I‑explore ang mga bagong tool para sa experience
Kumpleto ang lahat ng kailangan mo sa pinaganda pang Airbnb app para mapangasiwaan ang experience mo. Sa tulong ng mga tool sa pagho‑host, mapapadali mo ang pag‑iiskedyul, makakahikayat ka ng mga nagbu‑book, makakaugnayan mo ang mga bisita, mauunawaan mo ang mga kinikita, at makakakuha ka ng mga insight tungkol sa mga rating at review.
Nakaayos sa limang tab na ito ang mga tool kapag naka‑log in ka bilang host.
Ngayong Araw
Ang tab na Ngayong Araw ang bubungad sa iyo pagkabukas mo ng app. Mabilis mong masisilip ang mga detalye ng reserbasyon para makatulong sa pagpaplano ng araw mo at pagbibigay ng natatanging hospitalidad.
- Magpalipat‑lipat sa view ng mga booking ngayong araw at mga nalalapit na reserbasyon para malaman kung sino ang iho‑host mo at kung kailan iyon.
- Maglagay ng mga note para sa sarili mo sa mga reserbasyon, tulad ng mga paalala tungkol sa mga espesyal na okasyon o kahilingan.
- Makakuha ng mga tip sa dapat gawin para sa bawat reserbasyon, tulad ng pagbabahagi ng mahahalagang detalye para matulungang maghanda ang mga bisita.
Kalendaryo
Sa pinaganda pang Kalendaryo, may bagong view na arawan para mapagaan ang mga bagay‑bagay. Madali mong masusuri at maa‑update ang iskedyul mo, nang paisa‑isang oras pa.
- Magdagdag ng availability para sa experience mo, at piliin kung aling mga event ang gusto mong patuloy na umulit‑ulit.
- I‑sync ang kalendaryo mo sa Airbnb at ang Google Calendar mo para masubaybayan ang lahat sa iisang lugar.
- Alamin ang bilang ng mga nakumpirmang bisita para sa bawat event na iniskedyul mo.
- Magtakda ng mga iniangkop na presyo para sa mga partikular na petsa at oras para makahikayat ng mga nagbu‑book.
Puwedeng madaliang i‑book ng mga bisita ang anumang bakanteng slot sa kalendaryo mo kaya mahalagang siguraduhing updated ang availability mo.
Mga Listing
Tinutulungan ka ng tab na Mga Listing na pangasiwaan ang mga detalye ng listing mo. Puwede mong i‑update ang mga itinakda mong presyo at ipakita sa mga bisita ang experience.
- Magdagdag ng mga diskuwento para sa limitadong panahon, maagang pagbu‑book, at malaking grupo para mahikayat ang mga bisita na mag‑book.
- Magdagdag sa listing ng mga litratong may mataas na kalidad para magtakda ng malilinaw na dapat asahan at makatulong na maging kapansin‑pansin ang listing mo.
- Siguraduhing i‑update din ang itineraryo kapag may binago ka sa lokasyon o mga aktibidad.
- I‑edit ang mga setting, tulad ng laki ng grupo, oras ng cutoff sa pagbu‑book, at access ng co‑host sa listing mo.
- Magdagdag ng mga accessibility feature, kabilang ang mga feature na pantulong sa pandinig at paningin.
Dapat matugunan ng lahat ng host, litrato, at detalye ng listing ang mga pamantayan at rekisito para sa mga experience sa Airbnb.
Mga Mensahe
Tinutulungan ka ng tab na Mga Mensahe na makipag‑ugnayan sa mga bisita bago, habang, at pagkatapos ng experience. Magpapadala ka ng mga mensahe sa group message na awtomatikong gagawin para sa bawat event.
- Magbahagi ng mga video o litrato para magpakilala bago ang experience o para balikan ang mga di‑malilimutang sandali pagkatapos ng experience.
- Direktang magpadala ng mensahe sa bisita para mag‑follow up sa mga partikular na kahilingan kung kinakailangan.
- Sagutin ang mga karaniwang tanong gamit ang mga naiaangkop at nakasulat nang mabilisang tugon, o gumawa ng mga template mo.
- Mag‑iskedyul ng mga mabilisang tugon para awtomatikong magpadala ng mga importanteng detalye sa mahahalagang sandali, halimbawa, pagkatapos mag‑book at isang araw bago ang experience.
- Makipag‑ugnayan sa Airbnb Support o magpadala ng mensahe sa host kapag ginagamit mo ang app bilang bisita.
Menu
Sa Menu, maa‑access mo ang kita, mga insight, at iba pang setting. Makakakuha ka ng mga iniangkop na tip at higit pang sanggunian para makatulong na mapalago ang negosyong pagho‑host mo.
- Alamin ang kinita mo at gumawa ng mga iniangkop na ulat sa dashboard ng kita.
- Suriin ang feedback ng bisita at ihambing ang kabuuang rating mo sa mga katulad na experience sa pinaganda pang seksyon ng mga insight.
- Pangasiwaan ang mga setting ng account mo at makahanap ng mga sanggunian sa pagho‑host.
Posibleng nagbago na ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.