Pagtatagumpay kahit mababa ang demand

Maghambing ng mga katulad na listing, payagan ang mas maiikling pamamalagi, at gumawa ng photo tour.
Ni Airbnb noong Ene 6, 2025
Na-update noong Mar 19, 2025

May mga panahon ding wala masyadong booking kahit sa mga pinakapatok na listing. Narito ang ilang paraan kung paano mo magagamit ang mga tool sa pagho‑host ng Airbnb para makahikayat ng mga potensyal na bisita kapag mababa ang demand.

Magtakda ng sulit na presyo

Baka makasabay ka kapag regular kang nag‑adjust ng presyo. Pag‑isipang gawin ang mga sumusunond sa iskedyul na mainam para sa iyo:

  • Magdagdag ng iniangkop na presyo para sa weekend. Kung iisa ang presyong itinakda mo para sa lahat ng gabi, puwede kang magtakda ng magkaibang presyo para sa weekday at para sa Biyernes at Sabado ng gabi. Puwedeng dumami ang mga booking kapag nagtakda ka ng iba't ibang presyo depende sa gabi.
  • Maghambing ng mga katulad na listing. Kadalasang mas mataas ang ranking sa mga resulta ng paghahanap ng mga listing na mas mababa ang presyo kaysa sa mga katulad na listing sa malapit. Pag‑isipang i‑adjust ang presyo kada gabi kumpara sa mga na‑book at hindi na‑book na listing sa lugar ninyo.

Pumunta sa kalendaryo ng listing mo at pumili ng hanay ng petsa na hanggang 31 araw para malaman ang mga average na presyo ng mga katulad na listing sa mapa ng lugar ninyo. Kabilang sa mga salik na ginagamit para matukoy kung ano‑anong property ang katulad ng iyo ang lokasyon, sukat, mga feature, amenidad, rating, review, at iba pang listing na bina‑browse ng mga bisita habang isinasaalang‑alang ang iyo.

“Sinusubaybayan ko ang mga listing na katulad ng akin para matiyak kong nakakapagtakda ako ng sulit na presyo,” sabi ni Katie na miyembro ng Host Advisory Board at Superhost sa Palm Springs, California. “Mahalagang maging flexible kapag mas mababa ang demand kung gusto mo talagang piliin ng mga tao ang listing mo.”

Maisaalang‑alang para sa mas matatagal at mas maiikling pamamalagi

Kapag nagtakda ng mga diskuwento para sa mga pamamalaging pitong gabi o mas matagal pa, puwedeng tumaas ang ranking mo sa mga resulta ng paghahanap at dumalang ang pagpapalit ng mga bisita. Puwede namang mapuno ang mga petsa sa kalendaryo mo kapag pinayagan mo ang pagbu‑book ng mas maiikling pamamalagi.

  • Magdagdag ng lingguhang diskuwento. Para sa mga bisita, may lalabas na espesyal na callout sa mga resulta ng paghahanap at sa page ng listing mo para sa mga diskuwentong 10% pataas. Isasaad ang presyong may diskuwento sa tabi ng orihinal na itinakda mong presyo na naka‑strikethrough.
  • Paikliin ang minimum na tagal ng pamamalagi. Puwede mong iangkop ang minimum na tagal ng pamamalagi ayon sa araw. Kung mas mataas ang demand kapag weekend, puwede mong payagan ang pagbu‑book ng isang gabing pamamalagi kapag weekday at ipagbawal iyon kapag nagbu‑book ang mga bisita ng Biyernes o Sabado ng gabi.

“Kapag mas mababa ang demand, papaikliin ko ang minimum na tagal ng pamamalagi at, dahil doon, pinipili ang listing ko ng mga tao na baka ilang gabi lang mamamalagi,” sabi ni Felicity na Superhost sa Sydney, Australia.

Pagandahin ang mga litrato at pag‑check out

Kapag in‑update mo ang mga detalye ng listing mo, puwedeng luminaw ang mga dapat asahan at magkaroon ng higit na kumpiyansa ang mga bisita na i‑book ang patuluyan mo, lalo na kapag mababa ang demand.

  • Gumawa ng photo tour. Awtomatikong isasaayos ayon sa kuwarto ng tool ng Airbnb ang mga ia‑upload mong larawan para matulungan ang mga bisita na maintindihan ang layout ng patuluyan mo. Puwede kang maglipat, mag‑alis, at magdagdag ng mga litrato, maglagay ng mga detalye sa bawat kuwarto, at sumulat ng caption para sa bawat litrato.
  • Magdagdag ng malilinaw na tagubilin sa pag‑check out. Ipaliwanag ang kailangang gawin ng mga bisita bago sila umalis, tulad ng pagla‑lock sa mga dapat i‑lock. Mababasa ang mga ito ng kahit sino bago sila mag‑book, at mas maraming bisita ang nagbu‑book ng mga listing na may mga tagubilin sa pag‑check out. Sinabi sa amin ng mga bisita na mas gusto nilang maikli lang ang listahan ng mga dapat gawin sa pag‑check out. Mainam na pag‑isipang kaunti lang ang ipagawa sa mga bisita.

Sumali sa lokal na Host Club

May daan‑daang Host Club sa iba't ibang panig ng mundo na tumutulong sa mga Airbnb host na makipag‑usap at matuto sa mga kapwa nila host. Napag‑alaman naming kumikita ang mga miyembro ng mga lokal na club na ito nang dalawang beses na mas malaki kaysa sa mga host na hindi miyembro ng club,* at halos tatlong beses na mas malamang silang maging Superhost.**

Kabilang sa mga patok na aktibidad ng club ang:

  • Palitan ng mga tip sa pagho‑host na puwedeng makapagpalaki sa kita
  • Talakayan ng mga regulasyon sa panandaliang matutuluyan
  • Bahagian ng mga maaasahang lokal na serbisyo, gaya ng mga tagalinis at tubero
  • Pagdalo sa mga eksklusibong networking event

*Ayon sa internal na datos ng Airbnb, kapag inihahambing ang average na kita at rating ng mga miyembro ng Airbnb Host Club sa iba't ibang panig ng mundo sa kabuuang populasyon ng mga host sa mundo, mula Setyembre 2022 hanggang Setyembre 2023. Iba‑iba ang datos ng kita depende sa lokasyon, panahon, at uri ng listing.

**Ayon sa internal na datos ng Airbnb tungkol sa pagiging Superhost ng mga host na sumali mula Hulyo 2023 hanggang Hulyo 2024.

Ikaw lagi ang bahala sa presyo at iba pang setting mo. Posibleng maiba ang resulta para sa iyo.

Binayaran ang mga host para sa pakikilahok nila sa mga panayam.

Napapailalim sa lokal na batas ang mga tip sa pagho‑host.

Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.

Airbnb
Ene 6, 2025
Nakatulong ba ito?