Lumaktaw sa nilalaman
    Mag-navigate pasulong para ma-access ang mga iminumungkahing resulta
    Update tungkol sa COVID-19
    Para mahanap ang mga opsyon sa pagkansela at pag-refund, pumili ng reserbasyon sa page na Mga Biyahe. Sa ilang partikular na reserbasyon lang nalalapat ang aming patakaran sa mga hindi inaasahang pangyayari. Nagbibigay kami ng mga update sa ika-1 at ika-15 araw ng bawat buwan.

    Paano ako magbu-book ng tuluyan sa Airbnb?

    Kapag nag-book ka ng matutuluyan sa Airbnb, nakikipag-ayos ka ng pamamalagi sa tuluyan ng isang tao. May kani-kaniyang sariling estilo ng hospitalidad ang bawat host, mula sa kung paano nila gustong makilala ang kanilang mga bisita. May ilang host na gustong aprubahan muna ang mga reserbasyon, habang komportable naman ang iba na hayaan kang mag-book agad ng kanilang tuluyan nang hindi na maghihintay ng pag-apruba.

    1. Kumpletuhin ang Iyong Profile

    Sa alinmang kaso, mahalagang malaman na isang komunidad na umaasa sa pagtitiwala ang Airbnb. Kumpletuhin ang iyong profile bago humiling ng reserbasyon sa host, para makilala ka pa nila nang kaunti kapag sila'y nagkumpirma. Dapat may kasamang mga litrato at mga beripikasyon ang iyong profile, lalo na't hinahanapan ng ilang mga host ang mga bisita na magkaroon ng litrato sa profile o beripikadong ID para magpa-book.

    2. Hanapin ang Tamang Lugar

    Sa may mahigit sa 800,000 walang-katulad na mga listing sa buong mundo, nanaisin mong matiyak na taglay ng lugar na pinili mo ang lahat ng kailangan mo para sa isang komportable at di-malilimutang biyahe.

    Kapag naghahanap ng lugar, siguraduhing isama ang iyong mga petsa at bilang ng mga bisita para makuha ang pinakatumpak na presyo. Basahin ang mga review, paglalarawan, mga alituntunin sa tuluyan, at mga amenidad para sa bawat matutuluyan para makita kung ito ang pinakaangkop para sa iyong biyahe. Maaari kang makipag-ugnayan host kung mayroon kang anumang katanungan tungkol sa kanilang patuluyan.

    3. I-book Ito!

    Natagpuan mo na ang perpektong matutuluyan, at oras na ngayon para gawin itong opisyal. Dito matutukoy ng piniling paraan ng host sa booking kung paano mo makukumpirma ang iyong reserbasyon.

    • Madaliang Pag-book

      Para sa mga host na hindi gustong aprubahan ang bawat reserbasyon, makakakita ka ng button sa kanilang listing na ang nakalagay ay Madaliang Pag-book. Tulad ng ipinahihiwatig ng pangalan, maaari mong kumpirmahin kaagad ang reserbasyon sa mga matutuluyang ito. Matuto pa tungkol sa Madaliang Pag-book.

    • Hilingin na I-book

      Mas pinipili ng maraming host na aprubahan ang mga reserbasyon bago gawing pinal ang mga ito. Sa kasong ito, makikita mo ang button sa kanilang listing na nagsasabing Hilingin na I-book. Para makapagsumite ng kahilingan sa reserbasyon, kakailanganin mong ilagay ang mga detalye sa iyong pagbabayad. May 24 na oras ang mga host para tanggapin ang iyong kahilingan, at awtomatikong makukumpirma ang iyong reserbasyon sa sandaling gawin nila ito. Matuto pa tungkol sa pagsusumite ng kahilingan sa reserbasyon.

    • Mga Paunang Pag-apruba at Mga Espesyal na Alok

      Kung nagpasya kang tawagan ang host para magtanong bago subukang mag-book, maaaring tumugon ang host sa iyong mensahe sa pamamagitan ng pag-imbita sa iyo na gumawa ng reserbasyon gamit ang paunang pag-apruba o Espesyal na Alok. Isang imbitasyon ang paunang pag-apruba para tapusin ang booking para sa mga petsa at bilang ng mga bisita na binanggit mo sa iyong mensahe. Nagbibigay sa host ang Espesyal na Alok ng pagkakataon na makapagbigay ng mga espesyal na pagpepresyo, petsa, at iba pang mga detalye ng reserbasyon bago ka mag-book. Matuto pa tungkol sa pagpapa-book ng paunang pag-apruba o Espesyal na Alok.

    Mga kaugnay na artikulo
    Natanggap mo ba ang tulong na kailangan mo?