Ano ang kinakailangan para makapag-host ng mga Experience sa Airbnb
Mga sobrang malikhaing experience na hino‑host ng mga lokal na nakakaalam sa lungsod nila ang mga Experience sa Airbnb. Kasama sa mga aktibidad ang mga natatanging tour, pagtikim, aktibidad sa labas, workshop, at higit pa.
Sinusuri ang kalidad ng mga experience, at inaasahang matutugunan ng mga host, co-host, at listing ang mga pamantayan at rekisito namin. Narito ang ilang mahalagang malaman.
Mga pangunahing pamantayan
- Pagpapatunay ng pagkakakilanlan: Patunayan ang pagkakakilanlan mo at, kung naaangkop, ipasa ang mga background check at iba pang pagsusuri.
- Lisensya at sertipikasyon: Magpanatili ng mga wastong lisensya, insurance, at sertipikasyong nauugnay sa aktibidad. Magbigay ng patunay kapag kinakailangan.
- Kaalaman: Magkaroon ng pormal na pagsasanay o iba pang nauugnay na background, gaya ng edukasyon, apprenticeship, o heritage ng pamilya. Posible naming beripikahin ang edukasyon, history ng employment, o mga award at pagkilalang ilalagay mo sa listing.
- Aktibidad: Ikonekta ang aktibidad sa lokal na kultura, pagkain, o mga tao. Dapat mahikayat ng experience ang mga bisita na lumahok at makilala ka at ang isa't isa.
- Lugar: Pumili ng lokasyong ligtas, malinis, komportable, at may sapat na kagamitan para sa experience.
Mga pamantayan sa listing
- Mga litrato: Magsumite ng kahit man lang 5 magandang litratong may kulay. Magbahagi ng kahit ilang kailangan para maging malinaw ang maaasahan ng bisita.
- Pamagat: Pagtuunan ang pangunahing aktibidad. Simulan ang pamagat mo gamit ang pandiwang nagsasaad sa gagawin ng mga bisita sa experience gaya ng “mag-explore,” “tumuklas,” o “tumikim.”
- Paglalarawan: Maglagay ng mga detalyeng angkop sa pamagat na binibigyang-diin kung bakit dapat i-book ng bisita ang experience, kung sino ka, at kung bakit espesyal ang lokasyon.
- Itineraryo: Idetalye ang mga partikular na aktibidad sa experience mula simula hanggang dulo, para makapagpasya ang mga bisita kung bagay sa kanila ang experience. Magsama ng kahit man lang isang aktibidad.
Susuriin ang mga isusumiteng experience at pagbabago sa mga naaprubahan nang listing.
Mga rekisito sa pagho-host
- Mga booking: Tuparin ang mga reserbasyon ng bisita at iwasang magkansela para sa mga maiiwasang dahilan.
- Pagmemensahe: Makipag-ugnayan kaagad sa mga bisita bago magsimula ang reserbasyon nila.
- Kaligtasan: Pumili ng ligtas na venue, at bigyan ng wastong pagsasanay at kagamitan ang mga bisita para maiwasang may masaktan. Magkaroon ng plano para sa mga emergency.
- Mga rating: Panatilihing mataas ang star rating mula sa mga bisita.
- Listing: Panatilihing tumpak ang mga detalye ng listing mo, kasama ang lokasyon, oras ng pagsisimula at pagtatapos, at anumang rekisito para sa co-host at bisita, gaya ng naaangkop na edad at antas ng kasanayan para sa mga aktibidad.
Kasalukuyan ang pagsusuri. Sinusuri ng Airbnb ang feedback ng bisita, pagkansela ng host, at ulat sa customer service tungkol sa kaligtasan at kalidad ng mga experience.
Bukod pa sa mga nakadetalye sa itaas, kailangan mo ring sumunod sa Mga Tuntunin ng Serbisyo at Mga Pangunahing Alituntunin para sa Host at Patakaran sa Kaligtasan sa Pagho-host ng Airbnb.
Posibleng masuspinde o maalis ang listing ng mga host na hindi nakakatugon sa mga pamantayan at rekisito namin. Basahin ang kabuuan ng mga pamantayan at rekisito ng mga Experience sa Airbnb.
Posibleng nagbago na ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.