Hindi available sa pinili mong wika ang nilalamang ito, kaya inihanda namin ito sa pinakamalapit na available na wika sa ngayon.

Gawing bukod‑tangi ang isusumite mong Karanasan

Ibahagi kung ano ang natatangi sa aktibidad, kung saan ito gaganapin, at ang mga kwalipikasyon mo.
Ni Airbnb noong Dis 9, 2024
Na-update noong Dis 9, 2024

Pagkakataon ang magagandang Karanasan sa Airbnb para makapag‑explore ang mga bisita ng mga espesyal na lugar at makalahok sila sa mga natatanging aktibidad na pinapangasiwaan ng marurunong na host. Dapat maitampok ng isusumite mo kung paano mo planong matugunan at malampasan ang mga inaasahan nila sa Karanasan.

Gamitin ang mga tip na ito para sagutin ang mahahalagang tanong at gawing nakakahikayat na Karanasan ang mga ideya mo.

Ano ang natatangi sa Karanasan mo?

  • Magbigay ng detalyadong itineraryo na nagpapaliwanag ng mga gagawin ng bisita mula umpisa hanggang katapusan.
  • Ilarawan ang nagpapabukod‑tangi sa aktibidad mo at kung bakit hindi ito magagawa ng mga bisita kung sila lang.
  • Tukuyin kung ano ang matututunan o matutuklasan ng mga bisita sa panahon nila kasama ka.
  • Sabihin sa amin kung paano makikipag‑ugnayan sa isa't isa ang mga bisita.

Ano ang espesyal sa lokasyon?

  • Banggitin kung paano itinatampok ang lugar o kultura mo sa aktibidad na hino‑host mo.
  • Tukuyin ang access ng insider na maihahandog mo sa mga bisita para sa isang lokasyon. Halimbawa, kung labas ito sa opisyal na oras ng negosyo, behind-the-scenes ito, o para lang ito sa mga naimbitahan.
  • Magsama ng detalye tungkol sa pangkalahatang kahalagahan ng aktibidad na ito sa lungsod o rehiyon mo.
  • Banggitin ang anumang interesanteng lugar o landmark na pupuntahan ninyo.

Bakit ka kwalipikadong i‑host ang Karanasan?

  • Ipaliwanag kung paano nauugnay ang Karanasan sa personalidad, kasaysayan, o hilig mo.
  • Tukuyin ang kadalubhasaan mo tulad ng nauugnay na trabaho, mga pinag‑aralan, kredensyal, at sertipikasyon.
  • Banggitin ang mga award o pagkilalang natanggap mo at anumang pagkakatampok sa publikasyon o media.

May mga litrato ka bang nagtatampok sa Karanasan?

  • Magsumite ng kahit man lang limang orihinal na may kulay na litratong nagtatampok ng mga hakbang mula sa umpisa hanggang katapusan ng aktibidad mo.
  • Magsama ng larawang nagtatampok sa iyo habang hino‑host mo ang Karanasan.
  • Pumili ng mga litratong mula sa malayo, medyo malapit, at close-up para makapagbigay ng malawakang ideya (tulad ng lokasyon o pakikipag‑ugnayan) at maliliit na detalye (tulad ng kagamitan).
  • Pumili ng mga litratong maliwanag at malinaw kung saan nakagitna ang paksa ng larawan.
  • Pumili ng mga patayong larawan na mataas ang resolution, na kahit 800 x 1,200 pixels man lang.
  • Huwag gumamit ng selfie, larawang ginamitan ng AI, at stock photo.

Before submitting your ideas, make sure the experience meets these standards and requirements.

Information contained in this article may have changed since publication.

Airbnb
Dis 9, 2024
Nakatulong ba ito?