Pagpapahintulot ng sariling pag‑check in para sa walang aberyang pagdating
Isa sa 10 nangungunang amenidad sa Airbnb ang sariling pag-check in. Madalas i-filter ng mga bisita ang mga resulta ng kanilang paghahanap para makahanap ng mga patuluyang nag-aalok ng sariling pag-check in.* Puwedeng mamukod-tangi ang listing mo kapag nagdagdag ka ng paraan ng pag-check in tulad ng smart lock.
Makakatipid ka ng oras, mas mapapadali ang pag-check in at posibleng mas maganda ang maging mga review sa iyo kapag nag-alok ka sa mga bisita ng simpleng paraan para makapasok sila.
Pumili ng paraan ng pag-check in
Ang mga pinakapatok na paraan para sa sariling pag-check in ay: smart lock, keypad, at lockbox. Anuman ang pipiliin mong paraan, mahalagang bigyan ng natatanging access code ang bawat bisitang nagbu-book.
Pagkatapos mong mag-install ng smart lock, keypad, o lockbox sa patuluyan mo, tandaang i-update ang listing mo. Puwede mong idagdag o i-edit ang iyong paraan ng pag-check in sa iyong gabay sa pagdating.
Maglagay ng mga tagubilin sa pag‑check in
Ibahagi ang mga tip kung paano makapasok sa tuluyan. Awtomatikong matatanggap ng mga bisita ang mga tagubilin mo 24 hanggang 48 oras bago mag-check in.
Ipaliwanag kung saan matatagpuan at kung paano buksan at isara ang iyong smart lock, keypad, o lockbox. Puwede kang magdagdag ng mga litrato para malinaw.
Mag-set up ng mga mabilisang tugon
Gamitin ang mga template ng maikling mensahe na ito para makatipid ng oras sa pagsagot ng mga karaniwang tanong sa pag-check in. Halimbawa, maaari kang gumawa ng template na puwedeng ipadala sa tuwing hihingi ang bisita ng mga direksyon sa pagmamaneho o tip sa pagparada.
Madali mong mae-edit at maipapadala ang mga mabilisang tugon anumang oras kapag nagpapadala ka ng mensahe sa mga bisita.
Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na-publish ito.
*Ayon sa datos ng Airbnb na nagkakalkula sa mga amenidad na pinakamadalas hanapin sa iba't ibang panig ng mundo mula Enero 1 hanggang Hunyo 30, 2024.