Makatanggap ng una mong 5‑star na review
Nakakatulong sa mga bisita ang mga rating at review para makapagdesisyon kung angkop ba sa kanila ang experience mo. Puwedeng dumami ang mga booking at lumaki pa ang kita kapag may mga positibong review.
Pagkuha ng mga unang booking
Gamitin ang mga tool para sa pagtatakda ng presyo sa tab na Mga Listing mo at ang mga setting ng availability sa kalendaryo mo para makapagsimula.
- Magdagdag ng mga diskuwento. Makakatulong ang pag‑aalok ng mga diskuwento para sa limitadong panahon, maagang pagbu‑book, at malaking grupo para makahikayat ng mga booking at mapanatiling sulit ang presyo mo.
- Buksan ang availability mo. Piliin kung gaano kaaga puwedeng i-book ng mga bisita ang experience mo. Bilang default, nakatakdang hindi available ang kalendaryo mo.
- Bawasan ang mga oras ng cutoff. Puwedeng makatulong na makaakit ng mas maraming booking ang pagpapahintulot sa mga bisita na mag-book nang mas malapit sa simula ng experience mo.
- Unahin ang mga oras kung kailan mas abala. Alamin ang mga patok na araw at oras para sa mga experience sa lugar mo, tulad ng katapusan ng linggo o holiday. Puwede kang mag-iskedyul ng mga time slot nang isang beses, araw-araw, o linggo-linggo.
Unawain ang proseso ng mga review
Matutulungan ka ng feedback ng bisita na maghatid ng pinakamataas na kalidad ng experience at bumuo ng reputasyon bilang host. Hinihiling sa mga bisita na magbigay ng:
- Kabuuang rating. Bibigyan ng rating na 1 hanggang 5 star ng mga bisita ang bawat experience. Lalabas ang average na kabuuang rating mo sa listing mo, sa mga resulta ng paghahanap, at sa profile mo.
- Mga detalyadong rating. Nagbibigay ang mga bisita ng mas partikular na feedback sa pamamagitan ng pagbibigay ng rating sa pagiging natatangi, kadalubhasaan, pakikisalamuha, lokasyon, pagkamaaasahan, at pagiging sulit.
- Pampublikong review. Lalabas ito sa profile mo at sa seksyon ng mga review ng listing mo. Kung tutugon ka sa isang pampublikong review, lalabas ang tugon mo sa ibaba niyon.
- Pribadong note. Hindi lalabas ang feedback na ito sa listing mo. Ikaw lang ang makakakita nito.
Kapag nakatanggap ka na ng 3 review, maa‑unlock mo na ang mga insight sa feedback ng bisita. Gamitin ang menu para ma‑access ang seksyong mga insight ng Airbnb app.
Pagtuon sa kalidad
Paano nalampasan ng mga nangungunang host ang mga inaasahan ng bisita sa lahat ng detalyadong rating.
Bukod pa sa mga tip na ito sa hospitalidad, tandaan ang Mga Pangunahing Alituntunin para sa mga Host at Mga Patakaran sa Kaligtasan sa Pagho‑host ng Airbnb. Isinasaad ng mga ito ang mga pangunahing inaasahan para sa pagbibigay ng ligtas at de‑kalidad na mga experience.
Kailangang matugunan ng lahat ng host, litrato, at detalye ng listing ang mga pamantayan at kinakailangan para sa Mga Experience sa Airbnb.
Posibleng nagbago na ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.