Sulitin ang tab na Mga Mensahe
Ang tab na Mga Mensahe ang inbox mo sa Airbnb. Sa pamamagitan nito, nasa iisang lugar na ang mga mensahe mo tungkol sa pagho‑host, pagbiyahe, at suporta. Sa pamamagitan ng mga feature sa tab na Mga Mensahe, magagawa mong:
- Mag‑filter at maghanap ng mga mensahe.
- Magpadala at mag‑iskedyul ng mga nakasulat nang template na tinatawag na mga mabilisang tugon.
- I‑edit at bawiin ang mga kamakailang mensahe.
- Makipag‑ugnayan sa lahat ng bisita sa reserbasyon sa iisang thread.
- Alamin kung kailan nabasa ng mga bisita ang mga mensahe mo gamit ang mga palatandaang nabasa na.
- Ibahagi ang guidebook mo at magrekomenda ng mga lokal na experience at serbisyo sa Airbnb.
- Maglakip ng mga litrato at video sa mga mensahe.
Pag‑filter at paghahanap ng mga mensahe
Nakaayos sa mga kategorya ang mga mensahe sa tab na Mga Mensahe. Mga tuluyan, mga experience, mga serbisyo, pagbiyahe, suporta, at mga direktang mensahe ang mga pangunahing kategorya.
Mga kategoryang nauugnay lang sa Airbnb account mo ang ipinapakita sa default na view na Lahat. Pumili ng kahit anong kategorya para i-filter ang mga mensahe ayon sa uri.
Sa mga tuluyan, magagamit mo ang mga karagdagang filter na ito:
- Hindi pa nababasa: Mga hindi pa nabubuksang mensahe lang ang ipapakita.
- Yugto ng reserbasyon: Isinasaayos ang mga mensahe ayon sa mga kahilingan sa pagpapareserba, nalalapit na reserbasyon, kasalukuyang hino‑host, at nakalipas na reserbasyon.
- Mga listing: Isinasaayos ang mga mensahe ayon sa listing kung mahigit isa ang listing mo.
- May star: Mga mensahe lang na nilagyan mo ng star ang ipapakita.
Sa mga experience at serbisyo, magagamit mo ang mga karagdagang filter na ito:
- Hindi pa nababasa: Mga hindi pa nabubuksang mensahe lang ang ipapakita.
- May star: Mga mensahe lang na nilagyan mo ng star ang ipapakita.
- Mga group message: Isinasaayos ang mga thread ng pag-uusap ayon sa reserbasyon kung mahigit isang bisita ang nag-book.
Kung may co‑host ka o Superhost Ambassador ka, mapapansin mo sa tab na Mga Mensahe ang mga filter na ito:
- Co‑host: Ipinapakita ang mga pag‑uusap ninyo ng sinumang co‑host sa isang listing.
- Superhost Ambassador: Ipinapakita ang mga mensahe sa pagitan ninyo ng mga host na itinugma sa iyo.
Ipinapakita ng filter na pagbiyahe ang mga mensaheng ipinapadala at natatanggap mo bilang bisita. Ipinapakita ng filter na suporta ang mga pakikipag-usap mo sa Airbnb Support.
May hinahanap ka bang partikular na pag‑uusap? Puwede kang maghanap sa mga mensahe gamit ang mga pangalan, salita, o parirala. Isasaalang‑alang sa mga resulta ang anumang inilapat mong filter para mas mabilis mong matunton ang hinahanap mong pag‑uusap.
Pagpapadala ng mga mabilisang tugon
Tumutukoy ang mabilisang tugon sa maikling nakasulat nang mensahe na naka‑save bilang template sa mga setting ng pagpapadala ng mensahe.
Sa pamamagitan ng mga placeholder para sa mga detalye, tulad ng pangalan ng bisita, maiaangkop ang bawat mensahe gamit ang impormasyong kukunin sa listing o reserbasyon.
Nakakatulong ang mga mabilisang tugon para makasagot ka nang mabilis at makatipid ka ng oras. Gumawa ng sarili mong mga mabilisang tugon o i-edit ang mga template ng Airbnb. Puwedeng ipadala kaagad ang mga ito o nang nakaiskedyul sa mahahalagang sandali.
Matuto pa tungkol sa mga mabilisang tugon para sa mga host ng tuluyan, experience, o serbisyo.
Pakikipag‑ugnayan sa grupo
Magsisimula ang bawat reserbasyon ng bagong pag‑uusap sa tab na Mga Mensahe. Puwedeng imbitahan ng nag‑book na bisita na sumali sa reserbasyon ang iba pang bisita na kasama niyang bibiyahe. Idaragdag sa pag‑uusap ang mga bisitang tatanggap sa imbitasyon.
Kung nagho‑host ka ng experience, awtomatikong idaragdag sa iisang group message ang lahat ng bisitang magbu‑book ng parehong petsa at oras. Puwede rin nilang imbitahang sumali ang mga kasama nilang bibiyahe.
Nakakapagpadala ng mensahe sa buong grupo ang mga host at co‑host. Mababasa ng mga bisita ang lahat ng mensahe kahit nagsimula na ang pag-uusap bago sila sumali, kaya hindi mo na kailangang umulit sa pagpapadala ng mensahe.
I‑tap ang button na mga detalye para sa higit pang impormasyon tungkol sa reserbasyon at pag‑uusap, kabilang ang listahan ng lahat ng sumali. Piliin ang litrato ng isang bisita para pumunta sa profile niya at kilalanin pa ang iho‑host mong bisita.
Paggamit ng iba pang feature sa pagpapadala ng mensahe
Sa tulong ng iba pang feature sa tab na Mga Mensahe, makakaugnayan ng mga host at co-host ang isa't isa at ang mga bisita bago mag-book, habang nagbu-book, at pagkatapos mag-book.
- Sa pamamagitan ng naka‑thread na tugon, makakapagsimula ka ng thread kapag tumugon ka sa mensahe. Maisasama sa orihinal na mensahe ang tugon mo.
- Mga tool sa pag‑edit: Makakapag‑edit ka ng mensahe sa loob ng 15 minuto pagkatapos itong ipadala, at puwede mong bawiin ang mensahe sa loob ng 24 na oras.
- Ipinapaalam ng palatandaang nabasa na kung nabasa na ba ng mga bisita o iba pang tao ang mga mensahe mo, maliban na lang kung in‑off nila ang feature na ito sa mga setting ng account nila.
- Pinapadali ng mga rekomendasyon ang pagbabahagi ng guidebook mo at pagmumungkahi ng mga lokal na experience o serbisyo sa ilang tap lang.
- Sa pagbabahagi ng litrato at video, makakapaglakip ka ng mga file sa mga mensahe mo sa mga co‑host at sa mga bisita pagkatapos makumpirma ang booking nila.
Q&A tungkol sa tab na Mga Mensahe
Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.
