Paghahanda sa listing ng Karanasan mo para ma‑book ito

Buksan ang kalendaryo mo at magtakda ng sulit na presyo.
Ni Airbnb noong Peb 6, 2025
Na-update noong Peb 6, 2025

Congrats sa pagkaapruba ng Karanasan mo sa Airbnb! Pagkatapos mong i‑publish ang listing mo, may dalawang bagay kang magagawa para makahikayat ng mga una mong bisita.

Buksan ang kalendaryo mo

Kailangan mong i‑set up ang kalendaryo mo para ma‑book ng mga bisita ang Karanasan. Magpasya kung gaano kadalas mong iaalok ang aktibidad batay sa tagal nito, availability mo, at mga layunin mo sa negosyo.

Para magsimula, pumili ng araw kung kailan mo gustong mag‑host at i‑tap ang Mag‑iskedyul ng Karanasan. Pumili ng oras, uri ng booking, presyo, laki ng grupo, at iba pang detalye. Malamang na makahanap ang mga bisita ng petsa at oras na mainam para sa kanila kung mag‑aalok ka ng 10 o higit pang iskedyul ng aktibidad kada buwan, kabilang ang kahit isang araw ng weekend man lang kada linggo.

Maraming host ang nagtatakda ng hanggang dalawang buwang availability para mas malamang na makakuha sila ng booking. Kung kada araw ang iskedyul ng iniaalok mong Karanasan, puwede mo itong itakda hanggang 60 araw bago ito ganapin. Kung kada linggo ang iskedyul ng iniaalok mong Karanasan, puwede mo itong itakda hanggang 52 linggo bago ito ganapin.

Tandaang i‑block ang anumang petsa kung kailan hindi ka makakapag‑host para maiwasan ang pagkansela. Puwede ka ring mag‑block ng oras bago at pagkatapos ng aktibidad para sa paghahanda at pagliligpit.

Magtakda ng sulit na presyo

Mahalaga ang presyo sa maraming bisita kapag nagbu‑book ng mga Karanasan sa Airbnb. Posibleng mamukod‑tangi ang listing mo kung mas sulit ang presyo nito kumpara sa iba.

Magsimula sa pagtukoy kung magkano ang kailangan para masagot ang ginastos mo. Posibleng makahikayat ng mas maraming bisita at mapalaki ang kita kapag nagtakda ng mas mababang presyo para sa kada tao. Halimbawa:

  • Apat na bisita ang nag‑book sa presyong USD75 kada isa = USD300
  • Walong bisita ang nag‑book sa presyong USD60 kada isa = USD480

Puwede ka ring gumawa ng bagong promo para sa Karanasan para makahikayat ng mga unang bisita mo at review sa iyo. Magagamit ang promo para mag‑alok ng 5% hanggang 50% diskuwento sa batayang presyo sa loob ng 30 araw.

Kung pipiliin mong magtakda ng 20% diskuwento o higit pa, ilalahad ang may diskuwentong presyo sa mga resulta ng paghahanap sa Airbnb sa tabi ng orihinal na presyong naka‑strikethrough. Babalik sa orihinal na presyo ang Karanasan pagkatapos ng promo.

Para gumawa ng promo:

  1. Pumunta sa listing mo at i‑tap ang I‑edit
  2. Pumunta sa Mga setting ng presyo at i‑tap ang Mga diskuwento
  3. Sa Mga espesyal na alok, pumunta sa Bagong promo para sa Karanasan at i‑tap ang Gumawa ng alok

Ikaw lagi ang bahala sa presyo at iba pang setting mo. Posibleng maiba ang resulta para sa iyo.

Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.

Airbnb
Peb 6, 2025
Nakatulong ba ito?