Magpapakita ng mga suhestyon pagkatapos i-type ang input sa paghahanap. Gamitin ang pataas at pababang arrow para tumingin-tingin. Gamitin ang enter para pumili. Kung parirala ang pinili, isusumite sa paghahanap ang pariralang iyon. Kung link ang suhestyon, pupunta sa page na iyon ang browser.
Magpapakita ng mga suhestyon pagkatapos i-type ang input sa paghahanap. Gamitin ang pataas at pababang arrow para tumingin-tingin. Gamitin ang enter para pumili. Kung parirala ang pinili, isusumite sa paghahanap ang pariralang iyon. Kung link ang suhestyon, pupunta sa page na iyon ang browser.

Pag‑explore sa mga tool sa pagho‑host

Narito ang Airbnb app para tulungan kang mag‑host.
Ni Airbnb noong Dis 10, 2025

Pinapadali ng Airbnb app na mapangasiwaan mo ang tuluyan at mapalago ang negosyo. Nakaayos sa limang tab na ito ang mga tool sa pagho-host kapag naka‑log in ka bilang host.

Ngayong Araw

Ang tab na Ngayong Araw ang bubungad sa iyo pagkabukas mo ng app. Mabilis mong masisilip ang mga detalye ng reserbasyon para makatulong sa pagpaplano ng araw mo at pagbibigay ng natatanging hospitalidad.

  • Magpalipat‑lipat sa view ng mga kasalukuyan at nalalapit na reserbasyon para malaman kung sino ang iho‑host mo at kung kailan iyon.
  • Maglagay ng mga note para sa sarili mo sa mga reserbasyon, tulad ng mga paalala tungkol sa mga espesyal na okasyon o kahilingan.
  • Makakuha ng mga tip sa dapat gawin para sa bawat reserbasyon, tulad ng pangungumusta sa mga bisita o pagbabasa ng review.

Kalendaryo

Sa kalendaryo mo susuriin at babaguhin ang availability at presyo.

  • Isaayos ang mga setting ng availability at presyo, tulad ng minimum na bilang ng gabi at mga diskuwento.
  • Dagdagan ang mga petsang puwedeng i‑book ng mga bisita at i‑block ang mga gabing hindi ka makakapag‑host.
  • Alamin ang mga tip sa presyo kada gabi na batay sa mga salik tulad ng lokasyon at mga amenidad ng listing mo, mga dating booking, at mga kasalukuyang presyo sa lugar ninyo.

Mga Listing

Tinutulungan ka ng tab na Mga Listing na pangasiwaan ang mga detalye ng listing mo. Gamitin ang mga tool na ito para makahikayat ng mga booking at mabigyan ang mga bisita ng pinakatumpak at pinakakumpletong ideya sa patuluyan mo.

  • Maglagay sa listing mo ng magagandang litrato at detalyadong gabay sa pagdating.
  • Idagdag ang lahat ng amenidad na iniaalok mo, kabilang ang mga accessibility feature.
  • Tingnan ang listing mo para makita kung paano ito makikita ng mga bisita.

Mga Mensahe

Tinutulungan ka ng tab na Mga Mensahe na makipag‑ugnayan sa mga bisita bago, habang, at pagkatapos ng pamamalagi nila.

  • Tumugon nang madali sa mga bisita gamit ang mga mabilisang tugon. Mga naiaangkop ito na template na puwedeng ipadala kaagad o iiskedyul na ipadala sa mahahalagang sandali.
  • Magbahagi ng mga litrato para magpakilala at magtampok ng mahahalagang detalye, at magdagdag ng mga video para matulungan ang mga bisita na maging pamilyar sa patuluyan mo.
  • Suriin ang mga kahilingan sa pagpapareserba, pati ang mga detalyeng tulad ng petsa ng biyahe at bilang ng bisita.
  • Magbigay ng mga rekomendasyon para sa pinakamagagandang bagay na dapat makita, gawin, at kainin sa lugar ninyo.

Sa Menu, maa‑access mo ang kita, mga insight, at iba pang setting. Makakakuha ka ng mga iniangkop na tip at sanggunian para mapalago ang negosyo mo ng pagho‑host.

  • Alamin ang kinita mo at gumawa ng mga iniangkop na ulat sa dashboard ng kita.
  • Suriin ang mga rating at review mula sa mga bisita sa seksyon ng mga insight.
  • Pangasiwaan ang mga setting ng account mo at makahanap ng mga sanggunian sa pagho‑host.

Posibleng nagbago na ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.

Airbnb
Dis 10, 2025
Nakatulong ba ito?