ekspertong host. Pumili mula sa pag-aaral ng sayaw, paggawa ng pasta — maging yoga kasama ang mga kambing.

Tuklasin ang mga karanasan

Mga simpleng hakbang upang makapagsimula

I-filter hanggang sa naaangkop sa iyo

I-personalize ang iyong paghahanap gamit ang mga filter - tulad ng saklaw na presyo o isang pool - upang makuha ang eksaktong gusto mo.

Alamin ang mga detalye

Tingnan ang mga larawan. Pagkatapos, basahin ang mga review ng mga bisita mula sa mga nakaraang reserbasyon upang malaman kung ano ito sa personal.

Mag-book nang panatag ang kalooban

Pinapanatili naming ligtas ang iyong impormasyon at sinusunod ang mga pandaigdigang pamantayan sa seguridad upang maproseso ang iyong mga pagbabayad.

Dumating at magsaya!

Kung mayroon kang anumang mga katanungan, magpadala lang ng mensahe sa iyong host. Maaari din silang mag-alok ng mga lokal na tip at payo.

Ano ang naiiba sa Airbnb?

Isang pandaigdigang komunidad sa pagbibiyahe

Available ang Airbnb sa 191+ bansa, at ang aming mga Pamantayan ng Komunidad ay tumutulong na maitaguyod ang kaligtasan at pagiging tanggap ng lahat.

Mga host na tunay na nagmamalasakit

Mula sa mga tahanan hanggang sa mga hotel, ang mga host ay abala sa mga bagay na makakapagparamdam sa iyo na malugod kang tinatanggap kahit saan ka magpunta.

Nandito kami para sa iyo - araw o gabi

Available sa 11 iba't ibang wika ang aming 24/7 na pandaigdigang suporta at handang tumulong nasaan ka man.

Ang bawat biyahe ay nasasaklaw ng Airbnb

Sinasaklaw ng Patakaran sa Pag-refund sa Bisita ang maraming isyu sa pagbibiyahe, at muli ka naming ibu-book o magre-refund kami sa iyo kung may maganap na anuman sa mga ito.

Mga karaniwang tanong

Ano ang ginagawa ng Airbnb tungkol sa COVID-19?

Kunin ang pinakabagong impormasyon sa aming tugon sa COVID-19 at mga sanggunian para sa mga bisita, kabilang ang mga update sa patakaran, mga paghihigpit sa pagbibiyahe, pleksibleng mga opsyon sa pagbibiyahe, at marami pa. Matuto pa

Kaya, ano talaga ang isang host?

Ang mga host ang gumagawa sa Airbnb na maging bukod-tangi. Sa likod ng bawat pamamalagi ay isang tunay na tao na nakakapagbigay sa iyo ng mga detalyeng kailangan mo para mag-check in at maging palagay ang loob sa tinutuluyan. Matuto pa

Anong impormasyon ang kailangan kong ibigay kapag magbu-book ako?

Bago mag-book sa Airbnb, hinihiling namin ang ilang impormasyon sa lahat ng gumagamit ng Airbnb, tulad ng iyong buong pangalan, email address, numero ng telepono, at mga detalye sa pagbabayad. Matuto pa

Paano ako magbabayad para sa aking reserbasyon?

Huwag kailanman magbayad sa labas ng Airbnb. Laging mag-book at magbayad para sa iyong reserbasyon nang direkta sa pamamagitan ng Airbnb. Sa ganoong paraan mapoprotektahan ka ng aming Mga Tuntunin ng Serbisyo sa mga Pagbabayad. Matuto pa

Mayroon ka bang anumang karagdagang mga tip para sa ligtas na pagbibiyahe?

Mayroong ilang bagay na maaari mong gawin kapag nagbu-book sa Airbnb, tulad ng pagbabasa ng mga review mula sa mga nakaraang reserbasyon, pakikipag-ugnay at pagbabayad nang direkta sa pamamagitan ng Airbnb, at marami pang iba. Matuto pa

Tulong! Paano kung kailangan kong magkansela?

Kung kailangan mong magkansela dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari na wala sa iyong kontrol, maaari ka naming mabigyan ng isang refund o ma-waive ang mga penalty sa pagkansela. Matuto pa

Nakatulong ba ang impormasyong ito? ·