Pagtipon ng mga komunidad pagkatapos ng mga wildfire
Kapag nagsimula ang pagbangon, patuloy na tutulong ang mga tao sa LA sa kapwa nila.
Magbigay ng donasyonPagtipon ng mga komunidad pagkatapos ng mga wildfire
Kapag nagsimula ang pagbangon, patuloy na tutulong ang mga tao sa LA sa kapwa nila.
Magbigay ng donasyon
Altadena
Ang Pamilya Benn
Kilala sa Altadena bilang pamilyang mahusay sa musika, naninirahan na sa lugar ang mga Benn mula pa noong dekada 1950 at regular na nagtatanghal sa mga event ng komunidad sa buong bayan. Tinupok ng sunog sa Eaton ang dalawang bahay na pag-aari nila sa loob ng maraming henerasyon. Magkakasamang namalagi ang labing-isang miyembro ng pamilya sa isang Airbnb habang pinag-iisipan nila ang kanilang mga susunod na hakbang. “Mahalaga sa ngayon ang magkakasamang pamamalagi sa isang bahay, lalo na dahil mayroon kaming mga kasamang nahihirapang kumilos at may mga bata,” sabi ni Loren Benn, ang pinakamatanda sa pitong anak ng mga Benn. Plano ng mga Benn na bumalik sa Altadena at muling kumonekta sa kanilang komunidad.

“Isang bagay ang mawalan ng tirahan. Iba ang pakiramdam na nawalan ka ng pamana," sabi ni Loren.
Altadena
Eshele at Brayden
Isang therapist si Eshele na may pamilyang nakatira sa Altadena sa loob ng marami nang henerasyon. Siya, ang anak niyang lalaking si Brayden, at ang chihuahua nilang si King Tut, ay nawalan ng 17 taon na nilang tahanan. Namalagi sila sa tuluyan ng Airbnb host na si Inessa gamit ang mga credit sa Airbnb.org. Sa kabila ng pagkawala ng tahanan nila, patuloy na nagbibigay si Eshele ng mga serbisyo sa kalusugan ng pag-iisip sa isang kritikal na panahon para sa komunidad niya.

“Malaki ang naitulong ng pagkakaroon ng taong kumukumusta sa iyo at tinatanggap kang parang pamilya na,” sabi ni Eshele.
Altadena
Kevin, Bridget, at Copi
Sina Kevin at Bridget ay mga artista at photographer na nakatira sa Altadena kasama ang 10 taong gulang nilang anak na lalaki na si Copernicus at ang aso nilang si Galaxy. Nawala sa pamilya ang tahanan nila at karamihan sa trabaho nila, pero pinakainaalala nila ang pananatiling buo ng komunidad nila. Namamalagi sila nang libre sa isang Airbnb habang pinag-iisipan ang mga plano nila.

“Sinusubukan lang naming kunin ang pagkakataong ito para mag-isip kung paano namin haharapin ang susunod na mga araw,” sabi ni Kevin.
Thousand Oaks
Si Sanam at ang pamilya niya
Nag-host si Sanam ng grupo ng walong bumbero mula sa Ventura at ng apat nilang K9, kahit na nawalan ng ilang patuluyan ang pamilya niya dahil sa mga wildfire. Tumulong ang mga anak niyang edad 3, 5, 6, at 9 na taon na mamili sa Costco ng mga pagkain at supply para sa mga bumbero para magkaroon sila ng sapat na lakas sa trabaho.

“Nakakataba ng puso na makatulong sa isang grupo ng mga tao na maibalik ang kanilang sigla at lakas para maapula ang sunog,” sabi ni Sanam.
Palm Desert
Jimmy
Ipinanganak at lumaki sa Palm Desert ang host na si Jimmy na nagtipon sa komunidad niya para tulungan ang mga bisitang apektado ng mga wildfire sa LA. Sa loob ng isang linggo, nag-host siya ng siyam na pamilya na kinailangang lumikas. Nagtipon siya ng mga donasyon mula sa mga gift card sa mga lokal na restawran at kapihan para sa isang pamilyang nawalan ng tahanan.

“Nadurog ang puso ko para sa kanila na nawalan ng tahanan at kinailangang lumikas nang mabilisan. Gusto kong maging komportable ang mga taong ito sa tahanan ko at maunawaan nilang tinatanggap sila ng komunidad na ito sa kapitbahayang ito,” sabi ni Jimmy.
Long Beach
Kaitlyn
Nagsusumikap ang host na si Kaitlyn mula sa Long Beach na tulungan ang mga bisitang naapektuhan ng mga wildfire, kabilang ang isang pamilyang may inang 39 na linggong buntis nang mawalan sila ng tahanan sa Altadena. Nagdala si Kaitlyn ng mga donasyong produkto at care package sa mga bisita at patuloy siyang nakikipag-ugnayan sa host network niya para makatulong sa mas maraming taong nangangailangan ng matutuluyan.

“Sa loob ng dalawang linggo, magpapatuloy gaya ng dati ang buhay ng ibang tao, at hindi pa rin makakausad ang mga taong ito. Kailangan pa rin nila ng higit pang tulong,” sabi ni Kaitlyn.
Higit pang mga kuwento mula sa LA
“Ang ginhawa ng pamilya ko ang pinakatumutulak sa akin para makausad na sila sa anumang paraan.”
—Loren, bisita ng Airbnb.org mula sa Altadena, CA
“Nakakagaan ng pakiramdam na maging ligtas at magkaroon ng lugar na matutuluyan habang hindi pa kami sigurado kung ano ang nangyari sa tahanan namin.”
—Cate, bisita ng Airbnb.org mula sa Topanga, CA
Magbigay ng donasyon ngayon
100% ang direktang nagpopondo sa matutuluyan
Direktang napupunta ang anumang halagang ibibigay mo sa pagpopondo ng pang‑emergency na matutuluyan para sa mga taong nangangailangan.
Nagbibigay din ng donasyon ang Airbnb
Sinasagot ng Airbnb ang lahat ng gastos sa pagpapatakbo ng Airbnb.org at wala itong sinisingil na bayarin sa serbisyo para sa bawat pamamalagi.
Libre ang pamamalagi ng mga bisita
Binubuksan ng mga host ang kanilang mga tuluyan, marami ang may diskuwento. Tumutulong ang mga donasyon na masagot ang ibang bayarin.