Hindi available sa pinili mong wika ang nilalamang ito, kaya inihanda namin ito sa pinakamalapit na available na wika sa ngayon.

Kumita nang malaki kapag mataas ang demand

Gamitin ang mga tool sa pagho‑host ng Airbnb para masamantala mo ang mga peak season.
Ni Airbnb noong Ene 6, 2025
Na-update noong Mar 19, 2025

Puwedeng maraming magkainteres sa listing mo dahil sa mga holiday, malaking event, at magandang lagay ng panahon. Sa pamamagitan ng mga tool sa pagho‑host ng Airbnb, puwede mong samantalahin ang mga ganitong panahong may mataas na demand. Isaalang‑alang ang mga hakbang na ito para mapalaki ang kita mo.

Siguraduhing updated ang kalendaryo mo

Isang paraan para mapaghandaan ang pagtaas ng demand ang pagdaragdag ng mga available na gabi sa kalendaryo mo. Kapag ginawa mo ito, lalabas nang mas madalas ang listing mo sa mga resulta ng paghahanap at puwede pang lumaki ang kita mo.

Pumunta sa kalendaryo ng listing mo at maghanap ng mga naka‑block na gabi na lalabas na kulay gray. I‑unblock ang anumang naka‑block na gabi kung kailan puwede kang mag‑host.

Makakapag‑book ng mas malalayo pang petsa ang mga bisita kapag pinalawig mo ang palugit ng availability. Partikular na mabisa ang ganitong diskarte sa mga lugar kung saan mahuhulaan ang mga panahong may mataas na demand, tulad ng malalaking taunang event, panahong may niyebe, at panahong pang‑beach.

Anuman ang palugit ng availability mo, isa lang ang idaragdag kada araw sa mga available na gabi sa kalendaryo mo. Halimbawa, kung 12 buwan ang palugit na itinakda mo, puwedeng i‑book ng mga bisita ang patuluyan mo hanggang isang taon mula sa petsa ngayong araw, at araw‑araw na maa‑update ang availability mo.

Magtakda ng sulit na presyo

Alamin ang mga presyo ng mga katulad na listing sa lugar ninyo para makasabay sa mga panahong mataas ang demand. Para maghambing ng mga katulad na listing, pumunta sa kalendaryo ng listing mo at pumili ng hanay ng petsa na hanggang 31 araw.

Lalabas ang mga average na presyo ng mga katulad na listing sa mapa ng lugar ninyo. Kabilang sa mga salik na ginagamit para matukoy kung ano‑anong property ang katulad ng iyo ang lokasyon, sukat, mga feature, amenidad, rating, review, at iba pang listing na bina‑browse ng mga bisita habang isinasaalang‑alang ang iyo.

Kadalasang mas mataas ang ranking sa mga resulta ng paghahanap ng mga listing na mas mababa ang presyo kaysa sa mga katulad na listing sa malapit.

Kung iisa ang presyong itinakda mo para sa lahat ng gabi, pag‑isipang magtakda ng ibang presyo para sa weekday at sa weekend para makasabay sa pagbabago‑bago ng demand. Puwedeng dumami ang mga booking kapag inayon mo ang mga presyo.

Magdagdag ng diskuwento

Isa pang paraan para mapansin ang listing mo ng mga potensyal na bisita ang pagdaragdag ng mga diskuwento. Puwede kang makahikayat ng iba't ibang biyahero sa pamamagitan ng pag‑aalok ng:

  • Mga lingguhan at buwanang diskuwento. Mag‑alok ng mga lingguhang diskuwento para sa mga pamamalaging pitong gabi o mas matagal pa, o mga buwanang diskuwento para sa mga pamamalaging 28 gabi o mas matagal pa. Puwede nitong mapahaba ang average na tagal ng pamamalagi sa mga listing mo kaya dadalang ang pagpapalit ng mga bisita.
  • Diskuwento para sa maagang pagbu‑book. Magdagdag ng diskuwento para sa mga booking na gagawin isa hanggang 24 na buwan bago ang takdang pag‑check in para maagang mapuno ang mga petsa sa kalendaryo mo para sa mga peak season.
  • Diskuwento para sa pahabol na pagbu‑book. Baka mapansin ka ng mga biglaang biyahero kapag binabaan mo ang presyo kada gabi habang papalapit na ang petsa ng pag‑check in. Puwedeng mapuno ang mga petsa sa kalendaryo mo at mapalaki ang kita mo kapag nagtakda ka ng mga diskuwento para sa mga booking na gagawin isa hanggang 28 araw bago ang pag‑check in.

Para sa mga bisita, may lalabas na espesyal na callout sa mga resulta ng paghahanap at sa page ng listing mo para sa lingguhang diskuwento, buwanang diskuwento, at diskuwento para sa pahabol na pagbu‑book na 10% pataas at para sa diskuwento para sa maagang pagbu‑book na 3% pataas. Isasaad ang presyong may diskuwento sa tabi ng orihinal na itinakda mong presyo na naka‑strikethrough.

Tandaang hindi magagamit ang diskuwento para sa maagang pagbu‑book kapag naka‑on ang Smart Pricing, at kailangan ding sumunod sa mga lokal na patakaran at regulasyon ang mga diskuwento ayon sa tagal ng pamamalagi.

Mag‑set up ng photo tour

Nakakatawag ng pansin ang magagandang litrato, nalilinaw ang mga dapat asahan, at nabibigyan ng higit na kumpiyansa ang mga potensyal na bisita na i‑book ang patuluyan mo. Pag‑isipang i‑update ang mga litrato ng listing mo habang naghahanda ka para sa mga panahong mataas ang demand.

  • Planuhin ang mga larawan. Pagtuunang kumuha ng mga litratong nagtatampok sa mga natatanging detalye, patok na amenidad, at accessibility feature ng patuluyan mo. Kuhanan ng litrato mula sa iba't ibang anggulo ang bawat kuwarto at lugar na puwedeng gamitin ng mga bisita.
  • Mag‑upload ng mga pahalang na larawang may mataas na resolution. Kailangang kahit 800 pixels by 1,200 pixels man lang ang mga litrato. Kapag mas malaki ang file, mas maganda. Puwede ang hanggang 10 megabytes.
  • Kumuha ng pro. Pag‑isipang kumuha ng propesyonal na photographer. Matutulungan ka ng Airbnb na makahanap ng propesyonal sa mga piling lungsod sa iba't ibang panig ng mundo.
  • Gumawa ng photo tour. Awtomatikong isasaayos ayon sa kuwarto ng tool ng Airbnb ang mga ia‑upload mong larawan para matulungan ang mga bisita na maintindihan ang layout ng patuluyan mo. Puwede kang maglipat, mag‑alis, at magdagdag ng mga litrato, maglagay ng mga detalye sa bawat kuwarto, at sumulat ng caption para sa bawat litrato.

Padaliin ang pag‑check in at pag‑check out

Isa pang paraan para maging mas nakakaengganyo ang listing mo ang pagpapasimple sa pag‑check in at pag‑check out.

  • Magdagdag ng sariling pag‑check in. Mag‑install ng smart lock, keypad, o lockbox na magagamit ng mga bisita para i‑unlock ang pasukan gamit ang code. Maraming bisita ang naghahanap ng sariling pag‑check in dahil madali at flexible iyon, at puwede ka pang makatipid ng oras. Anuman ang piliin mong paraan, mahalagang bigyan ng natatanging access code ang bawat bisitang magbu‑book.
  • Magtakda ng mga tagubilin sa pag‑check out. Maglagay ng malilinaw at simpleng hakbang, halimbawa, kung saan iiwan ang susi at kung ano ang kailangang isara.

“Mahalagang hindi mapapagod ang mga bisita sa mga ipapagawa mo dahil hindi maganda kung mahabang listahan lang ng ipinagawa sa kanila bago mag‑check out ang maaalala nila,” sabi ni Katie na miyembro ng Host Advisory Board at Superhost sa Palm Springs, California. “Baka mabigyan ka pa ng five‑star na review dahil lang hindi marami ang ipinapagawa mo bago mag‑check out.”

Sumali sa lokal na Host Club

May daan‑daang Host Club sa iba't ibang panig ng mundo na tumutulong sa mga Airbnb host na makipag‑usap at matuto sa mga kapwa nila host. Napag‑alaman naming kumikita ang mga miyembro ng mga lokal na club na ito nang dalawang beses na mas malaki kaysa sa mga host na hindi miyembro ng club,* at halos tatlong beses na mas malamang silang maging Superhost.**

Kabilang sa mga patok na aktibidad ng club ang:

  • Palitan ng mga tip sa pagho‑host na puwedeng makapagpalaki sa kita
  • Talakayan ng mga regulasyon sa panandaliang matutuluyan
  • Bahagian ng mga maaasahang lokal na serbisyo (tagalinis, tubero, atbp.)
  • Pagdalo sa mga eksklusibong networking event

*Ayon sa internal na datos ng Airbnb kapag inihahambing ang average na kita at rating ng mga miyembro ng Airbnb Host Club sa iba't ibang panig ng mundo sa kabuuang populasyon ng mga host sa mundo mula Setyembre 2022 hanggang Setyembre 2023. Iba‑iba ang datos ng kita depende sa lokasyon, panahon, at uri ng listing.

**Ayon sa internal na datos ng Airbnb tungkol sa pagiging Superhost ng mga host na sumali mula Hulyo 2023 hanggang Hulyo 2024.

Ikaw lagi ang bahala sa presyo at iba pang setting mo. Posibleng maiba ang resulta para sa iyo.

Binayaran ang mga host para sa pakikilahok nila sa mga panayam.

Napapailalim sa lokal na batas ang mga tip sa pagho‑host.

Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.

Airbnb
Ene 6, 2025
Nakatulong ba ito?