Naghahanap ng komunidad ang isang photographer matapos niyang mawalang ng tahanan
Sanay si Kevin Cooley sa pagkuha ng litrato ng mga wildfire. Hanapbuhay niya ang pagkuha ng litrato ng mga sunog at iba pang pangyayari sa kalikasan. Hindi niya inakalang tutupukin ng wildfire ang tahanan ng pamilya niya sa Altadena.
Natupok ng apoy ang tahanan, studio, at karamihan sa mga gawa nina Kevin at ng asawa niyang si Bridget na isa ring artist at guro. Lumikas sila kasama ang anak nilang si Copernicus at ang aso nilang si Galaxy. Nalaman ni Bridget ang tungkol sa libreng pang‑emergency na matutuluyan na ibinibigay ng Airbnb.org sa pamamagitan ng 211LA at mabilis siyang nag‑apply para sa mga credit.
Libreng namalagi nang ilang linggo sa isang Airbnb sina Kevin, Bridget, Copey, at Galaxy sa pamamagitan ng Airbnb.org.
Namalagi ang pamilya sa isang Airbnb sa loob ng ilang linggo habang pinag‑iisipan nila kung ano ang susunod nilang gagawin. “Sinusubukan lang naming kunin ang pagkakataong ito para mag‑isip kung paano namin haharapin ang susunod na mga araw,” sabi ni Kevin.

placeholder
“Talagang nakakalungkot ang pagkawala ng bahay at mga gamit namin,” sabi ni Bridget. “Pero napakagandang komunidad nito at ayaw ko talagang mawala iyon.”
Sa kanilang pamamalagi, ipinakita ni Kevin ang mga litrato niya sa isang exhibit sa isang lokal na gallery at naganap ang paglulunsad ng libro na matagal na niyang pinagplanuhan bago pa ang sunog. Naging pagkakataon iyon para matipon niya ang komunidad sa panahong kailangan niya at ng pamilya niya ng koneksyon at suporta.
“Talagang nakakalungkot ang pagkawala ng bahay at mga gamit namin,” sabi ni Bridget. “Pero napakagandang komunidad nito at ayaw ko talagang mawala iyon.” Nakahanap ang pamilya ng pangmatagalang solusyon sa pabahay at nagsisikap sila na panatilihing magkakasama ang komunidad nila.Makibahagi
Sumali sa pandaigdigang komunidad na nagbibigay ng pang‑emergency na matutuluyan sa oras ng sakuna.
Matuto paMay kuwento ang bawat pamamalagi
Kilalanin ang mga taong apektado ng mga kalamidad at ang mga taong tumulong.