Magpapakita ng mga suhestyon pagkatapos i-type ang input sa paghahanap. Gamitin ang pataas at pababang arrow para tumingin-tingin. Gamitin ang enter para pumili. Kung parirala ang pinili, isusumite sa paghahanap ang pariralang iyon. Kung link ang suhestyon, pupunta sa page na iyon ang browser.
Magpapakita ng mga suhestyon pagkatapos i-type ang input sa paghahanap. Gamitin ang pataas at pababang arrow para tumingin-tingin. Gamitin ang enter para pumili. Kung parirala ang pinili, isusumite sa paghahanap ang pariralang iyon. Kung link ang suhestyon, pupunta sa page na iyon ang browser.

Ang kailangan mong malaman tungkol sa pagho-host ng mga pamilyang may mga bata

Ihanda nang mabuti ang patuluyan mo at i‑update ang listing mo.
Ni Airbnb noong Hul 21, 2020
Na-update noong Hun 18, 2025

Malaki ang maitutulong ng maliliit na detalye para sa sinumang bumibiyahe nang may kasamang maliliit na bata. Puwedeng maging kaaya-aya sa mas maraming bisita ang pag-aalok ng mga espesyal na amenidad o kagamitan para sa mga pamilya.

Paghahanda sa patuluyan mo

Pag-isipang i-update ang tuluyan mo para gawin itong pampamilya. Tiyaking gumawa ng mga pangunahing hakbang para sa kaligtasan para maprotektahan ang mga bisita at patuluyan mo.

  • Pumili ng matibay at ligtas na muwebles, at iwasan ang salamin kung posible.
  • Tiyaking hindi maaabot ng mga bata ang mga puwedeng mabasag at matulis na gamit.
  • Maglagay sa kusina ng muling magagamit na mga plastik na baso at pinggan para maiwasang may mabasag na kasangkapan.
  • Maglagay ng mga pansarado sa mga kabinet at mga pamproteksyong takip sa mga saksakan.
  • Pumili ng matitibay at madadaling linising materyal, gaya ng mga high-performance na tela.
  • Magbigay ng mga karaniwang hinihiling na item, gaya ng mga dagdag na tuwalya at sapin.
  • Takpan ng nalalabhang alpombra ang mga sahig na yari sa matigas na kahoy.
  • Magkabit ng mga smoke at carbon monoxide alarm at regular na palitan ang mga baterya.
  • Maglagay ng fire extinguisher malapit sa kalan sa kusina.
  • Isama ang mga lokal na numerong pang-emergency sa manwal ng tuluyan mo at sa card na mabilisang masasangguni ng mga bisita.

Pag‑update sa listing mo

Kapag naihanda mo na ang tuluyan mo, i-refresh ang mga detalye ng listing mo at i-update ang mga amenidad para makahikayat ng mga booking at magtakda ng mga dapat asahan. Magagamit ng mga bisita ang mga filter sa paghahanap para mabawasan ang mga mapagpipilian nila.

  • Idagdag ang bawat amenidad na iniaalok mo, kabilang ang mga patok na item tulad ng kuna at high chair.
  • Kung mayroon kang washer o dryer sa patuluyan, banggitin kung nagbibigay ka ng sabong panlaba at kung may anumang dagdag na bayarin.
  • Kung may bathtub, magdagdag ng note sa mga detalye ng listing mo at magsama ng litrato sa gallery ng larawan.
  • Tiyaking mahahanap sa mga litrato mo ang lahat ng inilarawan mo.
  • Magdagdag ng mga rekomendasyong pampamilya sa guidebook mo, gaya ng mga kalapit na palaruan at kung saan makakakuha o makakabili ng mga supply.

Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.

Airbnb
Hul 21, 2020
Nakatulong ba ito?