Nabuhayan ng pag-asa sina Eshele at Brayden pagkatapos ng mga wildfire

Nasa trabaho si Eshele noong tinawagan siya ng 11 taong gulang niyang anak na si Brayden para balaan tungkol sa sunog malapit sa tahanan nila sa Altadena, CA. Umalis siya kaagad sa opisina kung saan siya nagtatrabaho bilang marriage at family therapist at umuwi kay Brayden at sa chihuahua nilang si King Tut.
Nang makita nila ang lagablab ng sunog sa Eaton sa silangan lang ng bahay nila, lumikas na sila. “Hindi namin inakalang hindi na kami babalik,” sabi ni Eshele. Ipinanganak at lumaki sa Altadena si Eshele at ilang bloke lang ang layo ng tirahan niya sa nanay at mga kapatid niya. Nawalan silang lahat ng tahanan sa mga wildfire.
May mga nabawing gamit sina Eshele at Brayden, kasama ang mga alahas at nasunog na medalya ni Brayden sa pagsasayaw, mula sa abo ng dati nilang tahanan nang 17 taon.
Nalaman ni Eshele ang pang-emergency na matutuluyan sa Airbnb.org at nag-apply siya para sa programa sa partner ng Airbnb.org na 211 LA. Lumipat sila nina Brayden at King Tut sa Airbnb na hino-host ni Inessa sa Glendale na malapit lang sa kanila. Mahigit isang buwan silang namalagi roon. Doon ipinagdiwang ni Brayden ang ika-11 kaarawan niya. Nagpa-sleepover siya kasama ang mga kaibigan at pamilya sa Airbnb.

“Panatag akong nakakapahinga rito, nang nalalamang protektado at inaasikaso ako,” sabi ni Eshele. Nakatira sa kabila ng driveway sina Inessa at ang pamilya niya at kinukumusta niya ang mga bisita niya. “Ngayong hiwalay na ang pamilya ko, masarap sa pakiramdam na may taong maaasahan kung may kailangan ako at mga taong talagang nagmamalasakit,” sabi ni Eshele.

“Panatag akong nakakapahinga rito, nang nalalamang protektado at inaasikaso ako.”

Nakatira sa kabila ng driveway ang host na si Inessa at ang pamilya niya mula sa Airbnb nina Eshele at Brayden na palagi niyang kinukumusta noong namamalagi sila.
Noong namalagi si Eshele sa Airbnb.org, patuloy niyang sinuportahan ang mga kliyente niya sa therapy na nawalan din ng kani-kanilang tahanan. Patuloy na sumayaw si Brayden, isang mahusay na mananayaw ng Debbie Allen Dance Academy, at nagtanghal pa siya sa isang fundraiser para sa Academy noong Pebrero. Hindi kalaunan, lumipat sila mula sa Airbnb ni Inessa papunta sa malapit na pangmatagalang matutuluyan.
Makibahagi
Sumali sa pandaigdigang komunidad na nagbibigay ng pang-emergency na matutuluyan sa oras ng sakuna.
Matuto paMay kuwento ang bawat pamamalagi
Kilalanin ang mga taong apektado ng mga kalamidad at ang mga taong tumulong.