Paralympian na si Vanderson Chaves
Dahil sa Paralympian, nananatiling buhay ang mga pangarap para sa 2024 Paralympic Games sa Paris pagkatapos ng mga pagbaha sa Brazil
Isang buwan bago ang inaasahang kwalipikasyon ng fencer na si Vanderson Chaves para sa 2024 Paralympic Games sa Paris, sinalanta ng matinding baha ang kanyang tahanan sa Rio do Sul, Brazil. Isa siya sa 600,000 kataong nawalan ng tirahan dahil sa sakuna.
Kalaunan, umabot sa kisame ng kanyang apartment ang taas ng tubig at tinangay nito ang mga kagamitan niya sa fencing, medalya, at pasaporte. Nangamba si Vanderson na baka mawala ang pagkakataon niyang makapunta sa Paris dahil sa mga pagbaha. Dati nang lumahok si Vanderson sa kompetisyon sa Paralympic Games sa Rio de Janeiro noong 2016 at sa Tokyo noong 2021.
Miyembro ng wheelchair fencing team sa Brazil mula noong 2013 si Vanderson at isa siya sa mga nangungunang kalahok para sa kompetisyon sa fencing foil at saber sa America. Dumating ang fencing sa buhay niya sa panahon ng kagipitan. “Hindi ito love at first sight para sa sports,” sabi niya.
Pangarap ni Vanderson na maging isang propesyonal na manlalaro ng soccer. Nang 12 taong gulang pa lang siya, tinamaan siya ng ligaw na bala sa kanyang leeg kaya naging paralisado siya mula sa baywang pababa. "Una kong naisip kung paano na ako makakapaglaro ng soccer," sabi niya.
Nagtrabaho siya sa City Hall kasama ang wheelchair fencer na naghikayat sa kanyang subukan ang sports. Hindi talaga pamilyar si Vanderson tungkol sa fencing at sinabi niyang hindi siya interesado. Hindi nagtagal, gusto niyang malaman ang tungkol dito kaya pinagmasdan niya ang pagsasanay ng team ng kanyang katrabaho. Tumatak sa isipan ang karanasan.
“Lahat ng mga bagay na iniisip kong hindi ko na kayang gawin, nagawa nila." Nagpasya si Vanderson na subukan ang fencing at agad niya itong nagustuhan. Mula noon, nakabiyahe na siya sa iba't ibang panig ng mundo para lumahok sa mga kompetisyon sa pinakamataas na antas ng kanyang sports. 1 ng 1 page
Noong Mayo 4, 2024, binaha ang bahay ni Vanderson. May natitira pang dalawang mahalagang kompetisyon para maging kwalipikado siya para sa Paris. Bukod sa paglaban sa mental stress na dulot ng sakuna, kailangan din niya ng kagamitan at lugar kung saan siya puwedeng mamalagi para makapagpatuloy siya sa kanyang pagsasanay.
Nagbigay ng donasyong tulad ng mga damit at kagamitan para sa atleta ang mga fencer mula sa Brazil at US at nakahanap si Vanderson ng libre at accessible na lugar na matutuluyan sa Porto Alegre sa pamamagitan ng Airbnb.org. Dahil may matutuluyan na siya, nagawa niyang patuloy na magsanay.
“Mahalaga sa akin ang pagkakaroon ng matutuluyan sa pamamagitan ng Airbnb.org dahil nabigyan ako ng kapanatagan ng isip at seguridad ngayong batid kong matatapos ko ang aking pagsasanay. Makakauwi na ako at makakapagpahinga."

Sa kabila ng maraming problema, naging kwalipikado si Vanderson at nakakuha ng mga puntos na kailangan niya para sa makalahok sa kompetisyon sa Paralympic Games. Hindi niya alam kung o kailan siya makakabalik sa kanyang tahanan, pero umaasa siyang makakapag-uwi siya ng bagong medalya pabalik ng Brazil.
Tunghayan si Vanderson sa kanyang paglahok sa kompetisyon simula Setyembre 3 nang 13:00 CET.

Nagbigay ng mga matutuluyan ang Airbnb.org sa mga nakaligtas sa Brazil
Mula noong nagkaroon ng baha, nagbigay ang Airbnb.org ng mga libreng lugar na matutuluyan para sa mga taong lumikas sa Rio do Sul. Sa pakikipagtulungan sa nonprofit na Pertence, nakapagbigay kami ng matutuluyan sa mga pamilyang may mga batang may mga espesyal na pangangailangan at kapansanan. Nakipagtulungan din kami sa UNICEF para mabigyan ng matutuluyan ang mga first responder na sumusuporta sa mga pagsisikap para sa pagtulong sa sakuna.
Suportahan ang Airbnb.org
Direktang napupunta ang 100% ng mga donasyon sa pagpopondo ng mga libreng matutuluyan para sa mga taong nangangailangan ng tulong.
Magbigay ng donasyon