Isang lugar na matatawag na tahanan

Gagamitin ang 100% ng donasyon mo para pondohan ang pang‑emergency na matutuluyan para sa mga taong nangangailangan
Sumali sa amin

Pag‑uugnay sa mga tao sa pang‑emergency na matutuluyan sa mga oras ng pangangailangan

Isa kaming pandaigdigang komunidad

Pinapabuti namin ang sitwasyon sa tulong ng mga host at donor.
1.6M

mga libreng gabi

250K

taong nabigyan ng matutuluyan

135

bansang sinusuportahan

Mga tugon namin sa krisis

Milyon‑milyong tao ang nawawalan ng tirahan sa buong mundo taon-taon. Dito kami nagho-host ng mga bisita.

Ginagamit ang 100% ng mga donasyon para pondohan ang pang‑emergency na matutuluyan

Natatangi ang aming modelo. Saklaw ng Airbnb ang mga gastos sa pagpapatakbo, kaya sinusuportahan ng lahat ng donasyon sa publiko ang mga libreng matutuluyan para sa mga taong nangangailangan ng tulong.
Limang magkakaibang animated na character ang nakatayo sa isang hilera. Suot ang iba't ibang makukulay na damit, nakangiti silang kumakaway.

Sumali sa aming komunidad

Mahigit sa 60,000 host sa buong mundo ang sumusuporta sa Airbnb.org.
Sa isang kuwartong malinis at naaarawan, nag-aayos ang isang babae ng higaang may apat na poste at kahoy na baul sa paanan.

Magbigay ng donasyon sa tuwing magho‑host ka

Magbigay ng porsyento ng payout mo sa bawat na-book na pamamalagi.
May lalaking nakasuot ng kulay orange na sweater at babaeng nakasuot ng gray na bestida. Nakangiti at nakasandal sila sa isa't isa sa may pintuan ng isang bahay.

Mag-alok ng ligtas na lugar na matutuluyan

I‑list ang patuluyan mo nang may diskuwentong presyo para sa mga taong nangangailangan ng tulong.

May kuwento ang bawat pamamalagi

Kilalanin ang mga taong apektado ng mga kalamidad at ang mga taong tumulong.