Bagyong Helene

Sa pagbangon mula sa bagyo, nagiging bayani ang dating estranghero

Isang tahimik at maliit na bayan ang Old Fort sa North Carolina na matatagpuan sa Blue Ridge Mountains. Sa karaniwang araw, dumadaloy ang sapa sa ilalim ng tulay na may bubong at nakasarang gilid habang nag-e-explore sa kalapit na Pisgah National Forest ang mga nagbibisikleta at hiker."Kung matagal ka nang naninirahan dito, may makakasalubong kang 20 taong kakilala mo kahit hindi ka pa nakakarating sa tindahan," sabi ni Melissa, matagal nang residente at kilala na ang halos lahat ng tao sa bayan.
Nakangiti ang babaeng nakasuot ng dilaw na sweater at maong habang nakatayo sa likod ng pulang pinto.
Ipinagamit ni Melissa ang kanyang tatlong Airbnb nang libre para maging tuluyan ng mga lokal at volunteer na nawalan ng tirahan.
Noong Setyembre 26, 2024, umabot sa 15.5 pulgada ang antas ng tubig-ulang hatid ng Bagyong Helene sa loob ng tatlong araw. Naging rumaragasang ilog ang mahinang daloy ng sapa, kaya nahiwalay mula sa pundasyon ang mga tuluyan at natanggal ang mga punong nakatayo sa loob ng maraming henerasyon. Dahil sa rumaragasang mudslide pababa sa mga dalisdis ng bundok, natabunan ng lupa ang mga sasakyan, nawalan ng kuryente at natumba ang cell tower, at nawalan ng access sa buong kapitbahayan, pati na ang access ng mga kapitbahay sa isa't isa.
Sa maaliwalas na araw sa ilalim ng asul na kalangitan, may mga guho ang dilaw na bahay na bahagyang nagiba.
Napinsala ng Bagyong Helene at Milton ang mahigit 73,000 kabahayan sa Western North Carolina.
"Hindi mo talaga mailalarawan ang pakiramdam na iyon. Sa isang iglap lang, nabago ang mundo ng lahat," sabi ni Melissa.Sa karaniwang diwa ng Old Fort, agaran ang pagtugon ng komunidad. "May magagamit na gator o mule ang bawat isa, kaya sa loob ng 30 minuto, nagsama-sama ang karamihan sa mga taong ito dala ang kanilang mga chainsaw at tool para subukang alisin ang mga nakaharang na bagay."Walong taon nang Airbnb host si Melissa. Pagmamay-ari at pinapangasiwaan niya ang tatlong Airbnb sa lugar. Isa sa Old Fort, sa Asheville, at sa Black Mountain. “Gustong-gusto ko ang Western North Carolina, at talagang masaya akong tumulong sa mga tao na maging komportable sila hangga't maaari, nagbabakasyon man sila rito o narito sila para tulungang makabangon ang aming komunidad.”
Sa harap ng bahay, may isang babae at batang lalaki ang naglalagay ng mga produktong papel sa trunk ng itim na SUV.
Napinsala ng Bagyong Helene at Milton ang mahigit 73,000 kabahayan sa Western North Carolina.

"Hindi mo talaga mailalarawan ang pakiramdam na iyon. Sa isang iglap lang, nabago ang mundo ng lahat."

Mula noong bumagyo, ipinagamit ni Melissa ang kanyang mga tuluyan sa pamamagitan ng Airbnb.org sa 24 na grupong volunteer at 13 pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa bagyo. "Araw-araw, makakabasa ka ng post sa grupo na nagsasabing pupunta ang simbahan o nonprofit para magdala ng pagkaing sapat para sa 2,000 tao," sabi niya. "May mga tao pa ring walang kuryente at walang trabaho."
Nakatayo ang dalawang babae sa magkabilang panig ng matandang babaeng nakangiti at may hawak na litrato habang nasa harap ng couch sa komportableng sala.
Nakipagkaibigan si Melissa at ang kanyang bisitang si Amanda kay Miss Joyce na matagal nang residente

"Nakapag-host kami ng ilang lokal na nawalan ng tuluyan at iba pang walang kuryente, tubig, at internet."

Nakarating sa Airbnb ni Melissa si Amanda na isang volunteer mula sa Jamestown, NC, gamit ang sasakyang puno ng mga ipapamahaging diaper, formula milk, at pang-emergency na supply. Nagsimula sa isang pamamalagi at ngayon, isa na itong misyon ng pamilya. Kasama ni Amanda ang kanyang 13 taong gulang na anak na si Avis, at ang 10 taong gulang niyang anak na si Briggs, sa mga susunod na biyahe, kaya naging base nila para sa mga gawaing pagbibigay ng tulong ang patuluyan ni Melissa. Tatlong buwan pagkatapos ng bagyong Helene, nahihirapan pa ring makabangon ang Old Fort. Pero sa kabila ng lahat ng ito, nananatiling tanglaw ng pag-asa ang mga property ni Melissa, na nag-aalok ng matutuluyan at komunidad sa mga taong tumutulong na muling itaguyod ang kanyang minamahal na bayan.“Nakapag-host kami ng ilang lokal na nawalan ng tuluyan at iba pang walang kuryente, tubig, at internet. Nakapaglagay rin kami ng Starlink, na talagang nakatulong. At siyempre, nakapag-host na kami ng maraming volunteer na gustong tumulong na nagmula pa sa ibang estado.”
Nakatayo sa labas ang nakangiting babaeng nakasuot ng maong at itim na coat habang nakaakbay sa batang lalaking nakasuot ng maong at asul na coat.
Sumali ang pamilya ni Amanda sa mga boluntaryong pagsisikap.
Tumulong ang mga bata sa mga pagsisikap na makabangon. Nagsulat si Avis ng maiikling mensaheng nagpapatibay ng loob na isasama sa mga paghahatid ng pagkain, habang naging "honorary employee of the month" naman si Briggs sa donation center, at binabati ang bawat sasakyang dumadaan sa pila. Ngayon ko lang siya napagmasdang nagsikap nang husto," ayon kay Amanda. "Iyon ang napakalaking pagbabago."Hindi mo na maalala ang mga araw dahil sa tuloy-tuloy na aktibidad. "Madaling-araw kami gumigising. Pagsikat ng araw, lumalabas na kami para mag-deliver hanggang 9:00 PM minsan," sabi ni Melissa.
Sa harap ng pader na gawa sa kahoy sa loob ng tuluyan, may hawak na dalawang nakasulat na maikling mensahe ang isang matanda.
Nasorpresa si Miss Joyce sa maiikling mensaheng nagbibigay suporta mula sa mga anak ni Amanda na sina Avis at Briggs.
Kahit napapalibutan ng matinding pinsala, nakahanap ng pag-asa si Melissa sa mga hindi inaasahang lugar. Halimbawa nito ang pagtangging umalis ni Avis at pagtatago niya sa loob ng bahay para hindi mapalayo kay Miss Joyce, ang nakakatandang residenteng naging kaibigan niya, o nang sabihin sa kanya ni Amanda na sa tuwing gumigising si Briggs nang 6:00 AM, tinatanong niya, "Pupunta ba tayo kina Melissa? Ano ang gagawin natin ngayon?"Para kay Melissa, lalong pinatibay ng karanasang ito ang dahilan kung bakit niya ipinagamit ang kanyang tuluyan sa mga biyahero sa simula pa lang. "Nakakagulat isipin na may taong hindi taga-rito na naninindigan para sa aming komunidad," sabi niya. "Sa loob ng maikling panahon, parang naging bahagi na sila ng aming pamilya."
May dalawang babaeng nakayakap sa matandang babae habang nakangiti sila sa harap ng kahoy na pintuan ng tuluyan.
Ilang buwan pagkatapos ng bagyo, ang dating paghahatid-hatid lang ng pagkain at supply, naging makabuluhang pagkakaibigan na ngayon.
Sa isang maaliwalas na kuwartong may mga istante ng libro sa background, nakangiti ang dalawang taong nakaupo sa mesa habang may tinatalakay sa telepono.

Makibahagi

Sumali sa komunidad ng mahigit 60,000 host na nagbibigay ng pang‑emergency na matutuluyan sa panahon ng krisis.

May kuwento ang bawat pamamalagi

Kilalanin ang mga taong apektado ng mga kalamidad at ang mga taong tumulong.