Tungkol sa amin
Isang nonprofit na organisasyon ang Airbnb.org na itinatag ng Airbnb
na nag‑uugnay sa mga tao sa pang‑emergency na matutuluyan sa panahon ng krisis.

Nagsimula ang lahat sa isang host
Nagmula ang ideya kay Shell, isang Airbnb host na nag‑alok ng kanyang lugar nang libre sa mga taong naapektuhan ng Bagyong Sandy noong 2012. Mula noon, mahigit 60,000 Airbnb host ang nakapagbigay na ng matutuluyan sa mahigit 250,000 tao sa iba't ibang panig ng mundo.
Natatangi ang aming modelo
Sagot ng Airbnb ang mga gastos sa pagpapatakbo, kaya 100% ng lahat ng donasyon sa publiko ang nagpopondo ng pang‑emergency na matutuluyan para sa mga taong nangangailangan.

Mga tugon namin sa krisis
Milyon‑milyong tao ang nawawalan ng tirahan sa buong mundo taon-taon. Dito kami nagho-host ng mga bisita.
Paano kami nakikipagtulungan sa mga partner
Kapag nagkaroon ng sakuna, nakikipagtulungan kami sa mga lokal na organisasyon para mahanap ang mga bisitang pinakanangangailangan at maiugnay sila sa pang‑emergency na matutuluyan.







Paano kami nakikipagtulungan sa Airbnb
Ginagamit ng Airbnb.org ang pandaigdigang platform ng teknolohiya, mga serbisyo, at komunidad ng Airbnb para itugma ang mga taong nangangailangan ng pang‑emergency na matutuluyan sa mga host na may mga available na patuluyan na malapit sa mga lokasyon na naapektuhan ng mga kalamidad.
Ang Airbnb.org ay isang 501(c)(3) na pampublikong kawanggawa na hiwalay sa Airbnb. Sinasagot ng Airbnb ang mga bayarin sa serbisyo para sa mga sinusuportahang tuluyan ng Airbnb.org sa platform nito.Kilalanin ang aming board

Jennifer Bond
Isang law professor at pandaigdigang eksperto sa patakaran sa refugee si Jennifer. Higit sa 15 taon ang karanasan niya sa larangan. Itinatag niya ang Refugee Hub at pinamumunuan ang Global Refugee Sponsorship Initiative. Nakikipagtulungan siya sa iba't ibang organisasyon. Nagdisenyo si Jennifer ng mga landas tungo sa proteksyon ng mga refugee sa mahigit 20 bansa, lalo na para sa mga krisis sa Afghanistan at Ukraine. Naglingkod siya sa UNHCR sa Syria at naging tagapayo sa ministro ng imigrasyon ng Canada.

Jay Carney
Pinamumunuan ni Jay ang mga team ng Pandaigdigang Patakaran at Komunikasyon ng Airbnb. Bago maging bahagi ng Airbnb, pinamunuan niya ang team ng Global Corporate Affairs ng Amazon, na namamahala sa pampublikong patakaran at pakikipag‑ugnayan sa komunidad. Siya ang dating press secretary para kay Pangulong Obama at 20 taon siyang nagtrabaho sa TIME magazine. Naglilingkod si Jay sa maraming board, kabilang ang Urban Institute, TechNYC at Human Rights First. Nagtapos siya ng B.A. sa Yale University at miyembro ng University Council nito.

Sharyanne McSwain
Sharyanne is the President of Echoing Green, bringing over 40 years of experience in financial services and business operations. She has helped propel the organization to support social innovation leaders advancing racial, ethnic, and other equity globally. Before joining Echoing Green, Sharyanne was the Chief Financial and Administrative Officer at StoryCorps and worked at several banks and financial services firms. She holds an MBA from INSEAD in France and a BA in Urban Studies from Mount Holyoke College.

Catherine Powell
Pinamunuan ni Catherine ang pandaigdigang komunidad ng mga host ng Airbnb, na nakatuon sa pagbuo ng mga pamantayan, edukasyon, at feature para sa mga host. Bago maging bahagi ng Airbnb, mahigit 15 taon si Catherine sa Disney, pinakahuli bilang Presidente ng Disney Parks para sa Kanlurang Rehiyon ng U.S. at Disneyland Paris. Bukod pa rito, pitong taon siyang nagtrabaho sa BBC Worldwide. Nagtapos si Catherine ng Politics, Philosophy, at Economics mula sa Unibersidad ng Oxford.

Rich Serino
Isang Distinguished Senior Fellow sa School of Public Health ng Harvard si Rich Serino. Sumusuporta siya sa National Preparedness Leadership Initiative. Mahigit 40 taon siyang naglingkod sa serbisyo-publiko, sa pamamahala sa emergency, mga medikal na serbisyong pang-emergency, at seguridad ng bansa. Sa pagtatalaga ni Pangulong Obama, nagsilbi siya bilang ikawalong Deputy Administrator ng FEMA. Bago maging bahagi ng FEMA, 36 na taon si Rich sa Boston EMS kung saan tumaas nang tumaas ang posisyon niya hanggang sa maging Chief siya.

Jocelyn Wyatt
Si Jocelyn ang CEO ng Alight. Malawak ang karanasan niya sa estratehikong pag‑unlad na nakatuon sa mga pamamaraang nakasentro sa tao. Tumutulong siyang gumawa ng mararangal na serbisyo para sa mahigit 3.5 milyong taong nawawalan ng tirahan taon‑taon sa mahigit 20 bansa. Bago maging bahagi ng Alight, si Jocelyn ang co-founder at CEO ng IDEO.org, kung saan nakipagtulungan siya sa mga NGO sa pagdidisenyo ng mga ingklusibong produkto at serbisyo. Naglilingkod siya sa mga advisory board ng Marketplace at sa Drucker Institute, gayundin bilang founding member ng Chief.
May tanong ka ba tungkol sa mga donasyon?
Makipag‑ugnayan sa amin sa give@airbnb.org

Makibahagi
Mapabilang sa komunidad ng mahigit 60,000 host na nagbibigay ng pang‑emergency na matutuluyan sa panahon ng kagipitan.