Tulong para sa mga wildfire sa Los Angeles 


Nakapagbigay kami ng matutuluyan sa mahigit 22,000 katao na naapektuhan ng mga wildfire at patuloy kaming nag‑aalok ng suporta.

Tulong para sa mga wildfire sa Los Angeles 


Nakapagbigay kami ng matutuluyan sa mahigit 22,000 katao na naapektuhan ng mga wildfire at patuloy kaming nag‑aalok ng suporta.

Bird's eye view ng isang kapitbahayan sa Altadena na may mga tuluyang nawasak ng mga wildfire, isang puno ng palma, at mga bundok sa malayo.

Dahil sa mga wildfire na nagsimula noong Enero 7, 2025 sa Los Angeles, mahigit 200,000 tao ang nawalan ng tirahan at 29 na tao ang namatay. Nasunog ang mahigit 12,000 istruktura at nawasak ang maraming kapitbahayan.

Patuloy na suporta

Nakaluhod ang lalaking nakasuot ng salamin at asul na kamiseta

Humingi ng tulong

Nakipagtulungan kami sa 211 LA para makapagbigay ng libreng pang-emergency na matutuluyan. Punan ang form ng paggamit ng 211 LA para mag-apply.

Dalawang tao ang nakatayo sa pasukan ng bahay. Nakasuot ng kulay gray na bestida ang isa at nakasuot ng kulay orange na sweater at itim na pantalon ang isa pa.

Magbigay ng lugar na matutuluyan

I‑list ang patuluyan mo nang may diskuwentong presyo para sa mga taong nangangailangan ng tulong.

Ang naidulot naming epekto

Pagkasimula pa lang ng mga wildfire, nakipagtulungan na ang Airbnb.org sa nonprofit na 211 LA para mag‑alok ng libreng pang‑emergency na matutuluyan sa mga taong naapektuhan. 
Nabigyan namin ng matutuluyan ang una naming bisita sa loob ng 24 na oras at nakapagbigay kami ng pang‑emergency na matutuluyan para sa mahigit 22,000 katao.

Datos ng mapa mula Enero 9 hanggang Marso 2, 2025

Gusto ng mga tao na manatiling malapit sa bahay nila at mag-book ng mga Airbnb malapit sa pangunahin nilang tirahan, sa ganitong paraan ay masisiguro nilang nakakapasok pa rin sa paaralan ang mga bata, malapit pa rin sila sa trabaho, at magagawa pa rin nilang makibahagi sa lokal na komunidad.

22,000

Mga bisitang nabigyan ng matutuluyan

2,300

Mga alagang hayop na nabigyan ng matutuluyan

1,000

Mga first responder na nabigyan ng matutuluyan

Mga kuwento ng host at bisita

Sa pagbangon, patuloy na magtutulungan ang mga lokal na komunidad.

Mga Madalas Itanong

Matuto pa tungkol sa mga tugon namin

Kilalanin ang mga taong apektado ng mga kalamidad at ang mga taong tumulong.