Magpapakita ng mga suhestyon pagkatapos i-type ang input sa paghahanap. Gamitin ang pataas at pababang arrow para tumingin-tingin. Gamitin ang enter para pumili. Kung parirala ang pinili, isusumite sa paghahanap ang pariralang iyon. Kung link ang suhestyon, pupunta sa page na iyon ang browser.
Magpapakita ng mga suhestyon pagkatapos i-type ang input sa paghahanap. Gamitin ang pataas at pababang arrow para tumingin-tingin. Gamitin ang enter para pumili. Kung parirala ang pinili, isusumite sa paghahanap ang pariralang iyon. Kung link ang suhestyon, pupunta sa page na iyon ang browser.

Para ipamalas ang kadalubhasaan mo

Ibinabahagi ng mga nangungunang host kung paano nila ipinapamalas ang kaalaman nila.
Ni Airbnb noong May 13, 2025
Na-update noong May 13, 2025

Natutuwa ang mga bisita kapag nag-aalok ang host nila ng mga bagong pananaw at natutulungan niya silang magkaroon ng bagong kaalaman. Ibahagi ang background at kaalaman mo para gawing espesyal ang kanilang experience.

Pagbabahagi nang personal

Bumubuo ng kumpiyansa ang pakikipag-ugnayan sa mga bisita mo. Nakakatulong din ito sa kanilang mas maunawaan ang ihinahatid mo sa experience.

  • Maging namumukod-tangi. Isama ang mga detalyeng nagtatampok ng kadalubhasaan mo kapag nakikipag-ugnayan ka sa mga bisita.
  • Gumamit ng pagkukuwento. Magplano ng mga aktibidad na nagtatampok sa background mo at gumawa ng mga tunay na sandaling mae-enjoy kasama ng mga bisita.

Nagho-host si Debora ng mga klase sa pagluluto sa kanyang tuluyan sa Rome. Itinatampok niya ang kanyang mga sertipiko sa pagiging sommelier at chef para hikayatin ang mga bisita na magtanong. Mayroon din siyang naka-frame na larawan ng kanyang lola, na nagpasa ng mga tradisyon ng pamilya, sa dingding. “Ibinabahagi namin ang mga kuwento at recipe niya,” sabi niya. “Hindi lang tungkol sa pagkain ang mga review, kundi pati na rin sa kamangha-manghang pakikipag-ugnayan namin sa grupo.”

Pagbabahagi gamit ang app

Maipapamalas ng seksyong “Mga highlight ng host” ng listing ang kredibilidad mo na magpapahiwatig naman sa kalidad ng iniaalok mong experience. Magdagdag pa ng mga detalye para lalo ka pang mamukod‑tangi, at i‑update ito sa tuwing mapaparangalan ka.

  • Sumulat ng pagpapakilala. Lalabas ito bilang titulo mo at maipaparating nito na may hatid kang bagong pananaw.
  • Ibalangkas ang kadalubhasaan mo. Makakapagbigay ng ideya tungkol sa mga kasanayan mo ang mga kredensyal mo, gaya ng mga degree at sertipikasyon.
  • Ibahagi ang mga pagkilala sa iyo. Mas madaling paniniwalaan ang kadalubhasaan mo kapag may mga parangal, gawad, at pagkatampok sa media.

Halimbawa, nagho‑host si Jib ng klase sa pagluluto sa Bangkok, at isinaad niya na dati siyang food columnist. Nagho‑host naman si Teresa ng klase sa pagtikim ng wine sa Lisbon, at isinaad niya na sommelier siya at may sertipikasyon siya para magturo tungkol sa port. Si Tommaso naman, na nagho‑host ng walking tour para sa sining sa Rome, nagsaad na multidisciplinary artist siya na nakapag‑exhibit na sa mga kilalang lugar tulad ng Fondazione Pastificio Cerere.

Dapat matugunan ng lahat ng host, litrato, at detalye ng listing ang mga pamantayan at rekisito para sa mga Experience sa Airbnb.

Posibleng nagbago na ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.

Airbnb
May 13, 2025
Nakatulong ba ito?