Para maging Superhost

Makahikayat ng mas maraming nagbu‑book, gawing kapansin‑pansin ang listing mo, at mag‑host ng mga 5‑star na pamamalagi.
Ni Airbnb noong Ene 6, 2025
Na-update noong Mar 19, 2025

Sa programang Superhost ng Airbnb, kinikilala ang mga host na may pinakamatataas na rating at pinakabihasa.

Pinapahalagahan at ginagantimpalaan namin ang pagkakaloob ng pambihirang hospitalidad sa pamamagitan ng paglalagay ng badge sa kanilang listing, at nakakahikayat ito ng mas marami pang nagbu‑book. Ayon sa 59% ng mga bisita, mas tiwala silang maganda ang kalidad ng patuluyan kapag Superhost ang host, at mas malaki nang 60% ang kinikita ng mga Superhost kumpara sa mga host na hindi Superhost.* Mayroon ding nakatalagang Suporta sa Komunidad para sa mga Superhost, naiimbitahan sila sa mga espesyal na event, nakakatanggap sila ng mga kupon sa pagbiyahe, at mas mataas ang ranking nila sa mga resulta ng paghahanap.

Mahigit 1.3 milyong host na ang naging Superhost, at puwede ka ring maging Superhost kapag naparami mo ang nagbu‑book sa patuluyan mo at nagkaloob ka ng mahusay na hospitalidad.** Malaki ang maitutulong ng pagsasagawa ng ilang adjustment sa kalendaryo mo, pag‑update sa listing mo, at pag‑aayos pa lalo sa pakikipag‑ugnayan.

Tugunan ang mga rekisito

Para maging Superhost, may‑ari ng listing dapat ang host, may magandang katayuan ang account niya, at natugunan niya ang apat na pamantayang ito sa loob ng nakalipas na 365 araw:

  • Makatanggap ng sapat na booking. Mag‑host ng kahit 10 pamamalagi man lang o ng tatlong reserbasyong aabot nang kahit 100 gabi man lang sa kabuuan.
  • Iwasang magkansela. Magpanatili ng rate sa pagkansela na wala pang 1%. Hindi kasama rito ang mga pagkanselang dahil sa mga malubhang nakakaudlot na pangyayari o iba pang wastong dahilan.
  • Tumugon sa mga bisita. Magpanatili ng rate sa pagtugon na 90% pataas. Rate sa pagtugon mo ang porsyento ng mga bagong pagtatanong ng bisita na sinagot mo sa loob ng 24 na oras.
  • Pagtuunan ang hospitalidad. Magpanatili ng kabuuang rating na 4.8 o mas mataas pa.

Puwede ring maging kapansin‑pansin sa mga resulta ng paghahanap at lumaki ang posible mong kitain kapag tumugon ka nang malinaw at mabilis, iniwasan mong magkansela, at pinagtuunan mo ang hospitalidad.

Narito ang mga tip para matulungan kang matugunan ang mga pamantayang ito at maging Superhost.

Siguraduhing updated ang kalendaryo mo

Kapag dinagdagan mo ang mga available na petsa sa kalendaryo mo, puwedeng lumabas nang mas madalas ang listing mo sa mga resulta ng paghahanap at dumami ang mga pagkakataon mong mag‑host ng sapat na bilang ng mga pamamalagi para matugunan ang mga pamantayan para maging Superhost.

Pumunta sa kalendaryo ng listing mo at maghanap ng mga naka‑block na gabi na lalabas na kulay gray. I‑unblock ang anumang naka‑block na gabi kung kailan puwede kang mag‑host.

Isa pang paraan para mas madalas na lumabas ang listing mo sa mga resulta ng paghahanap ang pagpapahintulot sa mas maiikling pamamalagi. Puwede mong iangkop ang minimum na tagal ng pamamalagi ayon sa araw ng linggo. Halimbawa, kung mas mataas ang demand kapag weekend, puwede mong payagan ang pagbu‑book ng isang gabing pamamalagi kapag weekday at ipagbawal iyon kapag nagbu‑book ang mga bisita ng Biyernes o Sabado ng gabi.

Posible ring mas maraming mag‑book kapag mas flexible ang pagpapareserba at puwedeng mag‑book ang mga bisita nang mas malapit sa takdang petsa ng pag‑check in. Pumili ng minimum na lead time na hanggang sa mismong araw ng pag‑book, depende kung gaano katagal ang kailangan mo sa pagitan ng pagbu‑book ng bisita at pagdating niya.

Puwede mo ring payagan ang mga kahilingang may mas maikling abiso kaysa sa itinakda mong minimum na lead time. Ipapasuri at ipapaapruba sa iyo ang mga ganitong kahilingan.

Magtakda ng sulit na presyo

Kadalasang mas mataas ang ranking sa mga resulta ng paghahanap ng mga listing na mas mababa ang presyo kaysa sa iba pang katulad na listing sa malapit. Pag‑isipang i‑adjust ang presyo kada gabi kumpara sa mga kasabayan mo para makapag‑host ka ng kahit 10 pamamalagi man lang.

Para malaman ang mga presyo ng mga katulad na listing sa lugar ninyo, pumunta sa kalendaryo ng listing mo at pumili ng hanay ng petsa na hanggang 31 araw.

Lalabas ang mga average na presyo ng mga katulad na listing sa mapa ng lugar ninyo. Kabilang sa mga salik na ginagamit para matukoy kung ano‑anong listing ang katulad ng iyo ang lokasyon, sukat, mga feature, amenidad, rating, review, at iba pang listing na bina‑browse ng mga bisita habang isinasaalang‑alang ang iyo.

Kung iisa ang presyong itinakda mo para sa lahat ng gabi, pag‑isipang magtakda ng ibang presyo para sa weekday at sa weekend para makahikayat ng mas maraming potensyal na bisita. Puwedeng dumami ang mga booking at lumaki ang kita mo kapag nagtakda ka ng iba't ibang presyo depende sa gabi.

Magdagdag ng diskuwento

Isa pang paraan para mapansin ang listing mo ng mga potensyal na bisita ang pagdaragdag ng mga diskuwento. Puwede kang makahikayat ng iba't ibang biyahero sa pamamagitan ng pag‑aalok ng:

  • Mga lingguhan at buwanang diskuwento. Mag‑alok ng mga lingguhang diskuwento para sa mga pamamalaging pitong gabi o mas matagal pa, o mga buwanang diskuwento para sa mga pamamalaging 28 gabi o mas matagal pa. Puwede nitong mapahaba ang average na tagal ng pamamalagi sa mga listing mo kaya dadalang ang pagpapalit ng mga bisita.
  • Diskuwento para sa maagang pagbu‑book. Magdagdag ng diskuwento para sa mga booking na gagawin isa hanggang 24 na buwan bago ang takdang pag‑check in para maagang mapuno ang mga petsa sa kalendaryo mo para sa mga peak season.

Para sa mga bisita, may lalabas na espesyal na callout sa mga resulta ng paghahanap at sa page ng listing mo para sa lingguhan o buwanang diskuwento na 10% pataas at para sa diskuwento para sa maagang pagbu‑book na 3% pataas. Isasaad ang presyong may diskuwento sa tabi ng orihinal na itinakda mong presyo na naka‑strikethrough.

Tandaang hindi magagamit ang diskuwento para sa maagang pagbu‑book kapag naka‑on ang Smart Pricing, at kailangan ding sumunod sa mga lokal na patakaran at regulasyon ang mga diskuwento ayon sa tagal ng pamamalagi.

Bigyang diin ang pagkakaloob ng five‑star na hospitalidad

Mahalaga para sa mga bisita ang mabilis at malinaw na komunikasyon, at kailangang makapagpanatili ang mga host ng rate sa pagtugon na kahit 90% man lang para maging Superhost. Madali at mabilis kang makakatugon sa mga bisita kapag nag‑set up ka ng mga mabilisang tugon.

Mga template ng maiikling mensaheng tungkol sa mga partikular na paksang madalas itanong sa mga host ang mga mabilisang tugon. Puwede mong isulat o i‑edit ang mga iyon habang maaga pa para may maipadala ka agad kapag may kausap kang bisita sa chat.

Para makatanggap ng mga five‑star na review, kailangan mo ring isipin ang mga posibleng kailanganin ng mga bisita at gawin ang makakaya mo para mapaunlakan ang mga kahilingan nila hangga't maaari.

  • Magdagdag ng mga detalyeng galing sa puso. Puwede mong maiparamdam sa mga bisita na espesyal sila sa pamamagitan ng paggawa ng mga simpleng bagay, tulad ng pag‑aalok ng paborito mong lokal na kape o sulat‑kamay na pambungad na mensahe.
  • Tulungang maging komportable ang mga bisita. Isipin mo ang patuluyan mo at lahat ng iniaalok mo nang parang ikaw ang bisita. Puwedeng maging ubod ng ganda at hindi lang basta maganda ang matanggap mong kabuuang rating kapag gumawa ka ng mga bagay na tulad ng pagpapahintulot sa maagang pag‑check in at maayos na pagtutupi at pagpapatong ng mga tuwalya.
  • Siguraduhing malalapitan ka. Ipaalam sa mga bisita na puwede silang makipag‑ugnayan sa iyo o sa co‑host mo anumang oras. Ayusin ang mga notipikasyon mo para maalertuhan ka kapag nagpadala ng mensahe ang mga bisita.

Pagtuunan ang pagpapaganda sa listing mo

Kapag regular mong in‑update ang page ng listing mo, puwede kang makahikayat ng mga naaangkop na bisita para sa patuluyan mo.

Nakakatawag ng pansin ang magagandang litrato, nalilinaw ang mga dapat asahan, at nabibigyan ng higit na kumpiyansa ang mga potensyal na bisita na i‑book ang patuluyan mo. Pag‑isipang i‑update ang mga litrato ng listing mo para maging Superhost ka.

  • Planuhin ang mga larawan. Pagtuunang kumuha ng mga litratong nagtatampok sa mga natatanging detalye, patok na amenidad, at accessibility feature ng patuluyan mo. Kuhanan ng litrato mula sa iba't ibang anggulo ang bawat kuwarto at lugar na puwedeng gamitin ng mga bisita.
  • Mag‑upload ng mga pahalang na larawang may mataas na resolution. Kailangang kahit 800 pixels by 1,200 pixels man lang ang mga litrato. Kapag mas malaki ang file, mas maganda. Puwede ang hanggang 10 megabytes.
  • Kumuha ng pro. Pag‑isipang kumuha ng propesyonal na photographer. Matutulungan ka ng Airbnb na makahanap ng propesyonal sa mga piling lungsod sa iba't ibang panig ng mundo.
  • Gumawa ng photo tour. Awtomatikong isasaayos ng tool ng Airbnb ayon sa kuwarto ang mga ia‑upload mong larawan para matulungan ang mga bisita na maintindihan ang layout ng patuluyan mo. Puwede kang maglipat, mag‑alis, at magdagdag ng mga litrato, maglagay ng mga detalye sa bawat kuwarto, at magsulat ng caption para sa bawat litrato.

Magkasinghalaga ang nakasulat at mga litratong tampok sa listing mo. Sa pamamagitan ng pamagat, paglalarawan, at mga amenidad na nakasaad sa listing mo, puwedeng mas maraming mahikayat na potensyal na bisita at nalilinaw ang mga dapat nilang asahan sa pamamalagi nila.

  • Maglagay ng maikli pero naglalarawang pamagat ng listing. Siguraduhing nagsasaad ang pamagat ng natatangi at tumpak na paglalarawan ng patuluyan mo at paligid nito. Halimbawa, sa “Tahimik na studio malapit sa Uffizi,” naipaparating sa ilang salita lang na tahimik na apartment na nasa magandang lokasyon sa Florence, Italy ang patuluyan.
  • Pinakamainam ang mga malinaw at tapat na paglalarawan ng listing. Maglagay ng mga deretsahang detalye na naglalarawan sa puwedeng asahang madatnan at maranasan ng mga bisita sa patuluyan mo. Halimbawa, puwede mong sabihing nakabakod ang likod‑bahay at may malawak na espasyo kung saan makakatakbo‑takbo ang mga bata at alagang hayop.
  • Idagdag ang bawat amenidad na iniaalok mo. Pag‑isipan kung ano‑anong patok na amenidad ang puwede mong idagdag o pagandahin pa, halimbawa, palitan ang lockbox ng smart lock o pabilisin pa ang wifi. Kabilang sa mga nangungunang amenidad na hinahanap ng mga bisita ang sariling pag‑check in, wifi, washer, dryer, TV o cable, at ihawan.***

*Batay sa median na kita para sa mga Superhost at hindi Superhost mula Oktubre 2023 hanggang Oktubre 2024.

**Batay sa internal na datos ng Airbnb pagsapit ng Oktubre 7, 2024.

***Ayon sa datos ng Airbnb na nagkakalkula sa mga amenidad na pinakamadalas hanapin sa iba't ibang panig ng mundo mula Enero 1 hanggang Hunyo 30, 2024.

Ikaw lagi ang bahala sa presyo at iba pang setting mo. Posibleng maiba ang resulta para sa iyo.

Binayaran ang mga host para sa pakikilahok nila sa mga panayam.

Napapailalim sa lokal na batas ang mga tip sa pagho‑host.

Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.

Airbnb
Ene 6, 2025
Nakatulong ba ito?