Ibigay ang regalo ng tahanan

Puwede kang magbigay ng pang-emergency na pabahay sa mga oras ng krisis. Tinatapatan ng Airbnb ang 100% ng lahat ng isang beses na donasyon sa Giving Tuesday.
Magbigay ng donasyon ngayon

Paano gumagana ang mga donasyon

100% ang direktang nagpopondo sa pabahay

Direktang napupunta ang bawat dolyar na ibibigay mo sa pagpondo ng pang-emergency na pabahay para sa mga tao sa mga oras ng krisis.

Nagbibigay din ng donasyon ang Airbnb

Sinasagot ng Airbnb ang lahat ng gastos sa pagpapatakbo ng Airbnb.org at wala itong sinisingil na bayarin sa serbisyo para sa bawat pang-emergency na pamamalagi.

Makakapamalagi ang mga bisita nang libre sa lahat ng oras

Binubuksan ng mga host ang kanilang mga tuluyan, marami ang may diskwento. Tumutulong ang mga donasyon na masagot ang ibang bayarin, kaya libreng nakakapamalagi ang mga bisita.
Isang pamilyang binubuo ng apat na bisita at isang host na couple ang nakatayo sa harap ng isang tuluyan sa Denver.
Pinatuloy nina Susan at Steve sina Mousa, Rasha, Jay, at Ali sa tahanan nila sa Denver noong 2017.

“Pinatuloy kami nina Susan at Steve sa kanilang lugar sa loob ng halos isang buwan. Pagkalipas ng walong taon, naging pamilya na namin sila.”

—Rasha, bisita ng Airbnb.org
Grupo ng mga taong nagtitipon sa labas, may hawak na aklat at aso ang ilan, at may mga string light sa background.
Grupo ng mga taong sabay-sabay na kumakain sa labas sa isang mesang may mantel, na may ambient na mga string light sa background.
Nahanap nina Rasha, Mousa, Jay, at Ali ang kanilang komunidad at binuo ulit nila ang kanilang mga buhay sa Denver sa tulong ng kanilang mga host sa Airbnb.org.

Mahigit sa 60,000 host ng Airbnb sa buong mundo ang sumusuporta sa Airbnb.org.

Sumali sa komunidad
Ang Airbnb.org ay isang nonprofit na itinatag ng Airbnb.