Pagsamantala sa peak season

Dagdagan ang mga available na petsa, magtakda ng sulit na presyo, at padaliin ang pag‑check in at pag‑check out.
Ni Airbnb noong Nob 11, 2024
Na-update noong Mar 19, 2025

Malapit na ang peak season. Narito ang ilang paraan kung paano mo magagamit ang mga tool sa pagho‑host ng Airbnb para masamantala kapag mataas ang demand.

Siguraduhing updated ang kalendaryo mo

Paghandaan ang peak season sa lugar ninyo sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga available na gabi sa kalendaryo mo. Kapag ginawa mo ito, lalabas ang listing mo sa mas maraming resulta ng paghahanap at posibleng lumaki ang kikitain mo.

Isaalang‑alang ang minimum na tagal ng pamamalagi na itinakda mo kapag ginagawang available ang mga gabi sa kalendaryo mo. Kailangang matugunan ang itinakda mong minimum o paikliin ang standard na minimum na tagal ng pamamalagi. Puwede ka ring gumawa ng iniangkop na tagal ng pamamalagi para sa mga partikular na gabing gagawin mong available.

“Higit na mas mahalagang gawing available ang mga petsa sa kalendaryo mo kapag mataas ang demand,” sabi ni Myranda na Superhost sa Little Rock, Arkansas. “Imbes na magpahinga nang ilang araw sa pagitan ng mga pamamalagi, sinisigurado kong mas flexible ako sa panahong iyon para makapag‑host ako ng mas maraming bisita.”

Pumunta sa kalendaryo ng listing mo at maghanap ng mga naka‑block na gabi na lalabas na kulay gray. I‑unblock ang anumang naka‑block na gabi kung kailan puwede kang mag‑host.

Makakapag‑book ng mas malalayo pang petsa ang mga bisita kapag pinalawig mo ang minimum na tatlong buwang palugit ng availability. Puwede mong gawing available ang mga petsa sa kalendaryo mo hanggang dalawang taon sa hinaharap. Lalabas nang mas madalas ang listing mo sa mga resulta ng paghahanap, at mas maikli pa ang listahan ng mga resulta kung kaunting tuluyan lang ang available sa panahong iyon.

Anuman ang palugit ng availability mo, isa lang ang idaragdag kada araw sa mga available na gabi sa kalendaryo mo. Halimbawa, kung 12 buwan ang palugit na itinakda mo, puwedeng i‑book ng mga bisita ang patuluyan mo hanggang isang taon mula sa petsa ngayong araw.

“Dapat samantalahin ang mataas na demand,” sabi ni Jimmy na Superhost sa Palm Springs, California. “Posibleng hindi handa ang ibang host at hindi available ang mga petsa sa kalendaryo nila. Kung maagap ka, masasamantala mo ang mga panahong mataas ang demand.”

Magtakda ng sulit na presyo

Para makasabay kapag peak season, alamin ang mga presyo ng mga katulad na listing sa lugar ninyo at pag‑isipang i‑adjust ang itinakda mong presyo kada gabi. Kung iisa ang presyong itinakda mo para sa lahat ng gabi, pag‑isipang magtakda ng ibang presyo para sa weekday at sa weekend para makasabay sa pagbabago‑bago ng demand. Puwedeng dumami ang mga booking at kumita ka nang malaki kapag inayon mo ang mga presyo.

Para maghambing ng mga katulad na listing, pumunta sa kalendaryo ng listing mo at pumili ng hanay ng petsa na hanggang 31 araw.

Lalabas ang mga average na presyo ng mga katulad na listing sa malapit sa mapa ng lugar ninyo. Sa pamamagitan ng mga button sa mapa, masisilip mo ang mga na‑book o hindi na‑book na listing. Kabilang sa mga salik na ginagamit para matukoy kung ano‑anong listing ang katulad ng iyo ang lokasyon, sukat, mga feature, amenidad, rating, review, at iba pang listing na bina‑browse ng mga bisita habang isinasaalang‑alang ang iyo.

Kadalasang mas mataas ang ranking sa mga resulta ng paghahanap ng mga listing na mas mababa ang presyo kaysa sa mga katulad na listing sa malapit.

“Kung peak season at kaunti pa rin ang nagbu‑book, iche‑check ko ang mga property sa malapit,” sabi ni Felicity na Superhost sa Sydney, Australia. “Kailangang makapagtakda ako ng sulit na presyo.”

Magdagdag ng diskuwento

Isa pang paraan para mapansin ang listing mo ng mga potensyal na bisita kapag peak season ang pagdaragdag ng mga diskuwento. Puwede kang makahikayat ng iba't ibang biyahero sa pamamagitan ng pag‑aalok ng:

  • Mga lingguhan at buwanang diskuwento. Pag‑isipang mag‑alok ng mga lingguhang diskuwento para sa mga pamamalaging pitong gabi o mas matagal pa, at mga buwanang diskuwento para sa mga pamamalaging 28 gabi o mas matagal pa. Kapag ginawa mo ito, puwedeng tumaas ang ranking mo sa mga resulta ng paghahanap, mapuno ang mga petsa sa kalendaryo mo, at dumalang ang pagpapalit ng mga bisita.
  • Diskuwento para sa maagang pagbu‑book. Baka mapansin ka ng mga bisitang maagang magplano kapag nagdagdag ka ng diskuwento para sa maagang pagbu‑book para sa mga booking na gagawin isa hanggang 24 na buwan bago ang pag‑check in.

Para sa mga bisita, may lalabas na espesyal na callout sa mga resulta ng paghahanap at sa page ng listing mo para sa lingguhan o buwanang diskuwento na 10% pataas at para sa diskuwento para sa maagang pagbu‑book na 3% pataas. Isasaad ang presyong may diskuwento sa tabi ng orihinal na itinakda mong presyo na naka‑strikethrough.

Tandaang hindi magagamit ang diskuwento para sa maagang pagbu‑book kapag naka‑on ang Smart Pricing, at kailangan ding sumunod sa mga lokal na patakaran at regulasyon ang mga diskuwento ayon sa tagal ng pamamalagi.

“Ginagamit ko ang diskuwento para sa maagang pagbu‑book kapag sine‑set up ko ang kalendaryo ko para sa paparating na taon,” sabi ni Anne na Superhost sa Tarragona, Spain. “Kapag ginagawa ko ito, kadalasang nabu‑book agad ang mga gabi sa kalendaryo ko, at hindi karaniwang nagkakansela ang mga nakadiskuwento.”

Padaliin ang pag‑check in at pag‑check out

Umisip ng mga paraan para padaliin ang proseso ng pagdating at pag‑alis ng mga bisita. Maglagay ng mga direksyon sa pag‑check in para maipaalam sa kanila kung paano matutunton ang patuluyan mo at maa‑unlock ang pasukan pagkarating nila.

  • Magdagdag ng mahahalagang detalye. Puwede mong itakda at isaayos sa gabay sa pagdating ang paraan, oras, at mga direksyon sa pag‑check in. Kapag nagdagdag ka ng sariling pag‑check in gamit ang smart lock, keypad, o lockbox, maa‑unlock ng mga bisita ang pasukan gamit ang code kahit pa dis‑oras ng gabi na sila dumating.
  • Linawin kung paano makakapasok. Magsama ng mga litrato o video para maintindihan nang mabuti ng mga bisita ang proseso. Ipasubok sa isang kaibigan mo ang mga tagubilin para masigurong malinaw ang mga iyon.

Isiping pag‑check out ang huling tatatak sa mga bisita sa pamamalagi nila sa patuluyan mo. Kapag pinadali mo ang proseso, puwedeng maalala nila kung gaano kaganda ang naging pamamalagi nila.

  • Magtakda ng malilinaw na tagubilin sa pag‑check out. Pumili sa listahan ng mga gawain na nasa gabay sa pagdating. Ipaliwanag kung ano ang kailangang gawin ng mga bisita bago sila umalis, tulad ng pag‑o‑off at pagla‑lock sa mga dapat i‑off at i‑lock. Mababasa ang mga ito ng kahit sino bago sila mag‑book.
  • Padaliin ang proseso hangga't posible. Pag‑isipan kung kailangan ba talagang gawin ng mga bisita ang mga nakalista, tulad ng pagtipon sa mga ginamit na tuwalya at pagtatapon ng basura.

“Mahalagang isa o dalawa at simple lang ang ipapagawa sa mga bisita dahil paalis na sila sa property mo,” sabi ni Karen na Superhost sa Nelson, Canada. “Sa ganitong paraan, mas madadalian sila.”

Ikaw lagi ang bahala sa presyo at iba pang setting mo. Posibleng maiba ang resulta para sa iyo.

Binayaran ang mga host para sa pakikilahok nila sa mga panayam.

Napapailalim sa lokal na batas ang mga tip sa pagho‑host.

Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.

Airbnb
Nob 11, 2024
Nakatulong ba ito?